All Rights Reserved!
Property of RyoAyane!
----------------------------------
Masyado kaming busy these past few days dahil sa mga schoolworks na due this month at dahil din sa rason na dito sa school namin iheheld yung SCUAA kung kaya't mas napapadali ang pagtatapos ng 1st semester ng school year na ito.
Sa group namin, isa ako sa mga nagpapaprint ng mga kailangang papers at dahil sa matagal at marami ang nakapila sa printer dito sa loob ng school namin ay nakasanayan na namin ng kasama ko na sa labas magpaprint. Palagi kaming nagpaprint dito sa shop na ito kasi naman po, 'cute' yung isa sa mga nagababantay at nalaman kong pamangkin siya ng may-ari at tumutulong lang siya dito. At may napapansinn rin akong babaeng na suki na rin sa pagpapaprint dito.
Hindi siya maputi pero hindi rin siya maitim, yung buhok niya naman ay hindi gaanong mahaba at hindi rin maiksi, hindi rin siya mataas, tama lang naman yung height niya at hindi naman siya gaanong maganda pero masasabi kong cute siya. Sakto lang ang lahat sa kanya kung kaya't Ms. S ang pangalang ibingay ko sa kanya at tutal nagpapakasinger din siya. Hehehe.
Sa tuwing nagpaprint kami, nagkakataong andyan din si Ms. S. Palagi siyang kumakanta o di kaya'y nagh-hum siya. Sa simula, medyo naiirita ako, kasi hindi naman kagandahan yung boses niya. Oo, di rin naman maganda boses ko pero alam niyo yun, parang hindi siya nahihiya. Pero di kalaunan, napansin ko na parang may gusto siyang ipahiwatig sa mga kinakanta niya. One time, nung nagpaprint kami, nakita ko na naman siya na nandun with her friend, syempre nagpapaprint. Yung friend niya nakaupo katabi ng computer at si Ms. S naman nakatayo sa likod ng naka-upong si Mr. Cute-guy para icheck yung mga ipaparint nila. Nakatingin lang ako kay Ms. S at inaabangan ko na ang pagkanta niya na sigurado ay gagawin niya.
"Dear John, I see it all now that you're gone.
Don't you think I was too young
To be messed with?
The girl in the dress
Cried the whole way home, I should've known."
"Sus, alam ko yan. Past nga naman oh." sabi ng kaibigan ni Ms. S na nakatingin lang sa screen ng computer.
Pagkasabi ng kaibigan nya nun, lumabas si Ms. S ng shop kung saan nasaan kami at naghum naman siya dun ng pareho pa ring kanta. Naka-ilan niyang inulit yung pagh-hum sa 'Dear John' ni Taylor ng tawagin siya ng kaibigan niya at pumasok naman siya kaagad. Pagpasok niya, pinakita lang sa kanya ni Mr. Cute-Guy kung tama ba yung ibang papers na ipaprint niya at tumango lang siya. Pagkatapos nun, kinanta na naman niya yung 'Dear John' at napansin ko na nakatingin na siya sa likod ni Mr. Cute-guy na parang may gustong sabihin at nakita ko naman na nakangiti lang yung kaibigan niya sa kanya pero kahit nakangiti yung kaibigan niya, makikita mo naman sa mga mata nito na parang nasasaktan siya for Ms. S? Weird.
Kinabukasan, nung nagpaprint kami, andun na naman si Ms. S at nagpaprint din siya pero dalawang kaibigan na ang kasama niya that time. Yung time na iyon, kumanta na naman siya, pero dahil sa sobrang dami ng pinaprint nila, natapos niya ang isang kanta.
Muntik na kitang minahal
"May sikreto akong sasabihin sa 'yo
Mayroong nangyaring hindi mo alam
Ito'y isang lihim itinagong kay tagal
Muntik na kitang minahal
'Di ko noon nakayang ipadama sa 'yo
