LOVE OF SIAM
BUOD:
Ang pelikulang ito ng bansang Thailand ay nagsimula sa dalawang karakter na sina Mew at Tong. Bata pa lang sila ay may namumuo ng pagtingin si Mew sa kanyang kaibigan na si Tong. Nagkahiwalay ang dalawa sapagkat gusto na magpakalayo-layo at tumira sa ibang lugar ang pamilya ni Tong dahil sa pagkawala ng kapatid nitong si Tang sa paglalakbay sa bundok at hindi na nakabalik.
Sa pag-alis nina Tong si Mew ay nalungkot hanggang sa paglipas ng panahon ay muli silang nagkita at kapwa na binata. Si Tong ay may kasintahan na ang pangalan ay Donut ngunit hindi niya ito minahal kaya naman sila’y nagkahiwalay. Si Mew ay isang komposer dito at magaling na mang-aawit.
Ang Ama ni Tong ay piniling magmukmok, naging palamunin at lasenggo dahil na rin sa pagkawala ng kanyang anak na babae, isinisisi nito ang sarili sa mahabang panahon ngunit may isang babae na nagpanggat na si Tang ito ay si June ginawa niya ito para bumalik sa dati ang ama ni Tong. At sa panahong iyon nagkakamabutihan na rin sina Mew at Tong.
Sa isang pangyayari sinabihan ni Sunee (ina ni Tong) si Mew na layo-layuan ang kanyang anak sa kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawaat sinunod naman ito ni Mew.
Sa sakit na nararamdaman ni Tong hindi niya na alam kung ano ba talaga ang kanyang tunay na kasarian, dito niya nakilala si Ying ang kapitbahay at may lihim na pagtingin kay Mew. Sa halip na magalit si Ying kay Tong tinulungan niya pa ito at itunuring nila ang isa’t-isa na tunay na magkaibigan. Disyembre malapit na ang pasko nakapagdesisyon si June na umalis at nag-iwan ng sulat na masaya siyang nakilala ang pamilya ni Tong.
Ang August Band ay banda nila Mew ay kumanta sa Siam Square isang lugar sa Thailand at sinuportahan ito nila Ying at Tong. Inawit ni Mew ang kantang isinulat para kay Tong. Pagkatapos ng banda ibinigyan ni Tong si Mew ng isang regalo. Sa binitiwan na salita Tong na kahit hindi sila magkasintahan alam nila na mahal nila ang isa’t-isa.
PART II
MGA ELEMENTO SA PAGSUSURI NG PELIKULA
a. Paksa- ang tiyak na kaisipan sa pelikulang “LOVE OF SIAM” ay tungkol sa pagmamahalan sa bansang Thailand, ang malayang bansa. Ang paksa ay tungkol sa pagmamahalan sa pamilya, kaibigan, sa Diyos at kahit na sa pagmamahalan ng kapwa mo babae o lalaki. Walang pinipili ang pagmamahal.
b. Banghay- ang balangkas ng pangyayari sa pelikula ay pagbibigay importansya sa relasyon pamilya at sa isang taong minamahal mo. Ang pagmamahalan nila Mew at Tong.
c. Iskrip- ang detalye sa pelikula ay maayos na naipakita sa istorya at ang mga pangyayari sa buhay at pagmamahalan nila Tong at Mew.
d. Pag-arte- ang mga artista na gumanap sa pelikula ay kapwa magaling lalong-lalo na sila Mew at Tong, mahirap ang kanilang karakter sapagkat ipinakita nila rito ang pagmamahalan ng kapwa lalaki. Malaking pagsubok sa kanila ay iyong paghahalikan sa isa’t-isa.
e. Disenyo ng produksyon- ang pangkalahatang kapaligiran sa pelikulang “LOVE OF SIAM” ay maayos at halatang binigyan ng malinaw na atmospera ng pangyayari sa kwento.
f. Tunog at Musika- ang musikang ipinatong sa pelikula ay malinaw at maayos ang pagkagamit. At napaigting ang damdaming nais ipabatid ng pelikula lalo pa noong nagmamahalan na sila Mew at Tong.
g. Potograpiya- ang posisyon ng kamera ay maayos na ginamit sa pelikulang ito.
PART III
MGA KAHALAGAHAN SA PELIKULA
a. Ang kahalagahang Pangkawilihan (Entertainment Value)
Ang pelikulang “LOVE OF SIAM” ay nakapagbigay ng kawilihan at nabihag nito ang interes ng mga manonood dahil tungkol ito sa pag-ibig. At nakapagbibigay ito ng impormasyon kung paano pahalagahan ang pamilya. Kahit sino ka pa basta natamaan ka ni kupido wala kang magagawa kundi sundin at tanggapin nalang ito tulad nalang nila Mew at Tong.
b. Ang Kahalagahang Pansining (Artistic Value)
Ang pelikulang ito ay nakasagawa ng mga bahaging nararapat at ipinakita sa mga manonood kaya naman nakatawag ito ng pansin at nakaantig ng damdamin sa mga bahaging nawala si Tang at sa eksenang nag-iibigan sila Mew at Tong. Ang malikhaing integrasyon sa pelikula ay yaong nagpakita ang karakter ni June na masasabing kahawig sa ate ni Tong, ang nawawala niyang kapatid.
c. Ang Kahalagahang Pangkaalaman (Informative Value)
Ang pelikulang “LOVE OF SIAM” ay nakapagbibigay kaalaman sa Panitikan ng bansang Thailand na bukas sila sa lantad na pakikipagrelasyon ng kapwa lalaki o babae.