Muling Ibalik

62 2 0
                                    

Tatlong taon….. oo tatlong taon na pala ang lumipas, marami na ang nangyari, ngunit bakit sariwa parin sa aking ala-ala ang nangyari sa nagdaang tatlong taon. Ang mga maamo niyang mukha, ang kanyang mga matatamis na ngiti at ang boses niyang napakaganda tulad ng mga ibong umaawit ay pilit paring bumabalik sa aking isipan.

Ako nga pala si Eliza Fernandez, “Ella” ang palayaw ko, ako’y labing siyam at nag-aaral sa FEU na may kursong BS Accountancy at nasa ikatlong hakbang na ako. Sabi nila may angking talino daw ako, pero pagdating sa pag-ibig ay tanga daw. L Tanga nga ba? Nagmahal lang naman ako ha hindi naman ako masama peru bakit ginanito ako. Siguro hindi para sa akin ang tinatawag nilang “pag-ibig”.

Kring…kring..kring..

Bestieee nag bibell na oh..  hoyyy! Bakit ka nakatulala diyan, hmmm, may iniisip kana naman ano. (Ani ni Mika). (Ako) Ay oo nga pala, nandito kami sa canteen ng bestfriend kong si Mika Dizon, nagbell na pala, hindi ko namalayan ang oras. Papasok na kami sa aming silid-aralan. Habang papasok kami, nagpaalam na ang boyfriend ni Mika na si Kenji Sanford na kasama rin namin sa canteen kanina, taga ibang kurso siya at sumasama siya sa amin pag lunch time. Buti pa ang bestfriend ko maswerte sa love life, eh ako?? Tsk tsk tsk kahit ilang pana pa ang gagamitin ni kupido, wala parin. L Nag start na ang klase namin na napaka booring, kung pwede palang matulog gagawin ko na -_- Lahat ng subject sa hapon ay inaantok talaga ako, wala ako sa mood para makinig. After 123456 years, natapos narin ang araw nato, sinabi ng teacher naming na may quiz kami sa accounting 5 bukas at sa kasamaang palad hindi ako nakinig, di bale nalang mag-aaral naman kami mamaya ni Mika, kumbaga group study sa kanila. “Bestiie, mauna na ako ha.. may date pa kami ni Kinje my loves” (sabi ni Mika). Ako naman na papunta sa locker ay sinabihan siyang “okay bestie, ingat ka ha baka anu pang gawin nang kumag nayan sayo.”  Tumawa naman siya at sinabi niyang “ikaw talaga, ang kitid ng utak mo, cge bye2 na bestiee ^_^ kitakits mamaya.” Nagpaalam na siya at ako naman ay naglakad na ulit. Nandito na ako sa locker at medyo wala nang katao-tao dahil nagsiuwian na ang ilan, mga lima nalang kami na nandito. Binuksan ko na ang locker ko at inilagay ko na ang iba kong mga libro nang may nahulog na isang maliit na papel, kinuha ko iyon at binasa. “Hmmm.. sino kaya ang loko-lokong  naglagay ng ganyang sulat sa locker ko? Baka nagkamali ng nilagyan. Ito ang laman ng sulat na binasa ko:

“Mahal parin kita, alam mo yun!”

-Rain

Rain? Hmm wala naman akong naalala na may kakilala akong rain ang pangalan. Tsk! Makauwi na nga! Ang mga tao talaga ngayong may pagka abnormal, ang haba naman ng buhok ko para sulatan ng ganun. Sa pagkakaalam ko wala namang nagkakagusto sa akin dahil tamihik daw ako at hindi palangiti peru may itsura naman  ako at sadyang hindi lang talaga ako friendly. :PP Pagkalabas ko ng paaralan ay maglalakad na sana ako papunta sa amin, hindi naman siya ganun kalayo  nang may nahagilap ang aking mga mata.

 Hindi! Hindi totoo ang nakita ko, hindi talaga! Nanlalamig ang buong katawan ko, hindi ako makalakad, ang mga mata koy nakatitig lamang sa kanya at muntik ko nang maihulog ang isang aklat na dala ko. Tatlong taon na ang lumipas at hanggang ngayon hindi ko parin malimutan ang pagmumukha ng taong minahal ko ng lubusan, at siya ay si Lance Christian Villafuerte.

(Flashback)

5 years ago, ako at si Lance ay magkaklase, para kaming mga aso’t pusa dahil palagi kaming nagbabangayan at nag-aaway. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit palagi niya akong kunukulit. Third year high school  kami nung time nayon. Lumipas ang ilang buwan, ganyan parin kami ni Lance, ngunit merong kaunting nagbago, hindi ko din maipaliwanag kung ano ito. Kung hindi ako kinukulit ni Lance ay parang hindi kumpleto ang araw ko at sa tuwing absent siya ay hinahanap-hanap ko ang peresensya niya. Tinutukso ako ni Mika na crush ko na daw si Lance, tumawa lang ako at sinabi ko sa kanya na never ako magkakagusto sa halimaw na yon noh Asa pa siya. Peru di rin nagtagal kinain ko rin ang sinabi ko, nahulog ang loob ko sa kanya ngunit akala ko ako lang ang nagkakagusto sa kanya, siya rin pala. J Sinabi niya sa akin na mahal niya daw ako simula pa noong first year high school pa kami at ngayon lang siya naglakas ng loob para sabihin ito sa akin. Ang saya ko nun noong nagtapat siya siya sa akin at syempre nagpaligaw muna ako bago ko siya sagutin para may challenge. ^_^ Araw-araw hinahatid niya ako sa amin at binibigyan niya ako ng chocolates at bulaklak. Hindi ko malilimutan ang mga katagang sinabi ni Lance noon sa akin sa may tagpuan naming sa “wishing tree” habang umuulan at ito ang sinabi niya:

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Muling IbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon