BUS STOP

28 1 1
                                    

Kung minamalas ka nga naman.

Umuulan na naman. Nakalimutan ko payong ko. Nagugutom na 'ko. Naabutan pa 'ko ng rush hour. Wala pang bus. Ano pa? Haay.

Alas singko na ng hapon, napakadilim na ng paligid, at malakas pa ang hampas ng hangin. Oras na ng madaming tao dito sa bus stop. Punuan ang bus, minsan wala pa lalo na malakas na yung ulan. Dati nakikipag-Hunger Games ako pag may bus, kahit na punuan. Pero ngayon wala yata ako sa mood dahil basang-basa ako at sobrang daming tao.

Bakit ba kasi ang sipag ko at late na ko umalis ng school? Nako naman.

Habang naghihintay naman ako ng bus, biglang kumidlat.

"Aaah!!" Napasigaw ako, medyo pinagtinginan tuloy ako ng tao, dahil sa sobrang gulat ko napatalikod ako at nakaamoy ng isang napakabangong nilalang. Syempre sininghot ko muna yung mabangong amoy bago ko tignan kung anong klaseng nilalang yun.

In fairness naman, Lord. Medyo mabait ka ata sakin today.

Ang pogi.

Nakauniform siya na white at slacks na dark grey, tapos medyo basa yung buhok niya. Umuulan na nga, mukha pa rin siyang fresh? Samantalang ako, kababae ko pang tao, mukha akong basang sisiw dahil wala akong payong?? Ano na Lord? Bat unfair?

"Ah. Eh sorry."

"It's okay."

Inayos ko na ulit yung tayo ko, pero sa pangalawang pagkakataon kumidlat na naman at nandun ulit siya sa likod ko. Hindi ko sinadya, promise.

"Sorry ulit."

Tapos nginitian ko lang siya, ang cute talaga kainis. Pero hindi niya ko pinansin. Suplado.

Nakita ko siyang tinaas yung bag niyang malaki.

Wow. Siguro ginamit nya yan para takpan yung kidlat, if ever. Syempre dahil mabait ako,

"Di mo na kelangan gamitin yang bag mo para takpan yung kidlat, okay lang ako."

"Huh? Anong sinasabi mo?"

"Uhh. Yang bag mo? Pinangcover mo, if ever kumidlat ulit?"

"Ha? I'm not covering you, ayan na yung bus na sasakyan ko, wala akong payong kaya bag ko gagamitin ko. Excuse me."

Boom. Pahiya.

Tumakbo na siya papunta sa bus na sasakyan niya. Umayos nalang ako ulit ng tayo at inikot ang tingin, tinignan kung sino nakakita sa pagpapahiya ng napakasupladong lalaking yun. Buti naman, wala.

Kumukulog na naman, bakit ba kasi ang tagal ng bus? Gusto ko ng umuwi para hindi ko na makita yung kidlat at marinig yung kulog.

Pero dahil malas ako ngayon,

BLAAAAAAAAAAG!!!

Yung kidlat akala mo flash ng camera sa sobrang liwanag. Sa sobrang gulat ko napatalon ako pero ngayon, may natamaan naman akong lalaki. In all God's fairness, napakabango ulit. Bakit ganun? Sila mabango at mukhang fresh kahit umuulan, ako hindi?

"Kidlat lang yan, hindi ka tatamaan." Isang napakapoging nilalang ang nasa harapan ko ngayon. Mukha mayaman. Anong ginagawa ng napakagandang lalaki na ito sa bus stop? Hindi siya nararapat dito. Napakagwapo niya.

*Heart eyes emoji everywhere.*

"Ahh. Eh."

"You see, lightnings and thunders aren't scary as they seem." Kinikilig ako, ang pogi niyang magsalita.

"I don't know. Sobrang takot lang talaga ako, i always get news about people who get struck by lightnings." I answered him. We're both staring at the road waiting for the bus.

"Tandaan mo, lightnings and thunders are just a bunch of noise that seems like it's trying to scare you. If you fall for it, you'll just get more and more scared every time."

"Don't worry. I'm here. Besides, I saw what the guy did that you talked to awhile ago." He added.

Akala ko pa naman, walang nakakita? Pero, in fairness, medyo nag cool down ako sa takot ko. Buti pa 'to. Hindi katulad nung lalaking nakausap ko kanina.

"Thank you."

Nagkwento pa siya more of thunder and lightnings, he seemed like he is a fan of storms. Pero takot pa rin ako, tinatago ko lang sakanya.

Teka, sino ba to?

"You might be wondering, who am I, right?"

"Uh. Oo?"

"Hi" tapos hinarap niya ko "I'm Storm."

"Hi" hinarap ko din siya "I'm Sky."

Natawa kami pareho, pano ba naman. Relate na relate yung pangalan namin sa nangyayari at pinaguusapan namin.

"Storm and the Sky, huh?"

"Hahaha. Oo nga no. Bagyong-bagyo lang."

Tinanong niya ako kung san ako nag-aaral. Sinabi ko naman. Nagulat na lang ako bigla nung sinabi niyang sa Ateneo siya nag-aaral. Tinanong ko rin siya kung bakit siya nagbubus, sabi niya wala lang.

"Wala ka bang kotse?"

"Meron."

"Eh bakit ka nagbbus?"

"Hindi ko rin alam, gusto ko lang subukan. Parang ginusto din kasi ng panahon na mag bus ako ngayon."

Buti naman at ginusto ng panahon, dahil ayun. Kumidlat na naman since nagdadaldalan kami, hindi ko na napansin. Napangiti naman ang loko ng bigla.

"Tignan mo, hindi ka na takot"

"Kasi may kausap ako."

"You just need a person who can assure you that everything's alright and you shouldn't be scared."

"Siguro nga."

I smiled at him, at dahil mabait si Lord. Ayan na yung bus na hinihintay ko, wala pang laman.

Thank you, Lord.

Nagpaalam na 'ko sakanya, at tinuro yung bus na sasakyan ko. Hindi ko na hinintay yung sagot niya dahil baka iwan ako ng bus.

Yes. Ang luwag.

Umupo ako sa medyo likod dahil malayo pa naman ang babaan ko. Habang inaayos ko yung bag ko, may umupo sa tabi ko, hindi ko napansin yung mukha. Hala, baka holdaper. Pero pag lingon ko,




















"Why'd you left me?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUS STOP: A One-Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon