4. Attack Of The Kamote Minions

334 9 8
                                    

Nang makarating si Prinsepe Bubblegum sa Kamote Ville ay dinumog agad siya ng taumbayan. Ito pa lang kasi ang unang beses na tumuntong siya sa lugar na ito at batid niyang ganito nalang kung magkahumayaw ang mga tao sa kanya. Maraming nagpapakuha ng ritrato sa kanya gayundin ang magpa-autograph. Hindi siya makaalis sa dami ng mga tao. Hindi rin niya maisingit sa mga ito kung saan makikita si Krish.

Sa bilis ng mga pangyayari ay di malaman ni Prinsepe Bubblegum ang pagkaripas ng mamamayan sa Kamote Ville sa takbo pabalik sa kani-kanilang bahay. Ngayon lamang niya napagtanto na inaatake pala siya ng mga buhay na .. .. kamote! Isang bubble beam ang pinakawalan niya mula sa kanyang mga kamay para pangkontra sa mga buhay na kamote. Ang mga ito'y hindi pa rin tumigil sa pag-atake. Marami sila kaya mas nakalalamang sila. Kinagat-kagat nila ang prinsepe sa kahit saang parte ng katawan at doo'y alam na ng lahat kung saan ito hahantong. Goodbye.

Ang mga umaatake na kamote sa Kamote Ville ay hindi normal! Kakaibang mga nilalang na sa Kamote Ville lamang matatagpuan.


Balik tayo sa T-brothers...

Nang gabing marating nila ang Kamote Ville ay nakipag-ugnayan sila sa may-ari ng hotel para makapagcheck in. Libre yun dahil may tama ang may ari sa tindig ni Seon. Dalawang kwarto ang kanilang nagamit; isa para sa T-brothers at isa para kina JL at Seon. ( kung bad boy ako na writer siguro gagawan ko sila ng bed scene )

Inatake ng insomnia si Ydann kaya kahit 2am na ay mulat pa rin siya. Bigla siyang nakarinig na parang ungol sa labas. Mahina na mabagal.

Bumangon siya at dahan-dahang binuksan ang pinto. Wala siyang nakita.

"Haaaaaay." Bumuntung hininga siya.

"Ba't gising ka pa Dan?" Napatili si Ydann nang may tumapik sa kanya.

"Meron kasi akong narinig na ungol sa labas."

"Ganun ba. Naalimpungatan lang ako. Naiihi ako eh " Sabi ni Brian.

Bumalik sa pagtulog si Ydann habang pumunta naman ng banyo si Brian. Nang makaraos ay naghugas muna ng kamay si Brian, harap sa salamin at biglang,..

"AHHHhHHHh!!!"

"Anong nangyari?" Sabay na binuksan nina Ydann at Trams ang pinto ng banyo. Nakita nilang nanginginig ang kamay ni Brian nang bitawan niya ang gunting. Nasa harap niya ang ngayo'y putul-putol na kamote sa sahig.

Kinaumagahan, sinimulan na ng grupo ang pagtatanong sa mga tao kung may kilala ba silang nagngangalang Krish. Maraming nakakilala subalit walang makapagtuturo kung saan ito nakatira. May nakapagsabi na mahilig daw itong bumulaga sa mga tao. Palatandaan daw yon na andun siya.

Habang nasa karuwahe sila ay nag-uusap sila sa kanilang karanasan kagabi lalo na kay Brian...

"Ayon sa alamat, dito sa Kamote Ville ay may matatagpuang mga buhay na kamote. Mga kamoteng nakakain ng isinumpang prutas na kung tawagin ay piranha-piranha. Nabuo sa pag-eksperimento ng mad scientist/nurse ng kamote Ville na si Shineley." Kwento ni Brian.

Prutas ng piranha piranha - stem cell ng piranha pinunla sa kamote.

"Anong nangyari sa scientist pagkatapos?" Usisa ni Ydann.

"Ayon sa alamat, kinuyog daw ng taumbayan si Shineley dahil sa nangyari. Sa kahihiyan, naglaho nalang siya at sa ngayon hindi pa siya matatagpuan. Balita, ko panay post niya ng mga inspirational picture qoutes sa Facebook." Sagot ni Brian.

"Buti hindi ka nasaktan sa mga kamote minions, Brian. May nakatago palang tapang sa loob mo." Puri sa kanya ni JL.

"Tsamba lang yun... Salamat sa gunting." Ngiti si Brian na napakamot sa ulo.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon