Chapter 4: Realtalk With The Best Friend

195 4 2
                                    

Joshua's P.O.V

Joshua Samson here! Bestfriend ni Kiann since we were kids. Wala naman masyadong interesting sakin bukod sa player din ako ng basketball. Mahilig rin akong kumanta at sumayaw that's also the other side of Kiann. Marami ang hindi nakakaalam nito sa University dahil sumikat nga kami because of basketball.

After naming magpractice inaya ako ni kiann tumambay sa favorite place nya,sa burol. For sure mag iisip na naman yun hihingi ng advice o maghihinga ng mga saloobin.

Bumili kami ng kalahating case ng san mig light at ilang mapupulutan. Siguro naman sapat na yun hanggang sa mailabas nya na mga saloobin nya.

" Come on Kiann spill it." Paghimok ko sa kanya ng makarating kami sa burol at nang makapagbukas na ako ng 2 bote ng san mig.

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala muna sa kanya bago siya nagsalita.

" I've been chasing her for 2 years and now it seems that I'm on my tbird I don't know what to do man." He seems so hopeless.

" Dude you're not actually courting her, so no choice ka kundi magtiyaga kung kelan ka nya kakausapin at papansinin." Wala din akong alam na pwedeng isuggest sa kanya dahil una pa lang Aeries didn't allow him to pursue her.

" I didn't cause she's not allowing me to. God Josh kahit friends lang ok na ko but I don't know why she's so mad at me,wala naman akong alam na ginawa ko sa kanya. Nung una naman she's nice to me then one day she became mad at me." Nilagok nya ang natitirang kalahating laman sa bote niya bottoms up.

"Ang sabi mo diba ilang beses ka niyang nakitang iba iba ang kasama mong girls tapos narinig ko na feeling close ka daw sa kaniya at sabi mo daw na nagagalingan siya sayo sa basketball. She hates playboys and a good basketball player. If I'm not mistaken siya yung sinasabing pumasok na brokenhearted because of a certain playboy." Base lang yun sa narinig ko noon sa isang schoolmate nya nung high school.

" But I am different! Isa pa wala akong sinabing nagagalingan siya sakin. Yes I'm a playboy,before.... Before I met her.If she's just going to give me a chance. " Nagbukas na siya para sa pangatlong bote niya. Ngayon ko lang nakitang ganito ang bestfriend ko sa buong mga taong magkasama kami. Pumapag ibig nga talaga siya.

"What if mag iba ka ng style?Yung simple lang,yung seryoso.  masyado kasing mayabang ang dating mo sa kanya eh." Suggestion ko lang naman yon baka lang gumana at mawala ang pagkainis o hatred? San kaya nanggagaling ang pinaghuhugutan ng babaeng yun?

Hindi na sumagot si Kiann,nakatingin lang siya sa malayo at malalim na nag iisip habang unti unting sinisimsim ang alak na hawak nya. Kung matutulungan ko lang sana siyang kumbinsihin si Aeries.

Someone's P.O.V

Weekend at katatapos lang magjogging nila Aeries at Nikka.

" Sissy just want to ask. Bakit Aeries ang tawag nila sayo? Why not Xandria? " Tanong ni Nikka habang nagpupunas ng pawis.

"Nakasanayan na nila yon,natuwa sila kasi kakaiba daw and I found it nice so hinayaAn ko na lang."

Nagkibit lang ng balikat si Nikka at saka tumingin sa cellphone nya, may message na pala. Sa hindi malamang dahilan biglang namutla si Nikka at agad ng nag akit pauwi. Hindi naman napansin ni Xandria na may bumabagabag sa isip ng kababata. Hindi likas na observer si Xandria kumpara sa mga kaibigan, lalo na kay Gladys.

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now