This is the awaited POV of Ice Cream Cone-- este... Sehunnie.
windHUNseason, get ready. Hahaha!
Enjoy!
_eLLemarie_
---
Sehun's POV
"Yona, sigurado ka ba talaga dito? Baka hindi niya naman magustuhan." Tanong ko kay Allona.
"Baliw! Syempre magugustuhan niya yan. Si Llanah ang tipo ng babaeng hindi maarte at tinatanggap ng buong puso ang bawat bagay na binibigay sa kanya. Kaya wag kang mag-aalala dahil panigurado magugustuhan niya yan." Sagot niya mula sa kabilang linya.
Kinakausap ko kasi si Allona tungkol sa plano namin bukas. Sana naman hindi mabulilyaso. Kinontsaba ko na din naman sina Luhan Hyung, Baekhyun Hyung, at Chanyeol Hyung. Sinabi ko din kay Chanyeol Hyung na kausapin si Elle Noona tungkol sa plano. At mabuti na lang ay pumayag siya. Kahit na nung malaman niya ay nakatanggap pa kami ng napakahabang sermon ni Allona mula sa kanya. Laking pasasalamat ko talaga sa ChanElle couple. Hahaha.
"Hoy Sehun. Nandiyan ka pa ba?"
"H-huh? Oo. Mian. Iniisip ko lang kasi ang plano para bukas." Sabi ko sa kanya.
"Magiging successful yan. Yaksok. Lalo na't perfect couple kayo ng best friend ko. Ingatan mo siya ha? Kakaltukan kita pag pinaiyak mo ulit yun." Banta niya.
Natawa na lang ako. Napaka war freak nga. Hindi na ako magtataka kung saan niya namana ang ugali niyang ganyan.
"Salamat talaga Yon ha? Ang laki talaga ng utang ko sayo. How can I ever repay you?" Tanong ko sa kanya.
"Wala 'yun. Maliit na bagay para sayo at para sa best friend ko. Basta tulungan mo maging kami ni Minseok ayos na ko dun." Sabi niya
Napangiti na lang ako. Adik na adik na talaga 'to kay Minseok. Kanina nga muntik pa kami mabuko ni Xiumin Hyung dahil biglang nag i love you si Allona sa kanya. Buti na lang andun ako.
"Oo na po. Tutulungan ko kayo. Basta salamat talaga Yon. Ililibre talaga kita ng Bubble Tea bukas." Excited na sabi ko sa kanya.
"Yuck! Ayoko ng bubble tea. Halos masuka nga ako nung pinainom mo ako dati. Pwe!"
Hahahaha. Oo nga naman, muntik na siyang masuka nung nasa mall kami dati at nag-uusap ng dapat na isurprise para kay Llanah Baby ko. Langya. Nagiging bakla na ako nang dahil kay Llanah. Pero okay lang. Gagawin ko lahat para sa kanya.
"Arasso arasso. Starbucks na lang." Sabi ko sa kanya.
"Yoooown! Sige na. Matutulog na ako. Gusto ko maganda ako bukas sa paningin ng Minseok Babes ko. Babush Sehunah."
Tumango ako as if nakikita niya ako, "Keurae. Good night Yona." Then I ended the call.
Nilagay ko ang phone ko sa side table at humiga na sa kama.
Tangina. Naiisip ko talaga si Llanah. Napapangiti tuloy ako. Mukha na akong baliw.
"Prepare yourself Llanah Kwon. 'Cause tomorrow, you'll be officially mine." Sabi ko saka pumikit.
Kinabukasan...
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school. Kakagaling ko lang sa starbucks bumili kasi ako ng kape.
"Sehun!"
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko sina Chanyeol Hyung at Elle Noona na naglalakad din. At may bitbit din na kape. Pero parang hindi yata kape yang kay Noona kasi sabi niya hindi naman daw siya umiinom ng kape.
BINABASA MO ANG
I'm HERS
RandomElle Marie Choi is a simple girl who is always happy and always wanted to be happy despite having a broken family for years. She always make herself believe that she will be alright even though she is hurting deep inside. She thought that she doesn'...