Alamat ng Tanga

80 13 9
                                    

Noong unang panahon, may isang bata na akala, alam na niya ang lahat...

Isang araw, sa silid-aralan ng Ikaapat ng Baitang, Pangkat Isa (Grade 4-1. Wala lang. Feel ko lang magpakahenyo sa pagpi-Filipino), kung saan Agham ang asignatura, bigla na lang may isang bata ang nahirapang huminga! Hindi alam ang dahilan kung bakit nangyari iyon. Dalawang bagay lang ang nakikitang dahilan--polusyon sa daan, at polusyon sa loob ng silid-aralan. Naisip din ng karamihan na baka hinihika ang bata kaya naman naisipan ng sumabat at umepal ng ating bida sabay sigaw--with full confidence--ng...

"Bigyan niyo siyang BULKANAYSER!"

Aba syempre! Tawanan ang nasa loob ng klasrum! Nang magsalita ang kanyang guro, saka lang niya napagtantong hindi pala gulong ang kaklase niya.

The End...





So alam niyo naman siguro na ang tatanga-tangang bida ay walang iba kundi...

*drum roll*


AKO!

Oo! Ako! Kahiya-hiya mang aminin pero ako 'yun. Ano naman bang malay ko kung Nebulizer pala tawag dun?! Grade 4 palang ako nun eh. Pero syempre nakakahiya talaga. And as I am going back to that memory, something came into my mind (pasensya, nakasinghot ng marker eh kaya umi-English).

Nagpupumilit tayong may alam sa isang bagay kahit hindi naman. Minsan, sa kakagawa natin ng magandang imahe, aksidente tayong nakakagawa ng bagay na nakakasira sa kapita-pitagang reputasyon na matagal nating itinayo. Tatanga-tanga eh. Not thinking before speaking. Sabi ka nang sabing may tonsil ka, kala mo naman ikaw lang meron! Hindi lang ikaw ang natatanging mahal ng Diyos.

Mag-ingat sa sasabihin para hindi magmukhang tanga. #Hard

~~~~~

(9:11 ng gabi, ikawalo ng Hulyo, taong DALAWANG LIBO'T LABINGANIM, Biyernes)

The Philosophies of a CornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon