bugtungan

112 0 1
                                    

Isang reynang maraming mata
nasa gitna ang mga espada.
Sagot: PINYA

Nagbibigay na'y
sinasakal pa.
Sagot: BOTE

Hinila ko ang baging
nag-iingay ang matsing.
Sagot: KAMPANA

May puno walang bunga
may dahon walang sanga.
SANDOK

Buto't balat
lumilipad.
Sagot: SARANGGOLA

Mataas kung nakaupo
mababa kung nakatayo.
Sagot: ASO

Tungkod ni apo
hindi mahipo.
Sagot: NINGAS NG KANDILA

Eto na ang magkapatid
Nag-uunahang pumanhik.
Sagot: MGA PAA

Dalawang batong itim,
malayo ang nararating.
Sagot: MATA

Nakayuko ang reyna
di nalalaglag ang korona.
Sagot: BAYABAS

Araw-araw nabubuhay
taon-taon namamatay
Sagot: Kalendaryo

Buto't balat lumilipad
Sagot: Saranggola

Isda ko sa Maribeles
nasa loob ang kaliskis
Sagot: Sili

May isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy

Matanda na ang nuno di pa naliligo
Sagot: Pusa

Hayan na si kaka bukaka ng bukaka
Sagot: Gunting

Pinatay ko na binaril ko pa
Sagot: Kamatis

Dalawang bolang kristal abot hanggang langit.
Sagot: Mata

Nagtago si Juan nakalabas ang ulo
Sagot: Pako

Isang balon malalim punong-puno ng patalim
Sagot: Bibig

Ate mo, ate ko, Ate ng lahat ng tao.
Sagot: ATIS

Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako
Sagot: Durian

Maikling landasin, di maubos lakarin.
Sagot: NINO

Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
Sagot: sinturon

Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.
Sagot: sapatos

Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.
Sagot: langgam

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya

Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw

Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig

Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper

Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo

Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela

Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos

Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo

Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig

Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog

May bintana nguni't walang bubungan,
may pinto nguni't walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan

Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo

Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril

Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket

Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya

Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta

Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola

Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma

Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote

May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: sandok

Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana o batingaw

Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas

Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.
Sagot: balimbing

Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo

randomWhere stories live. Discover now