Secret Crush

19 2 1
                                    

Dear Crush,

Mahirap palang magka crush sa taong di ka crush. So ibig sabihin mas mahirap pala ang buhay ng mga taong umiibig na ? Lalo na sa mga taong ONE SIDED LOVE o unrequited love. kase yung binibigay nilang pagmamahal sa taong gusto nila ay hindi maibalik.

AAAARGHHH.

Ang love pala parang ABSTRACT painting. Complicated, mahirap intindihin pero once na inunawa mo talaga malalaman mo na hindi pala talaga ganun kacomlpicated yun. na masaya syang gawin


so

start

nako?

Alam mo hindi ko alam kung kelan to nagstart e. Yung paghanga ko sayo. Gwapo ka oo. Ideal crush ? Hindi eh. Masyado kang makulit. Mababa din grado mo. Pasaway. Di lapitin ng babae pero may mga nagkakacrush sayo. Madami kang talents. Magaling ka mag drawing, lettering, mag paint, marunomg mag gitara, mag piano, mahilig sa bike, at marunong mag beatbox.
Naging mag classmate tayo nung Grade 7 new student ka. At syempre dahil kami ay old students na kailangan namin maging mabait sainyo. Kinakausap ka namin nun. lahat sila gwapong gwapo sayo. Ako lang ata ang HINDI. Oo hindi ako nagwagwapuhan sayo non. Ewan ko ? Siguro dahil hindi ka nga ideal para sakin. Di tayo close. Pero naguusap tayo. Madalas sa chat. Tapos one time binlock moko nun. Ewan ko kung anong dahilan. Sayang. Natutuwa na kase ako makipagusap sayo tas bigla mo nalang akong binlock. At dahil dun. Nahiya na rin ako kausapin ka sa personal. Maguusap lang tayo pag may group activities.

Dumating yung Foundation sa school nun. Kailangan ng representative ng section natin na ilalaban para sa isang pageant. Dapat partners tayo nun e. Kaso both parents natin ang hindi pumayag.

Grade 8. Di parin tayo close. At syempre tuwing group activities lang tayo naguusap. Ang hirap kaya pag sa Fb lang tayong magclaclasmates naguusap. Di ko kase nakikita mga messages mo sa group. Tas one time nabalitaan ko na crush mo daw yung bestfriend ko. Noon. Okay lang sakin yun. Inaasar ko pa nga bestfriend ko nun sayo e. Pero pag naalala ko ngayon para akong tanga na gustong magalit. Pero syempre noon lang yun. Muntikan din tayong maging rep. ng section natin ulit sa foundation day. Buti na lang hindi. Atsaka nung mga panahon na yun na attach naman ako sa kaibigan ko na school mate natin. One year older sya satin. Pero eto ngayon. sa tingin ko unti unti na kong bumibitaw. Bumibitaw sa mga alaala namin noon. In other words ? The ka move on kahit hindi naging kami.

At ngayong taon classmate nanaman tayo. mas malapit na upuan mo sa upuan ko. One seat apart pa. At kung minsan nakikipagpalit pa ng upuan yung katabi ko. Kaya nagkakausap tayo. Kadalasan nga lang puro asaran. Lahat pinapansin natin sa isat isa. Tas sa isng group natin . Nagulat ako kase nababasa kona mga messages mo. Dun ko lang na realize na inunblock mo na ko. tinatanong kita kung bakit moko binlock kaso ang sabi mo "ha ? Di naman kita binlock ah. Kala ko nga ikaw nagblock saken e. " natawa na lang ako sa inasal ko nun.

Pero one day eto si Tadhana at Destiny nagtulungan pa. Binalita sa classroom na may ililipat daw na tatlong estudyante galing sa section natin sa kabilang section. at ang masaklap pa kasama ka dun. Alam kong dapat hindi ganto ang nararamdaman ko kase nga C R U S H lang kita.

Kaso yung mga letsheng kaibigan ko e pinagtripan pa ko. Araw araw nila akong inaasar sayo. Na kesho bagay daw tayo na ang cute daw natin.

Dito ko napatunayan yung kasabihan na

"MINSAN ANG SIMPLENG PAGKAGUSTO MO SA ISANG TAO LUMALALA SA BAWAT AYIEEE NG KAIBIGAN MO."

Oo tama. Pakiramdam ko hindi na lang to pag hanga. Ayokong mahulog sa taong hindi ako gusto. Dahil alam kong masasaktan lang naman ako. Kaso letsheng tadhana yan e. sa lahat ng tao ako pa ang napili nya na maging player sa game na nilalaro nya. gusto ko man na umayaw. Wala namang ESC sa keyboard ni tadhana. wala rin. Sana . Sana. Pag dating ng tamang panahon. Di na secret tong pagkakagusto ko sayo.

Sana pag muling binuksan ni tadhana yung larong binuo nya satin. sana maayos na. Sana hindi di na kita SECRET CRUSH. Sana hindi na lang ako yung may crush sayo. Sana hindi na lang ako yung may pake sayo. Sana parehas na tayo. Sana.

Hanggang dito na lang ......

MY SECRET CRUSH

*****************************
A/n: huhuhubells. Tengkyuu sa nagbahagi ng kwento na to sakin. Tengkyu mah friend. Ipagdadasal ko kay Lord na maayos na lablyf mo.

Ako na makikipagisap kay Tadhana para ayusin nya yung paglalaro sa larong ginawa nya between the two of you. Charr.

Labyou friend. Dito lang ako ha ?

Ps: kyoot talaga ng kwento nila. Support guuuys !

Secret CrushWhere stories live. Discover now