Isang buwan na ang matulin na lumipas simula ng ligawan ako ni Slate.Palagi siyang pumupunta sa condo na may dalang flowers, chocolates, ice creams, any foods. Ilang beses na rin siyang inaabutan ng gabi dahil sa pagmo-movie marathon namin kasama si Farah kaya minsan do'n narin siya natutulog sa isang guest room.
Palagi rin kaming lumalabas kasama si Farah, specially on weekends kung kelan walang pasok si Farah. Kagaya nalang ngayon, nandito kami sa isang park. We are having a picnic. Si Slate ang naghanda lahat kaya wala na akong gagawin pa.
"You're a great cook, dad!" Puri ni Farah kay Slate. Totoo naman na masarap siyang magluto pero no way in hell na sasabihin ko yan sa kanya. Psh!
"Thanks, sweetheart." Sagot ni Slate and kissed Farah's cheek.
"Time for dessert! Who wants a piece of cake?" Tanong ko.
I baked this cake. Kelangan ko rin magpakitang-gilas sa anak ko noh. Hindi pwedeng si Slate lang ang purihin.
"Me! Me! I want a piece, mom." Maliksing sagot ni Farah at talagang itinaas pa ang isang kamay.
"Here you go." Nilagyan ko ng isang slice ang platito saka binigay sa kanya.
"Ako rin, babe." Hirit din ni Slate.
Tiningnan ko siya ng masama. Malawak naman siyang nakangiti sakin habang nakalahad ang platito niyang walang laman.
"Kumuha ka mag-isa!" Sagot sa kanya sabay irap.
"Baby Farah oh.. Ayaw akong bigyan ni mommy ng cake." Paawang sumbong niya sa bata.
"Mom?" Baling ni Farah sakin. Wala na akong nagawa kundi lagyan ng isang hiwa ng cake ang platito ni Slate habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Ang sungit mo talaga." Nakangisi niyang saad sakin pagkatanggap sa cake.
"Kaya ito ang dapat sayo." Dagdag niya sabay pahid ng daliri sa icing at itinuldok sa tuktok ng ilong ko.
Halos manlaki ang mata ko sa ginawa niya. WTH!
Pagtingin ko sa kanya ay pinagtatawanan na niya ako and Farah is also laughing with him.
"Cute!" Saad niya pagkatapos akong kunan ng litrato.
Damn! Ang paglagay niya ng icing sa tuktok ng ilong ko ay mapapalagpas ko pa, pero ang pagkuha niya ng litrato ko sa ganung ayos ay talagang isang malaking kasalanan!
Imagine me with an icing on the top of the nose and my eyes bulging from their sockets. Shit! I look shit! Really shit! Deep shit!
Sa sobrang inis ay naihambalos ko sa mukha niya ang isang hiwa ng cake na nasa platito. Nagkalat ang icing at cake sa buong mukha niya kaya lalong lumakas ang tawa ni Farah.
"Hahahahahahahaha. D-dad, hahahaha.. y-you look so f-funny. Hahahaha."
His face is so priceless! Nakanganga siya at nanlalaki ang mga mata sa gulat. Disbelief is written all over his face.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na matawa sa itsura niya. At bilang pambawi, I took my phone and take a picture of him.
"Shit!" He cursed. I smirked at him.
Well, well, well. Lintek lang ang walang ganti. He glare at me but I just smug at him.
Natigil kami sa asaran ng tingin ng dumapo sa pisngi namin ang maliit na palad ni Farah na may cake. Kaya ang nangyari ay talagang nadagdagan ang kalat sa mukha ko at ganundin kay Slate. Sabay naming nilingon si Farah.
She giggles while looking at us. Natigil siya ng mapansin niya ang mga tingin namin ni Slate sa kanya.
"Oh-oh." Bulong niya sabay iling. Wari'y alam na niya ang gagawin namin.
BINABASA MO ANG
TGA: The Lost Ultimate Hacker Assassin
AventuraAfter that tragic war, she was no longer found and was declared dead. She was dead to the eyes of many, but she still exist. She just woke up one day remembering nothing and surprisingly she already had a husband and a child. Could this be true or j...