Chapter 1

3 0 1
                                    

JUNE 6    6:52 A.M. 

           8 minutes na lang bago magbell. Today's the first day of the new school year. Kagaya ng karaniwang mag-aaral ay magkahalong excitement at kaba ang aking nadarama. Paano kung makahalata sila? Di bale na nga. Bahala na. Sabay hakbang patungo sa gate ng aking bagong eskwelahan.

"Magandang umaga po Gng. Santiago.", bati ko sa isang gurong nasa edad 30 na ngunit maganda pa rin.  Hindi niya ako pinansin. Marahil ay nagmamadali ito dahil mag-uumpisa na rin ang flag ceremony.

7:10 A.M. 

Nakapila na kami dahil flag ceremony na. May mga nagbubulung- bulungan. May nagkakalabitan. Iniisip ko tuloy ako ang kanilang pinag-uusapan. Di bale. May araw din kayo.

"Ah pwede sumingit dito?", tanong ng isang babae. Wala siya sa files na inaral ko bago ako pumasok dito. Marahil ay bagong lipat ito. I simply nodded my head as a form of saying yes.

"Ako nga pala si Mila.", pagpapakilala nito. Sa pangalawang pagkakataon ay tumango lamang ako. Hindi ako pumasok dito para makipagkapwa- tao. May misyon ako. . . 

7:30 A.M. 

Natapos na ang flag ceremony. Oras na para sa aming homeroom. Makikilala  na rin namin kung sino ang aming magiging adviser.

"Good morning class. My name is Mr. Jimmy Olivar. I will be your adviser for the whole school year.", our adviser introduced himself. 

Haha whole school year pala ah?  You seem so sure about that. - naisip- isip ko. 

8 A.M. - Math - Mrs. Rachel Quijano

Easy-peasy lang ang math para sa'kin kaya di ako gaano nakinig sa lesson namin. 

9 A.M. -Religion- Sis. Mary Grace

Di ako interesado sa subject kaya di rin ako nakinig buong klase. 

10:00 - 10:30 - Recess

I ordered a combo meal. Cheeseburger and fries. Habang naghahanap ako ng mauupuan ay may tumawag sa name ko. (I mean sa name na alam ng mga tao dito) "CELESTE" I was taken aback dahil hindi ko alam kung sino ang tumawag sa pangalang iyon. Paglingon ko ay may nakita akong tisoy. Ayon sa nabasa ko, siya ay si Alfie. I won't go into details about the things na nabasa ko about him.

 I won't go into details about the things na nabasa ko about him

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

But I know for sure na dapat ko siyang iwasan.  But it was too late. "O ano desparadang babae? Himala di mo ako kinukulit ngayon?", payabang na tanong nito. I just ignored him. 

"Aba tinatalikuran mo na ako? Akala ko ba mahal na mahal mo ako?", patuloy pa rin nitong pangungulit sa akin. Again, I ignored him. Saktong pagkatalikod ko ay hinawakan niya ang baywang ko at inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Di ko alam kung bakit pero napapikit ako sa kanyang ginawa. Hinihintay ko ang pagdampi ng kaniyang labi ngunit wala. Pagdilat ko ay nakita ko na naghahagalpakan na ang mga tao sa paligid. Maging ang mga guro ay pinagtatawanan din ako. Ganun din siguro ang naramdaman NIYA dati. 

"Haha desperada ka pa rin talaga. Bye panget.", sabi ni Alfie. Sobrang napahiya ako dun kaya umalis na lang din ako kasama ang food ko. 

I decided na magcutting classes dahil na rin sobrang nabadtrip ako. Ayun tumambay muna ako sa bakanteng lote. Doon kasi itatayo ang bagong school building. Akala ko ay makakapagenjoy ako sa pagiging mag-isa ko but I was wrong. Wala pa sigurong 5 minutes ay may tumabi sa aking lalaki. 

"I've been observing you. Hindi ka si Celeste.", mahinang wika nito. 

"Who are you?", I asked the guy.

"I'm Trent. Matagal ko nang gusto si Celeste pero never niya akong pinansin.", sagot nito. 

"Trent. I'm afraid I have to kill you.", pabulong kong sinabi sa kanya. 

Nanlaki ang mata nito sa pagkabigla dahil naisaksak ko na sa kanyang tagiliran ang isang baby kutsilyong may lason. 

I made sure na walang nakakita sa akin at dire-diretsong nagtungo sa girl's dorm at nagbihis ng damit. I then made my way towards the school secretary's office para humingi ng going out pass.

Dahil busy magmanicure ang secretary ay hinablot ko na lamang ang pass dahil nakasabit lang naman iyon sa isang dingding. 

I drove my car patungo sa isang bakanteng lote. Doon ay may nakatayong isang bahay. Tandang- tanda ko pa ang bahay na yun. . . I went inside and disposed my top na punung- puno ng dugo. 

Then I went to the cafeteria dahil lunch time na. Umorder na lamang ako ng rice meal at pumunta sa second floor ng Science building. Wala daw kasi masyadong tumatambay dun. 

Mula sa second floor ay natatanaw ko ang bakanteng lote. Nakita ko rin na dumarami ang tao doon. May ilang mga guro, ang principal, at maging mga di ko namumukhaang tao. Marahil ay mga pulis sila dahil may kakayahan silang  kunin ang bangkay ni Trent. 












Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CelesteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon