Impossible to Possible~~ [ONE SHOT]

87 2 5
                                    

Buuuuuuuuuuuuuuuuuuuuzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!!

“Okay class dismiss.”

“Goodbye Mrs. Carbonel!”

College life? Oo. Ako ay fourth year college na ngayon. Tourism ang course ko. Syempre nag-aaral akong mabuti kasi may goal ako sa buhay ko.

Ano ang goal ko? Gusto kong makapunta sa iba’t ibang lugar. Gusto kong mapuno ng mga adventures ang buhay ko. At syempre may gusto akong makita. Six years ko na siyang kilala at sana makilala rin niya ako.

Sino? Siya lang naman ang taong nagpapatawa, nagpapaiyak, nagpapakilig, nagpapabaliw, nagpapainspire, at nagpapalungkot sa akin. In short, halos siya na ang naging batayan ng mga nararamdaman ko sa araw araw na ginawa ng Diyos.

Pangalan niya??? 이재진. Oo. Di kayo nagkakamali. Si Lee Jaejin nga. Ang bassist ng Korean band na FT Island. Ewan ko ba. Siya ang kaunaunahang lalaki na kinabaliwan ko sa Kpop. Ika nga nila, “My Ultimate Bias”. Madami din naman akong bias sa kpop pero siya talaga. Siya talaga ang pinakamahal ko.

Oo. College na ako. Pero sabi nila napaka-immature ko pa din. Para daw akong bata. Ang kwarto ko puno ng posters ng iba’t-ibang kpop idols. Kulang na lang sila na ang maging wallpaper ng kwarto ko. Meron din akong cabinet na exclusive for kpop goodies lang. Para din daw akong bata kung ma-inlove. Maiinlove na nga lang, dun pa sa taong hindi ako kilala. Eh bakit ba? Eh kung sa iyon ang nararamdaman ko eh. Pasalamat nga sila at natuto akong magmahal. Magmahal ng tunay sa taong di naman ako kilala. Kahit alam kong malabong mangyari na makilala niya ako.

Ako si Miah Joy Corpuz at eto ang kwento ng buhay ko.

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Second year high school palang ako nung makilala ko ang FT Island.~~~

Nasa volleyball court ako at nagliligpit ng mga gamit ko. Katatapos lang kasi ng training namin. Habang nagliligpit bigla ko na lang narinig ang pangalan ko na para bang may tumatawag sa akin sa malayo. Isang tao lang ang gumagawa niyan. Si Dina. Ang best friend ko na maka-kpop.

“Miah! Miah! Tignan mo to.”

“Ano iyan? Sino yang mga yan?”

“Sila ang FT Island. Kpop Band yan sila.”

“Ahh. Okay!”

“Miah naman eh. Dali na.”

“Alam mo namang hindi ako mahilig sa kpop diba.”

“Pwes, ibahin mo to. Gaya nga ng sabi ko banda sila. Diba mahilig ka sa mga bands?”

“Oo.”

“Kaya dapat kilalanin mo sila. Maganda mga kanta niyang mga yan. At siyempre mga gwapo yang mga yan.”

“Talaga? Hindi ako mabobored sa mga kanta niyan ahh. At siguraduhin mo lang na papasa sa panlasa ko ang mga itsura nila.”

“Oo. Promise. Di ka mabibigo.”

“Ano nga ulit pangalan nila?”

“FT Island!”

“Okay. Aalamin ko na lang sila kay Mr. Google mamaya. Babush!”

“Annyeong!”

At umalis na nga ako. Uuwi na ako no. Nakakapagod kaya ang training namin ngayong araw. Haist. Yan talagang si Dina. Hindi na siya nagsawang magpakilala sakin ng mga kpop idols. Alam naman niyang hindi ako interesado sa mga ganung bagay.

Impossible to Possible~~ [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon