Balang araw (Completed)

168 5 0
                                    

Natatandaan mo pa ba???

Yung sabay tayong maligo......

Kaya lang may harang na pader

sa pagitan nating dalawa.....

Gustong gusto kita silipin nun kaso

hindi ako gaun kamanyak kase

alam ko na may tamang panahon para dito...

Natatandaan mo pa ba???

Nung birthday mo, binigyan mo ako ng handa

mo dahil sa ayaw kong kumuha ng pagkain 

kasi ang daming taong lumalamon...

Na ang asta e parang sila ang may birthday!

Natatandaan mo pa ba???

Nung sa birthday ko, sabay tayong tumalon

sa swimming pool.... Sabi mo pa nga sa akin na

patagalan tayong huminga sa ilalim ng 

tubig pero ang tangi ko lang ginawa

ay tinitigan ka at pinagmasdan ang gwapo 

mong mukha at 6 pack mong abs...

Natatandaan mo pa ba???

Nung Js Prom natin, gusto kitang maging

kapartner kaso hindi mo ako niyaya,

iba ang naging partner ko at napunta pa ako

sa panget. Tuwing sasayaw kami sa gitna,

nakikita ko yung itim niyang kili-kili....

Iniisip ko na lang na ikaw ang kasayaw ko

para mawala ang banas ko sa kapartner ko....

Natatandaan mo pa ba???

Nung inalalayan mo akong umuwi sa bahay 

dahil napilayan ako sa paglalaro ng volleyball...

Sabi mo saken na bubuhatin mo ako dahil

ayaw mong makita ako na nahihirapan

maglakad, pero hindi ako pumayag dahil 

baka mabigatan ka saken....

Natatandaan mo pa ba???

Nung inimbita kita sa bahay dahil may gaganaping

pajama party at ikaw ang una kong

sinabihan kaya pumayag ka naman.

At pagkatapos, naglaro tayo ng iba't-ibang

malalaro at nag midnight snacks tayo...

At pagkatapos, inaantok ka na... Sabi ko 

sayo na sa kwarto na lang kita matutulog

pero hindi ka pumayag at sa halip, dun ka

sa Guess room kasama ng mga malalanding

linta na kaklase natin..

Natatandan mo pa ba???

Nung naglaro tayo ng hide and clap....

Palakpak ako ng palakpak kasi ikaw

ang taya. Gusto kong mahuli mo ako

at ikulong sa puso mo...Charot xD

Pero sa kasamaang palad iba ang narinig 

mong pumalakpak, pumunta ka sa 

cabinet at hinablot ka ni Anabelle,

jowk lang... Hinablot ka ni Matthew

at nagkulong kayo sa loob....ilang segundo lang 

ang lumipas....lumabas din kayo...

Pagkatapos nun, ayaw mo ng maglaro,

nakasimangot at parang bagot na bagot....

Tumingin ka sa akin at ang sama ng titig mo,

kinuha mo na lang ang bag at umuwi.

Sa pag-aalala ko, tinext kita pero

sabi mo sakin Hu u???. Hindi ako makatulog

nun sa pag-iisip sa kung anong sinabi sa'yo

ni Matthew at bakit ka nagkaganyan...

Sa kasalukuyan, nandito ako sa room

at tinititigan kita. Pilit kitang kinakausap pero

sabi mo Busy ka. Hindi na din tayo nagkakatext

maski sabay mag-lunch. Iniiwasan mo ba talaga ako?

Bakit mo ba ako iniiwasan??? May nagawa ba akong mali?

All this time, naging mabait ako sayo. Ni wala akong maalalang

ginawang masama sa'yo. Pero ngayon, kahit na

itakwil mo ako, makikipag-usap pa rin ako sa'yo...

"Drake, pwede ba tayong mag-usap?" kinakantyawan ka nila Matthew 

na kausapin mo ako at sa asar mo, hinila mo ako papunta 

sa likod ng skul. "Jd!!! Tapatin mo nga ako,

bestfriend lang ba talaga ang 

tingin mo sa akin o may tinatago kang BAHO sa loob mo!??"

halos alugin mo na ako sa sobrang galit moh.

Pero ang nasabi ko lang sa'yo 

"Matatanggap mo ba ako pagsinabi ko sayo na Bakla ako at 

matagal ng inlove sa'yo" hindi mo ako sinagot sa tanong

ko. Binitawan mo ako at parang nandidiri ka na

sa akin. "Ano!!?? Hindi ka makapagsalita?!! 

Nandidiri ka sa akin noh!?? Sorry ha! Hindi ko kaagad sinabi sa'yo

kasi alam ko na pangdidirihan mo lang ako

at isusumpa. Gusto ko lang naman

ng kaibigan! SORRY!!!!!" nanatili ka lang nakatulala...

Ako na lang ang tumalikod at lumakad

paalis. Alam ko naman na nandidiri na siya sakin

dahil bakla ako. Pero.....

Balang araw mamahalin mo din ako

at tatanggapin mo kung ano ako.

Kahit na bakla ako, marunong ako magmahal....

Sa ngayon, di muna ako magpapakita,

magbabago ako para sa'yo!

-Now signing off...

Jd Sy...

Balang araw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon