Behind Those Letters

962 23 16
                                    

Behind Those Letters

by feelingerang_writer

copyright 2013 ©

Ang sinumang magtangkang magpakalat nito ng walang paalam sakin ay kakasuhan ko ng...

WALA! Hindi naman ako law student eh. Hahaha

Anw, sige pakalat nyo nalang. Hoho ~

Author's Note:

This is my first time to write a story at on the spot ako nagtatype ng kung ano na lang ang lumalabas sa tuyot kong utak. Kung pangit man ito o korni well as I expected. Hahaha... Hindi ako umaasa na may magtyatyagang basahin to kasi nga puro kaimbentuhan ko lang ang mga ito. Nililinaw ko lang din na ang mga pangalan at iba pang bagay na mababanggit ay walang kinalaman sa mga totoong pangyayari. Kung nagandahan at natuwa ka dito, salamat. Kung hindi, e di hindi. HAHAHA.

Binuo ko na agad ang story na to bago ko pa man isubmit sa wattpad. Kasi naman, di ako madalas mag-internet kaya hindi ko ma-update pag ganun. So eto, tapos na sya! :D

At dahil sobrang daldal ko na ay titigilan ko na. Thank you for waiting Mam, Sir. Here’s your order.

Author's Note:

advance sorry po kung may typo!^___^v

***

Chapter 1

Minsan ba naramdaman na parang nag-iisa ka nalang sa mundo?

Yung parang walang nakikinig, walang may pake.

Sobrang tahimik wala kang makausap.

Para kang mababaliw.

Ang daming tanong, pero walang maisagot.

Ginawa mo nang lahat, pero bakit kulang?

Halos mawala na sayo lahat. Tapos ganun lang?

Ang sakit. ANG SAKIT SAKIT.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Grabe nato ang hirap ng exam sa ALGEBRA. Waaaahhh T^T

Sorry sa pag-iinarte ko. Kasi naman eh super hirap talaga. Patayan na eh.

Yung feeling na nagpuyat ka tapos pagtingin mo sa exam,

“Sir, tinuro ninyo ba to?”

Lahat na ng butas ko dumudugo na.  Pigang piga na utak ko. Sakit pa ng tyan ko.

Di ko maintindihan, pag exam kung anu anong diperensya dumadapo sakin.

Binge. Bulag. Tanga eh.

Tae naman oh. Pagpalain ang lumikha ng subject na to.

“HOKAYYY!!! PASS YOUR PAPERS! PINISH OR NOT PINISH!!!”

Oo. Ganyan na ganyan talaga yung pagkakasabi nung prof. Putek. Wala pa ata sa kalahati ang nasasagutan ko tapos pass agad? Badtrip eh. Nagkukumahog na ang lahat para tapusin ang kaya pa nilang tapusin sa exam. Buti pa tong mga to, may ikukumahog. Ako kahit anong gawin ko, WALA. WALA TALAGA.

At dahil wala na talaga akong maisagot, tumayo na ako para ipasa ang papel ko. Pagkapatong ko nung papel ko sa table nung prof eh may epal na classmate ang nagreact.

Behind Those LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon