30th day of February

52 1 1
                                    

" Saph kumain ka na? Kung hindi pa, eto oh, dinalhan kita ng paborito mo. "

" Di ako gutom. If you want to eat, eat that food pf yours ALONE! If you'll excuse me, I have something to do. "

Umalis na ako sa cafeteria. Iniwan ko na si Jake doon.

Ang KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL ng mukha nung hayop na yun. Pagkatapos akong lokohin? Ipagpalit? Ano babalik balik siya? Nek-nek niya! Bahala siya diyan! 

Pumunta na lang ako sa libary. 

Haaay..... Buti pa dito tahimik, payapa, puro libro nga lang kasama pero at least diba? 

Ginawa ko na lang dito yung assignment namin para wala na akong gawin mamaya sa bahay. Magfe-facebook na lang ako dun mamaya. 

Napansin ko na lang na may naglapag ng rose sa lamesa kung saan ako nandun. Tinignan ko kung sino, as usual, si Jake na naman. Pero umalis naman siya agad pagkalapag niya nung rose.

Kinuha ko naman. Ewan ko ba kung bakit ko kinuha. May choice naman ako na pabayaan na lang yun doon diba? Pero mas pinili kong kunin.

Eh? May kasamang note?

~ Alam mo sabi nila gawin ko daw sa kapwa ko kung anong gusto kong gawin nila sakin. So it means na pag minahal kita mamahalin mo ulit ako?  I LOVE YOU Saph. ~

Corny ah! Pero bat ganun? Napangiti parin ako?

Napailing na lang ako at tinuloy na yung ginagawa ko. 

dugdug.dugdug.dugdug.

*********************************************************************************

Natapos naman ako sa ginagawa ko sa library ng mas maaga sa ine-expect ko. Dumiretso na lang ako sa locker room para ilagay dun yung libro ko tutal tapos naman na ako sa mga kelangan kong gawin.

Pagkasara na pagkasara ko dun sa locker ko nakita ko agad si Jake.

" Anak ng pitongpu'y pitong puting tupa naman oh! Jake! Nakakagulat ka! "

" Hahahah! Nakakatawa itsura mo. "

Napasimangot naman ako sa sinabi niya! Eh panong di magiging katawa tawa itsura ko eh ginulat niya ako? Sira ulo!

" Joke lang ito naman. Hahaha! Tinaggap mo yung roses? Asan na? "

" Nasa basurahan na. " 

Walang gana kong sabi.

Pero ang totoo nasa bag ko lang yung roses.

" Bat mo tinapon? Sayang 3 pa naman yun para I Love You. "

" Kaya ko nga tinapon eh kasi I Hate You. "

Saka na ako naglakad papalayo.

" SAPH! " sigaw niya

Syempre ako naman napalingon.

" I LOVE YOU! "

Sigaw niya ulit habang nakangiti at nakatingin sakin.

Umiwas na lang ako ng tingin saka tumalikod na sa kanya.

Lahat ng nasa may locker room eh nag "ayiee". Ang dami pamanding tao dito! Shock ka Jake! Naglakad na lang ako papalayo ng nakatungo.

Nagblush kasi ako dahil sa hiya. At oo dahil na din sa KILIG!

" DI AKO MAGSASAWANG IPAGSIGAWAN YUN! "

30th day of FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon