Dedicated to my first reader. <3
—————————-
"Manang mana talaga sa iyo ang kapatid mo. Pakisabi kay Breccia, Congratulations." Tumango na lang ako sa magulang na nasa likod ko na biglang kumausap sa akin habang sinasabitan ni mama ng medalya ang kapatid ko sa stage.
Graduation ng kapatid ko ngayon at napilitan akong sumama kina mama kahit na sa totoo lang.. ayoko nang balikan ang lugar na ito. Ang lugar kung saan ko siya unang nakilala, kung saan una ko siyang minahal at kung saan una akong nasaktan.
Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sa akin at kusa na lang akong tumayo sa kinauupuan ko kahit hindi pa tapos ang program at naglakad patungo sa garden ng school. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at pilit na ngumiti. Wala pa rin pinagbago ang lugar hindi katulad ko, marami nang pinagbago.
Niyakap ko ang aking sarili sa paghaplos ng malamig na hangin sa aking balat at tumingala sa langit. Kitang-kita ko ang mga nagniningningang bituin sa lugar na ito na tila ba'y nakatingin din sa akin at binabantayan ako.
Isa ka sa mga bituin na iyan, hindi ba Slate?
It's been three years since nalaman ko na wala na pala siya. Masakit man pero ang huli naming pagkikita ay sa lugar na ito kung saan sinabi niya sa akin na may sakit siya sa puso. Na malapit na ang oras niya. Hindi na siya muling nagpakita simula noon at kahit anong hanap ang ginawa ko para makita siya, wala pa rin akong napala. Nalaman ko na lang na wala na siya sa isa niyang kaibigan na nakadalo sa libing niya at kahit kailan hindi ko tinangkang dalawin ang puntod niya kahit na alam ko kung saan ito. Hindi kaya ng puso kong makita ang lapida na may ukit ng pangalan niya dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na talaga siya sa mundong ito.
Tinaas ko ang aking kamay habang hinihiling ng utak ko na maabot ko ang mga bituin. Na maabot ko siya. Pero alam ko, IMPOSIBLE. Hindi ko na nga siya kayang abutin kahit na natawid ko na ang 120 millimeters gap namin sa isa't isa, ngayon pa kaya? Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan lang na tumulo ang mga luha ko.
He's now light-years away from me.
"Wow! Ang ganda pala ng garden sa school na ito. Sana pala dito na ako nag-aral dati."
Nagulat ako ng may bigla na lang nagsalitang lalake sa tabi ko kaya agad akong napaatras palayo sa kanya at hindi ko namalayan na may malaking bato sa likod ko na naging dahilan ng pagkatumba ko sa lupa.
"Ouch!"
"Uy! Okay ka lang? Sorry nagulat kita." Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang seryoso niyang mga mata na nakatitig din sa akin. "Nasasaktan ka na nga, dinagdagan ko pa. Sorry," aniya habang pinupunasan ang mga luha ko sa mukha ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya kaya natulak ko siya palayo sa akin at pilit na tinayo ang sarili ko. Shit lang! Nakakahiya. Nakita ako ng isang lalakeng hindi ko kilala na umiiyak.
"Wala bang masakit sa iyo?" lumapit ulit siya sa akin para siguro siguraduhin na ayos lang ako pero napaatras ulit ako. Buti na lang at wala nang epal na bato sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Light-years Away [Sequel]
Short StoryA sequel of Our 120 Millimeters Gap. May makakaabot kaya sa puso mo na hindi mo nabawi sa taong minahal mo nang lubos?