Stanza 1
Nang una kang nasilayan ng aking mga mata
Tibok ng puso ko'y biglang nag-iba
Tinig mong tila isang musika
Na sa aking damdami'y nanghahalinaStanza 2
Damdaming inakalang panandalian
Ngunit ika'y di mawaglit sa 'king isipan
Lumipas na ang mga buwan
Mukha mo'y patuloy pa ring nasisilayanStanza 3
Nang ika'y aking nakausap
Mata'y di mapigil sa pagkislap
Ngiti'y pilit winawaksi
Nang labing di makapagkubli

YOU ARE READING
Nakaw na Sandali
PuisiIsa po itong tula na nasulat ko dahil sa paghanga ng patago sa isang tao. Sana po magustuhan nyo. P. S. -draft lang po ito, wala pag final touch. Thanks!