"Miannadara Sterly...."at umupo na ako sa bakanteng upuan sa may bintana.
"Aray! Ano ba?!"napatingin naman ako sa sumigaw. Isang babae na masama ang tingin doon sa lalaking mukhang nakasinghot ng sampung latang vulcaseal.
"Yung buhok mo itali-tali mo! Kalbuhin kita e."bakla,pumapatol sa babae. Napailing na lamang ako. Yung adviser namin lumabas.
"Yow! Yow! Yow!" 2 lalaki ang pumasok sa room,late ang mga kupal tsk tsk.
"Bro!"lumapit si 'mukhang adik' kay 'yow yow yow' at nagbro-hug pati na rin yung isa pang kasama ni 'yow yow yow'.
Si 'yow yow yow' pandak na feeling gwapo,bansot naman. Yung isa naman balak atang magdonate ng eyebags.
"Yow Thunder! Yow! Yow! Yow!" Thunder? Thunder ang pangalan ni 'mukhang adik'? Bat d pa ginawang lightning,tutal mukha naman syang na tamaan ng kidlat noong kasagsagan ni Ondoy.
"Kurt! Wala ka pa ring pinagbago, yow yow yow ka parin! Ikaw Ethos pakilo na natin eyebags mo." At nagtaas baba pa ng parehong kilay si uhmmmm thunder?
"Gago! Kakikita pa lang natin kahapon!"-Ethos.
"Yow mga sisiiiiiiiiiiw!!!"may pakaway kaway pa siyang nalalaman. Mangangandidato ganern? Baka siya pa ang mahuli ng mga pulis, mapagkamalang sabog. Sisiw? Pauso!
"Wahhhhhhh!!!!!!"tili ng mga kababaihan, natakot ata sa kapangitan ni---- ano ngang pangalan nito?
"Yow miss! Ikaw yung nagtransfer?" Hindi-hindi...
"Snobbera kala mo naman maganda. Pachix" Syempre di ako papatalo.
"Papogi kala mo naman pogi. Feeler."
"Kilala mo ko?"
"Oo, ikaw yung kakambal ni kokey!"
"Pigilan nyo ko masasapak ko tong babaeng to!"
"Oh pare, mag-Judge ka muna"singit ni Ethos at binigyan ng judge bubble gum si 'Yow-Papogi'
"Kung ako sayo bro nasapak ko na yan!"komento ni 'mukhang adik'.......sabi na e bakla talaga to.
"Hoy lalaking hilaw na may antena sa pwet, itikom-tikom mo yang bunganga mo!"at dinuro duro ko pa sya.
"Aba't!"
"Class...." napaupo agad ako ng marinig ko ang boses ni Miss Delos Reyes pati narin sina Yow-Papogi.
"May gaganapin na program/contest ngayong August and like what I said before I want us to be on top. Syempre about Buwan ng Wika, sa ibang category may napili na ko na panglaban dun lang sa Lakan at Lakambini wala, pagbobohan natin ngayon."pagkasabi ni Miss naghiyawan ang mga kaklase ko.
"The nomination for Lakan is now open. Any nominations?"
"I nominate Kurt!" Nagpipigil tawa nanominate ni Thunder kay Kurt. Tumayo naman si Kurt at hinalik halikan ang kanyang mga kamay at winagaywag. Parang tanga.
"I move that the nomination for Lakan be closed."Ethos. Planadong planado.
"Our Lakan is Mr. Kurt Titus. The nomination for Lakambini is -------."
"Miss! Miss!"natigil sa pagsasalita si miss dahil sa kabastusan ni Thunder, tinaasan na lamang ni miss ng isang kilay si Thunder.
"Yung transferee for Lakambini!"tang-ina?
"Hoy gago! Napakagwapo ko na naman para lang partneran ng isang mangyan sa bayan!"kung makalait, hayooooop!
"I moved that the nomination for Lakambini be closed. Whoooooooo official!!!!! Tranferee girl and Kurt! Bagay! HHAHAHAHAHHAHAHAHAHA"pati yung iba naming kaklase nakitawa na rin.
"Miss,ayoko!"-Kurt, lalong ayoko.
"Wala naaaa~ hohohohohoho"Ethos. Bahala sila hindi naman ako aattend. Utot nilang kulay Blue.