Payong

10 0 0
                                    




Ugh! Nakaka-asar talaga 'tong weather! Napaka-bipolar! Reklamo ni Julie pagka-labas niya sa building galing sa room ng last subject niya for that day. Tapos nakalimutan ko pa sa dorm 'yong payong ko. Ugggghhh... Mababasa 'tong thesis ko! Nakaka-banas naman! Padabog siyang umupo sa bench ng waiting shed malapit sa gate.

Ilang minuto na ring patuloy na umuulan at lalo pa itong lumalakas. Wala namang magawa si Julie kundi hintaying tumila ang ulan. Pinagmamasdan niya ang mga estudyanteng labas-pasok nang may namukhaan siyang babae.

Maquiiiiii!!!!!! Thank God, you're here na! Sigaw ni Julie sabay lapit sa best friend.

Whoa, Juls! Chill lang. Basang sisiw pa ako o. Saglit lang. Upo muna tayo a.

Maqui, kanina pa ako naka-upo dito e. I need your help. I mean... I need my umbrella. Now na. Hehehe.

Umbrella mo? E, tignan mo kaya 'tong payong ko, bumaliktad kanina. Ang lakas kasi ng hangin di ba? Kaya nga ganito ako kabasa e. Wasted na ako for my first class. May report pa naman ako. Paliwanag ni Maqui sa kaninang naka-ngiti at ngayo'y naka-simangot na naman na kaibigan.

Pero, I texted you na paki-dala 'yong payong ko. Di mo ba nabasa?  Kalmadong tanong ni Julie sa kausap.

Sorry, Juls. My phone died before pa ako makaligo. Late na akong nagising kanina kaya 'di ko na na-charge. Sorry talaga. Napatingin si Maqui sa wrist watch ni Julie. OMG! Late na 'ko! I have to go.. I'll see you later, okay? Sorry ulit. Sabay beso sa best friend at mabilis na tumayo papasok ng building.

And now, I'm alone again. Hayyyy....

——-

Ang ganda niya talaga..... Sambit ni Elmo sa sarili habang naka-upo 'di kalayuan sa dalagang pinagmamasdan niya kanina pa. Kaso... bakit parang bad trip siya? Ano kaya problema nun? Sumasabay sa paglakas ng ulan 'yong mood niya a.

Narinig niyang nagrereklamo 'to dahil sa kawalan ng payong para makauwi sa dorm. Binitawan ni Elmo ang librong binabasa, binuksan ang kanyang bag para ilagay ang libro at nilabas niya ang kanyang dalang payong. Sabay tingin sa dalaga na ngayon ay nagmu-mukmok sa isang bench at nagpupunas ng legs dahil sa mga tumatalsik na tubig-ulan. Lalapitan na sana niya ang dalaga ngunit bigla itong tumayo at...

Ay, dumating pala 'yong best friend. Dismayado siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina. Mga dalawang bench lang ang pagitan nila kaya medyo naririnig niya ang usapan ng dalawa. Yes! Ang malas ng best friend niya at ang swerte ko kasi malalapitan ko na siya ulit.

Tumayo siya sabay ng pagtayo at takbo ni Maqui. This is it. Wag ka ng torpe, Elmo. Kaya mo yan. Pilit niya sa sarili. Naglakad siya ng dahan dahan papalapit kay Julie na nakayuko.

Uhmmmm.... Ju... Julie. Hi. Mahina niyang bati sa babaeng kaharap.

Kunot noong nag-angat ng ulo si Julie. Ay. Hi... Matamlay niyang sagot. Sino ka nga ulit?

Elmo. Elmo Magalona. Yung sit mate mo sa English.

Ah. Oo nga pala. Hehe. Hi!

Bakit? Tanong ni Elmo.

Anong bakit?

Bakit ang lungkot mo? Umupo si Elmo sa tabi ni Julie.

Ah. Kasi... Di ako makauwi dahil sa ulan na 'to. Reklamo ni Julie sa katabing kaklase.

Eh... Uhmmm....

Ano?

Ah.. May payong ako dito. Hatid kita. Pauwi na rin ako e. Nahihiyang alok ni Elmo.

Uhmmm.. Sige. Thank you ah. Marahan siyang tinapik ni Julie sa balikat.

Tara. Nagba-blush na tumayo si Elmo at sabay silang naglakad palabas ng school.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Payong (A JuliELmo One Shot by thatadiknergirl) 🎉
Payong (A JuliELmo One Shot by thatadiknergirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon