Let me be the one (ONE SHOT)

82 2 0
                                    

Hindi ko alam kung anong maramdaman sa mga oras na to...

Gusto kong magalit sa kanya sa pagiging tanga niya..

Gusto ko siyang pektusan sa mata sa pagiging bulag niya..

Gusto ko siyang sipain sa where-it-hurts-the-most para matauhan siya..

Gusto ko siyang suntukin sa mukha para matigil na siya sa pagbibingi-bingihan niya..

Gusto ko siyang gulpuhin sa totoo lang para sa..

Para sa... pananakit sakin ng hindi niya alam.

Pero ano bang karapatan ko?

Wala.

Wala akong karapatan kasi 'di hamak na bestfriend lang ako.


Ano nga bang laban ko sa babae na yun?

Wala eh.

Minsan gusto ko na lang sabihin sa kanya na..

"Jerome let me be the one, please."

"Ano?"

"Jerome, let me be the one. Promise hindi kita lolokohin"

"Huy! Aira! Anong pinagsasabi mo jan?" Napabalikwas na lang ako sa pagkakahiga dito sa ilalim ng puno sa damuhan sa park malapit samin.

"Ha?" Maang-maangan kong tamong. Shizz! Narinig niya ko? OMG i'm so dead!

"Wala akala ko binabangungot ka na" sabi niya sabay balik sa ginagawa niya sa laptop niya.

Siya nga yung sinasabi kong bestfriend ko. Si jerome. Yung tanga.

Gusto ko na siyang kumprontahin kaso natatakot ako. Gusto ko siyang kausapin tungkol dun kaso natatakot ako sa makukuha kong sagot sa kanya.

lord give me a sign please. Pag umulan kahit sobrang araw. Promise I'll confront him.

Kelan naman kasi yun mangyayari diba? Sobrang tirik ng araw tapos uulan? Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko.

Maya-maya pa nakaramdam na ako ng pumapatak sa mukha ko. Padami ng padami. Si jerome siguro to pinag ttripan ako

"Hoy jom tigil-tigilan mo ko ha! Tigilan mo yang pag wiwisik sakin tatamaan ka talaga"

"Hoy ka din! baliw ka ba umaambon oh! Tara sumilong sa waiting shed dun bago pa lumakas" Napadilat at napatayo naman ako sa sinabi niya. Shizz umaambon! Lord ganito ba ko kalakas sayo?

Let me be the one (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon