Chapter 13
Flat
Just as I thought he'll back off,he did something.Something childish and unreasonable.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos ng aking kotse nang bigla siyang nawala nang walang paalam.Inakala kong umuwi na.
"I really don't think you can leave with your car," aniya habang naka-cross ang braso sa kanyang dibdib pagkabalik mula sa kung saan.
Binalingan ko siya at kinutuban ako sa laki ng kanyang ngisi. Sinimangutan ko siya. "Bakit na naman?," asik ko.
"Flat 'yong gulong mo," aniya at agad naman akong napatingin sa gulong ng aking kotse.
Okay naman iyong harapan nito ngunit ganun na lang ang aking panghihina nang makita ang sinapit ng hulihan na gulong.
Nilapitan ko iyon at flat na flat ito.Hindi ito basta lang naflat o napako.Tila ba ginamitan ito ng kutsilyo para talagang ma-flat.
"May spare akong gu---long," nanghina ako lalo nang makitang ganoon din ang sinapit ng isa pang gulong nang pumunta ako sa likuran ng aking Tucson.
Iisa lang ang nasa isip ko.Si Seth.
"Anong ginawa mo?," hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses nang balikan ko siyang nakatayo at nakapamulsa sa gilid ng aking kotse.
Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay habang natatawa. "Sorry not sorry," ngisi niya at pakiramdam ko ay lahat ng dugo ay umakyat sa ulo ko.
"Are you even aware what you've done?," hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Sinira niya iyong dalawang gulong. Bubuka-sasara ang aking bibig dahil sa aking pangangatal.
"Galit ka?," walang ekspresyon ang kanyang mukha.
"Bakit? Dapat ba matuwa ako?," I snapped.
Hindi siya kumibo. Tila ba bigla siyang natauhan mula sa kabaliwan niya nang makita ang aking galit.Nagkamot siya ng kanyang batok.
"Sorry," mahina niyang sabi.Ang kaninang pilyo niyang ngiti ay biglang nawala.
Napakarami kong gustong sabihin kanina dahil sa sobrang inis ko ngunit nang makita ko ang tila nagiguilty niyang ekspresyon ay naglaho na rin na parang bula ang lahat na masasakit na salita na aking naiisip.
Tinalikuran ko na lang siya at naiiling na binalikan sila Nathan.Ayoko nang isipin ang aking gulong dahil sasama lang ang loob ko.
"Nathan,pakidala na lang sa talyer n'yo,hindi ko rin naman magagamit," sabi ko.
"Okay na 'to," sagot ni Nathan na nagpupunas na ng kamay.
Hindi ko masabi sa kanya na wasak ang hulihang gulong dahil hindi ko masabing si Seth ang may gawa.Napatingin ako sa kasama ni Nathan na nakita na ang gulong ng aking sasakyan.
Mayroon itong sinenyas sa kanya dahilan para tignan niya ang mga gulong at hindi ko maipagkakaila ang gulat sa kanyang mga mata.
"S-Sige,dalhin na namin," Nathan agreed at sumenyas na sa kanyang mga kasama para simulan nang hatakin ang aking kotse.
Lumapit si Seth sa amin ni Nathan at may iniabot sa huli. "Tawagan mo 'ko rito para sa charges," ani Seth na agad ko namang pinigilan.
Ibinaba ko ang kamay niyang may hawak na calling card dahilan para mapatingin siya sa akin. "No,it's fine," ani ko sabay tango kay Nathan.
Siguro ay guilty pa rin siya sa kanyang nagawa kaya hindi na niya pinilit pa ang pag-abot ng kanyang calling card kay Nathan.Kinuha ko lang saglit ang aking mga gamit sa loob ng sasakyan pagkatapos ay isinama na iyon nila Nathan sa kanilang pag-alis.
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal: If Ever
RomansaEverybody deserves a second chance.But not everyone can have it.What if you are one of those lucky persons to have it? Will you fight for the love unfinished or will you still make the same mistake?