Life of Pie (Buod at Pagsusuri sa Pelikula)

17.5K 26 3
                                    

LIFE OF PI

BUOD:

    Ang pelikulang “LIFE OF PI” ay isang istorya ng isang lalaki (Pi)  na nakaligtas sa malakas na bagyo sa karagatan. Dahil sa insidente namatay ang kanyang magulang at kapatid. Sa pagnanais na mailigtas ang sarili naglakbay ito sa karagatan kasama ang mga hayop na nakaligtas ito ay ang unggoy, zebra, haena at tigre.

   Samaliit na bangka doon siya namuhay at marami siyang pinagdaan dito kasama na ang gutom, uhaw at mga hayop na nag-aaway. Namatay ang iba dala na rin ng panghihina at gutom. Ang tigre ay pinakamalaking pagsubok sa paglalakbay ni Pi ngunit dahil sa isang aksidente sa dagat iniligtas niya ito at napaamo ang mabangis na hayop.

   Sa paglalakbay ni Pi at ng tigre napadpad sila sa isang isla. Napakaganda ng tanawin animo’y isang langit dahil sa masasarap na prutas, maraming hayop at ang pinaka nagpamangha kay Pi doon ay ang mga jilly fish na umiilaw sa gabi.

  Sa paglipas ng panahon hindi siya nawalan ng tiwala na makakauwi siyang buhay at napadpad nga ito sa isang lugar at siya’y nakaligtas ngunit ang kanyang tigre na kanyang minahal ay piniling tumira sa kagubatan at lubos naman niya itong tinanggap sa bandang huli at masaya sa kanyang naranasan sa karagatan.

PART II

MGA ELEMENTO SA PAGSUSURI NG PELIKULA

a.   Paksa- ang paksa sa pelikulang “LIFE OF PI” ay tungkol sa pakikipagsapalaran sa buhay ni Pi. Ang kanyang buhay na mag-isa sa karagatan at pagbibigay importansya sa mga hayop.

b.   Banghay- ang balangkas ng pangyayari ay yaong pagpapahalaga sa mga bagay-bagay sa paligid. Ang buhay ay maraming pagsubok na dapatlabanan. Sa pelikulang ito ipinakita ang buhay at karanasan ni Pi na mag-isa sa karagatan at kung paano niya ito malalampasan.

c.   Iskrip- ang detalye ng banghay una ay isinalaysay ni Pi sa kasama niyang Amerikano kung ano ang kanyang naranasan sa karagatan. Maayos ang mga detalye ng iskrip na ipinakita sa pelikulang ito.

d.   Pag-arte- ang pag-arte ng pangunahing tauhan na si Pi ay maayos niya itong nagampanan at naantig ang damdamin ng mga manonood sa kanyang istorya.

e.   Disenyo ng produksyon- ang pangkalahatang kapaligiran sa pelikula ay masasabing luma na dahil na rin sa matagal na ito. Ang atmospera ay madilim sa umpisa pero sa kahuli-hulian at kabuuan ay napakita naming maganda.

f.    Tunog at Musika- ang tunog at musika na inilapat sa pelikula ay nakatulong sa mga eksena lalong-lalo na sa tagpong nag-iisa si Pi at naalala ang kanyang pinakamamahal na pamilya.

g.   Potograpiya- ang potograpiyang ginamit sa pelikulang ito ay maayos ang mga anggulo na dapat kunan halimbawa nalang sa eksena ng  isla na kanyang napuntahan.

PART III

MGA KAHALAGAHAN SA PELIKULA

a.   Ang kahalagahang Pangkawilihan (Entertainment Value)

Ang pelikulang “LIFE OF PI” ay nakapagbibigay din naman ng interes sa mga manonod pero paminsan-minsan ang mga eksena ay hindi na masyadong nakapupukaw sa kawiliham ng mga manonood.

b.   Ang Kahalagahang Pansining  (Artistic Value)

Ang pelikulang ito ay nakakaantig ng damdamin dahil na rin sa paksang pakikipagsapalaran ni Pi na mag-isa sa karagatan. Ang malikhaing integrasyon sa pelikula ay iyong pagkamatay ng magulang ni Pi sa karagatan at sa yugtong paglayo ng tigre.

c.   Ang Kahalagahang Pangkaalaman (Informative Value)

Ang pelikulang ito ay nagbigay instrumento upang malaman ng mga manonood na ang buhay ay puno ng pagsubok at dapat natin itong lagpasan. Ipinakita ni Pi na huwag mawalan ng pag-asa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life of Pie (Buod at Pagsusuri sa Pelikula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon