Chapter 18: His Smile

920 22 2
                                    


A/N: Thank you for granting my request. Kaya heto na po ang update.

ENJOY READING. 😊😊

_ _ _ _ _ _ _ _

"This will be our new home, mom?" Tanong ni Farah at agad inilibot ang buong kwarto.

I bought a condo. Buong floor ang kinuha ko para sa amin ni Farah. Nasa 22nd floor kami kaya tanaw ang buong syudad.

"How is it? Do you like it?" I asked her.

"Yeah. Can I play here too?" Tanong niya.

"Yes, sweetie. Hayaan mo, magpapagawa si mommy ng malaki mong playhouse." Sagot ko at inilibot ng tingin ang paligid.

Wala pa naman masyadong gamit kaya medyo spacy sya. Ayaw ko kasi na maraming gamit lalo na kung hindi naman kelangan, tamad akong linisin.

Tanging dining set na six-seater, kitchen set, sala set, tatlong malaking flat screen TV, para sa kusina, sala at kwarto namin ni Farah. Meron din namang decorations katulad ng flower vases, chandeliers, paintings, picture frames at iba pa, para naman hindi magmukhang dull.

Naglaan na rin ako ng isang kwarto para sa mini computer laboratory ko. Isang kwarto rin para sa amin ni Farah, ayaw ko kasi na mag-isa siyang natutulog. May bakanteng dalawang kwarto pa, gagawin kong guest rooms nalang. At ang isang kwarto ay para sa lalagyan ng playhouse si Farah.

Medyo may kamahalan ang condo na'to dahil narin sa sobrang laki ng bawa unit dito. Pero kahit ganun, worth it rin naman ang bayad ko. Kung bakit ba naman kasi kelangan pa namin lumipat ni Farah.

Hindi na kami pwede ni Farah sa TGA Mansion, baka mabuking pa ako ni Slate. The last time na nagkasama kami ay nagpumilit siya na ihatid kami ni Farah, mariing tumanggi ako dahil nasa TGA Mansion kami umuuwi. Kaya mabuti na ngayon na nakalipat na kami in case na magpumilit uli si Slate.

Aalis pala ako mamaya para gawin ang matagal ko ng pending mission. The Goddi Mafia.

I dialed Nyx's number at ilang ring lang ay sinagot naman niya.

"Asan na yung sinabi mo na magbabantay kay Farah?" Bungad ko agad sa kanya.

"Well, hello, too, my dear. Ang sarap talaga ng bungad mo eh noh? Grabe!" Sarcastic niyang sagot sa kabilang linya.

"Nyx.."

"Okay, okay. Papunta na dyan. She's a filipina. Her name is Summer Ignacio. 19 years old. Undergrad. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa financial problem. Ulilang lubos na dahil kakamatay lang ng nanay niya na may cancer at ang tatay niya ay matagal ng wala dahil namatay ito sa isang engkwentro. Pulis kasi ang tatay niya. Nag-iisang anak at wala na ang mga kalapit na kamag-anak. Marunong siya ng self-defense at mahilig siya sa knife-throwing. Any question, my dear?"

"Wala na. Salamat sa impormasyon." Ibinaba ko na ang tawag at sakto naman na may kumatok sa pinto.

Bago buksan ang pinto ay sinilip ko muna si Farah sa kwarto na naglalaro ng games sa laptop ko.

"Farah, dyan ka lang." Bilin ko sa kanya saka naglakad palapit sa pinto.

Sinilip ko sa peephole kung sino ang nasa labas. Buhok ng babae lang ang nakita ko. Marahil ay hindi kataasang babae ang nasa labas kaya di ko masilip ang mukha niya.

Binuksan ko na ang pinto at bumungad sakin ang babae na may dalang malaking maleta.

"Good morning, ma'am. I'm Summer Ignacio." Bati niya sakin saka kinakabahang ngumiti.

"I.D?" I asked. Natatarantang binuksan naman niya ang buksa ng maleta saka inilabas ang I.D. at binigay sakin. Siya nga.

"Pasok ka."

TGA: The Lost Ultimate Hacker AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon