One

0 0 4
                                    

"Matagal na kitang gusto. Pero hindi ko maamin sayo kasi may gusto kang iba. Ayoko kasing masira yung ngiti mo dahil lang sa pag amin ko kung sino ako. Masaya na akong makita ang ngiti mo kapag kausap at kasama mo sya..."

"Grey! Bakit kunot noo ka nanaman? May nangyari ba?" Tanong ni Humble saakin.

"Basahin mo. Halos araw araw nya akong binibigyan ng sulat. Nakakatakot na sya ha!" Sabi ko sabay abot ng sulat kay Humble.

Greychena po pala ang pangalan ko. Grey ang tawag sakin ni Humble. Pero kadalasan Chena ang tawag sakin. Ayoko ng Grey pero astig daw sabi ni Humble.

Si Humble naman ang una kong naka close dito sa school nang bagong lipat ako dito. Naging panangga nya ako sa mga chix na humaharot sa kanya. Ewan ko nga kung bakit natiis kong maging kaibigan to. =D

"Hindi ka na nasanay dito? Wag ka nang sumimangot. Pangit ka na nga sisimangot ka pa." Sabi nya sabay tawa.

"Hindi ko ba alam kung paano ko natiis na mag stay bilang kaibigan mo." Sabi ko sa kanya sabay irap. Bwisit na to.

"Joke lang eh! Lika na nga. Libre kita mamaya ng lunch." Sabi nya sabay kuha ng bag ko at hinagis nya sakin yung bag nyang wala namang laman. (-___-)

"Nag aaral ka ba talaga Humble?" Tanong ko.

"Kaya nga kasama mo ako diba? Papasok ba ako kung hindi?" Sabi nya na hindi man lang ako nilingon.

"Eh pano, wala man lang laman tong bag mo! Ni wala ka nga yatang ballpen!"

"Tss. Hindi ko kaylangan ng ballpen. May nagsusulat para saakin. Sa gwapo ko ba naman kasing to." Sabi nya sabay pasok sa room namin.

Oo nga naman. Yung mga babaeng mahaharot na ginagawa ang lahat para lang mapansin ni Humble.

"Hindi talaga bagay sayo yang pangalan mo."

"Yan din ang sinabi ko kay Mama. Sabi ko bakit hindi nalang Handsome ang ipinangalan nya sakin. Diba?" Sabi nya sabay ngiti.

"Mukha ka talagang aso pag ngumingiti." Sabi ko sabay upo sa tabi ni Humble.

"Atleast hindi tulad ni Kry na parang unggoy pag nangiti. Hahahaha!"

"Hoy! Hindi kaya sya parang unggoy. Ang gwapo kaya ni Kry! Ang sweet pa ng smile nya." Sabi ko.

"Blah blah blah blah." Sabi ni Humble sabay pikit at pinatong ang ulo sa balikat ko.

"Hoy Pangit! Parating na si Ma'am! Gising!" Niyugyog ko pa si Humble pero di parin nag mulat ng mata.

"Humble. Ano ba! Parehas tayong mapapagalitan sa ginagawa mo eh! Gawin ba akong unan? Mukha ba akong unan?" Wala parin. Di tumalab!

Ah ganun ha. Ito malamang tatalab na to.

"Gising na sa pinakaGWAPOng lalaki sa balat ng lupa." Nag mulat sya per hindi nya inalis yung pagkakadantay ng ulo nya sa balikat ko.

"Kulang" sabi nya sabay pikit.

"Tss! Ang arte mo!" Sabi ko sabay kurot sa tagiliran nya.

"Aray! Ang brutal mo talaga Grey." Sabi nya sabay usod patalikod kasi aambahan ko sya uli ng isa pang kurot pero may nabangga sya.

"Sorry..." sabi nung babae na nabangga ni Humble.

Pinupulot ng babae yung mga gamit nyang nahulog samantalang si Humble ay natulala.

Tumayo ako na hawak ang phone ko sabay kinuhanan ng picture si Himble habang tulala. Hahahaha! Ipopost ko to.

Dumating si Ma'am at pinakilala yung babaeng nabunggo ni Humble. Sya pala si Fia.

"Grey!" Tawag sakin ni Humble.

"Hmmm?"

"Saan ka nanaman pupunta? Diba sabi ko sabay na tayo mag lunch?"

"Ah oo nga pala. Pero nakita ko kasi kayong nag uusap ni Fia kaya nauna na ko." Nakangising sabi ko.

"Nag seselos ka ba?" Kunot noong tanong nya.

"Hindi no! Ano ka hilo? Di kita type no!" Sabi ko sabay pektus sa kanya.

"Ansakit mo naman mag salita. Tss." Sabi nya sabay lakad ng mabilis.

Gwapo naman talaga si Humble, pero mahangin nga lang.

"Humble! Hintayin mo ako! Ililibre mo pa ako eh. Hahaha!" Sabi ko pero lalo nyang binilisan ang mag lakad.

"Hindi na! KKB na tayo!" Sabi nya.

"Tsk. Hindi ka na mabiro. Alam mo namang ikaw lang ang gwapo sa paningin ko eh." Sabi ko na nagpipigil ng tawa.

"Talaga? Ako lang gwapo sa paningin mo?" Tanong nya.

"Uhm... syempre mas gwapo si Kryptonite." Sabi ko sabay ngiti.

Crush na crush ko kasi si Kry eh. Gwapo gwapo ni Kryptonite ko.

"Humble!" Natigilan ako habang nakatitig sa papalapit na si Kryptonite. Bigla akong nanlamig at kinabahan.

"Ano nanaman ba Kry?" Tanong ni Humble. Tss. Ang sama talaga ng ugali nya kay Kryptonite ko.

"Sige na kasi. Sumali ka na sa team!" Sabi ni Kry kay Humble.

"Ang kulit mo naman Bro. Hindi ko nga hilig ang basketball." Sabi ni Humble. Pahirap talaga tong si Humble kay Kry ko!

"Tss. Kill joy ka talaga Bro." Sabi ni Kry sabay napatingin sakin.

"Hi Chena! Pilitin ko naman si Humble na sumali sa team." Sabi ni Kry sakin at ngumiti ng napakasweet!

Shit! Ang gwapo nya talaga!

"Hoy! Umalis na sya. Yang laway mo kadiri ka!" Sabi ni Humble at nalakad na paalis.

"Nakakahiya..."

"Talagang nakakahiya ka. Di ka man lang nakasagot sa tanong nya. Tss. Masyado kang halata na may gusto ka sa kanya." Sabi ni Humble sabay tulak saakin.

Natama tuloy yung braso ko sa bintana na may maliit na alambre.

"Shit! Sorry Grey! Sorry." Sabi ni Humble

"Ano ka ba! Okay lang ako. Malayo sa bituka."

"Dyan ka lang. Bibili lang ako ng panlinis ng sugat sa labas." Sabi ni Humble at pinaupo ako sa malapit na upuan at tumakbo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Humble KryptoniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon