Naramdaman mo na ba yung.... Ang baba ng tingin mo sa sarili mo.... Pakiramdam mo ikaw na yung nasa pinakailalim ng mundo pero alam mo sa sarili mo na kaya mong higitan lahat ng mga mayayaman, lahat ng mga matataas, lahat ng mga sikat sa mundo sa pamamagitan ng pagmamahal mo sa babaeng pinapangarap mo.
"Carlo"...... Carlo ang pangalan ko isang simpleng lalaking nangangarap sa isa sa mga babaeng nasatuktok ng mundo.
Siya si "Mam. Gina"..... At dito naguumpisa ang kwento namin....
Nag tatrabaho nga pala ako sa isang carwash dito sa Manila. Naglilinis ako ng isang kotse nang biglang dumating si Sam kababata ko sa probinsya namin nagkahiwalay kami nung kami ay 12 years old palang nuong namatay ang nanay ko tumanda ako ng hindi ko alam kung nasaan ang tatay ko kaya nuong namatay ang nanay ko kinupkop ako ng tiya ko at dinala ako dito sa Manila at dito na lumaki.
"Uyy Sam kamusta ka na! Eh! Bakit hindi ka manlang nagpasabi na darating ka na! Ay ginulat mo naman ako!"
"Ehhh tol Carlo ang hirap ng buhay sa probinsya ayy! Unahin ko pa ba magpadala sayo ng sulat?!"
"Loko loko ka parin talaga sam ano?! Hindi ka padin nagbabago!"
Nagtatawanan kami nang may biglang bumusina isang napakagandang sasakyan.
"Abay tol Carlo mukhang may mayaman ka yatang customer ahh!"
"Oo nga tol Sam sige teka lang linisan ko muna toh..."
Laking gulat namin ni Sam nang isang napakagandang babae ang lumabas.
"Abay tol Carlo susyal na pala ang mga dyosa dito sa manila ayy! Ehh nagmamaneho na nang kotse ohh!"
Hindi ako nakasagot kay Sam dahil napanganga ako sa babaeng dumating.
Habang nakatunganga kami ni Sam sumisigaw na pala yung babae.."Hey! What?! Are you just gonna stand there?! Or what?!"
Aba hindi ko gusto ang attitude nitong babaeng ito haa... Teka nga.
"Hello goodmorning welcome to the Gina's carwash! 50% off......."
Then sumigaw siya nang malakas at sinabi.
"Wala akong pake kung sale kayo okey!"
At nagkatinginan kami ni Sam. At sinagot ko sya... In a nice way.
"Im sorry mam."
At sabi niya.
"No time para sa mga sorry sorry na yan! Faster! Trabaho kilos kilos! Go! Go...!"
Nagtrabaho nalang ako at pinapasok sa bahay si Sam. Tinititigan ko siya habang may kausap sa cellphone niya tapos lumapit siya. At tinanong ako.
"Pwede ba akong magconnect sa wifi niyo? ASAP..!"
Kaya napasagot nalang ako ng.
"Sure Mam!"
Tapos nilagay yung password ng wifi. Nung tumalikod siya bumulong ako sa hangin "sana maputol yang pagkataas taas na takong mo tapos matapilok ka" ayun nga! Nagdilang anghel ako at yung nga nangyari. Halata sa mukha nya na nasaktan siya bilang costumer namin sya syempre tinulungan ko.
"Mam ok lang po ba kayo?" Tanong ko sakanya nagulat ako nang sumagiw sya bigla nang malakas. "Witch!" Nagulat ako sa sinigaw niya kaya napatalon ako at tinignan ko yung paligid namin wala namang ibang tao kundi ako tsaka sya kaya tinanong ko siya. "Mam nakakakita po ba kayo ng mga bagay bagay na hindi nakikita ng ibang tao? Mam kinakabahan na ako ahh!" Habang nanginginig akong sumagot sakanya at sumagot naman sya agad. "You idiot! Ikaw! Yung tinutukoy kong witch! Narinig kita kanina sinusumpa ako!"
Tapos sagot ako nang pabulong "ang lakas naman ng pangdinig netong babaeng to." Tapos sumagot nanaman sya "what did you say?!" Syempre sasagot ako "nothing mam. Ang ibig ko pong sabihin kanina hindi po yung sumpa sabi ko po ang taas ng hills niyo"
Aba ang madaldal sumagot nanaman.
"Bakit bakla ka ba bakit pati hills ko kinakaingitan mo?!" Abay bakla pa ko ha! Bumulong ule ako "ang panget nga ehh di bagay sa inyo". "Ano?!" Sabi niya... "Ay wala po mam may sinabi po ba ako?"
Sinagot ko sakanya."ugh makaalis na nga!" Nagmamadali siyang umalis pero hinayaan ko na lang sya kahit di pa sya bayad tinawanan ko nalang. "Hahahaha sige lang mam! Umalis ka kahit puro bula pa yang kotse mo! Hahahahh!"
BINABASA MO ANG
Endlessly
Romance"I'm no angel I'm just me, But I'm gonna love you endlessly" Get ready na maiyak, matawa, malungkot, kiligin at mabaliw.... Eto na!!!.........