Annie's P.O.V.
Himala! wala ngayon si Couz! Nasaan kaya yun? Wala akong magawa,Nakakabore dito sa bahay,mag-isa lang ako, dumating si Kuya kagabi,ayun naiwan ako dito,umalis muna sila ni mommy, daya! di ako ginising kanina,hayys..
Matawagan nga si Couz..
*Kring Kring*
"Hello?"
"Ay bagong gising? pumunta ka nga dito!"
"Couz! Nagbbeauty rest ako! Nakauwi ba si Kuya Prince kagabi?"
"Teka bat alam mong umuwi sya?"
"Eh ako nagpauwi dyan ehh.."
"Bakit? Wala pa sya masyadong nababanggit saken ehh.. ni hindi nga kami nakapag-usap kanina.."
"Sya kasi date ko mamaya.."
"Huh? Pano si Kian?"
"Hindi sya makakapunta ehh.. May family dinner daw sila,alam mo naman may business yung family nya.."
"Oh sige! basta pumunta ka na dito! bat ba dito pa tayo nag-usap?"
"Eih! ikaw nalanng ang pumunta dito couz.. Pinapapunta ko nga din dito si Jyles ehh.."
"Aist!Kaya naman pala hindi mo ko pinupuntahan dito ehh.. sige sige pupunta na ko dyan.."
*toot toot*
(Amber's House)
"Oh couz bat ka nagtagal??"
"Huh?"
"Couz, okay ka lang, parang hindi ka mapakali?"
"Ah hindi wala toh.. Siguro gutom lang.. May pagkain ka ba dyan??"
Amber's P.O.V.
Ano kayang gumugulo kay couz?? Ang weird ng aura nya ngayon..OMO! Shems kinakabahan ako sa aura nya ngayon..
"So,,Jyles do you have a picture of your gown?"
"Yup! wanna see it?"
"May I??" then ipinakita nya saken yung picture nung gown nya dun sa phone nya..
"Wow! Ganda naman,,"
"Really?"
"Oo! diba Couz?"
"Huh?"
"Couz? Are you with us?"
"Oo naman!"
"Couz, if you have something to say, sabihin mo lang, nandito lang kami ni Jyles, hindi yung ganyan ka, batay sa aura mo ngayon masasabi ko na something is bothering you..
Annie's P.O.V.
Paano kong sasabihin sa kanya yung nakita ko?? Hindi ko alam kung pano! hindi ko nga alam kung paniniwalaan ko yung nakita ko kanina ehh.. Urg! dapat pala di na ko dumeretso dito.. I'll try my best para hindi nila mapuna!
"You're over reacting couz! Nothing is bothering me,,Swear!"
"Oo nga naman Amber baka naman gutom lang talaga yan! Kain muna tayo!" hay, thanks Jyles, buti nalang kabaligtaran ni Jyles si Couz,kung si Couz ang daming napapansin at agad nagjjump into conclusions na kadalasan at tama compare kay Jyles na pinag-iisipan nya muna bago magconclude..
kumuha agad si Amber ng chips and sodas..
Shempre kumuha agad ako, para isipin ni Amber na gutom talaga ako! sinundan naman ng kuha ni Jyles at ang natira, kay Amber..Agad kong binuksan ang chips at soda para todo acting na at kumain! Isa pa mahilig naman talaga ako sa chips at soda combined!
"Nga pala! I heared nagkita kayo last night ni Kian sa park.. Kamusta?" tanong ni Jyles.. at nabulunan ako!
"Princess okay ka lang?" tanong ni Jyles, si Amber naman nakatingin lang saken at parang may kung anong iniisip,for sure bumubuo na naman sya ng conclusion! Agad ko namang inabot yung soda at uminom ng mabilis..
"Oo okay na! okay na! napadami kasi yung pagkain ko ng chips.."
"Yan kasi Princess,alam kong gutom ka pero hinay hinay lang.."
"Oo na, maghihinayhinay na ko next time.."
*Kring Kring* biglang nagring yung phone ni Jyles..
"Uhm girls, sagutin ko muna to ha,,"
We just nod..
Hindi ako makapagsalita,, nagkunwari nalang akong sumasakit ang ulo..Maya maya pa bumalik na si Jyles..
"Girls, Sorry but I have to go,my mom just called and nagpapasundo sa airport,gotta go!"
"Okay,," sagot ni Amber sa kanya,,
Amber's P.O.V.
"Couz ano ba talaga ang nangyari?"
"Huh? what do you mean?"
"Couz,alam mo kung ano ang sinasabi ko.."
"Hindi talaga!"
"Okay,nagkita kami ni Kian kagabi,weird sya,hindi ko sya gets at may envelope syang ibinigay saken, letter. Na hindi ko rin maintindihan..."
(letter)
Amber,
Alam ko iniisip mo ang weird ko kanina, at alam kong mawiwirdohan ka pa saken lalo kung sasabihin ko sayo na ineexpect ko ang mga isinagot mo sa tanong ko sayo kanina. Alam mo ba ang naiisip ko ngayon? Paano kung pwede na tayong ikasal bukas? Hindi ko na siguro patatagalin pa yun at mag a-I do na agad ako. Amber,hindi ako nagmamadali,kaya kitang hinayin,pero hindi yun ginusto ng pagkakataon at panahon. Hindi ko ito isinulat dahil sa umaasa akong na sa pagbabalik ko nandyan ka pa din. Isinulat ko to para kahit papaano maayos kong nasabi sayo ang lahat. Mahal na mahal kita at gusto kong kalimutan mo yun. Alam ko ding mahal mo ko pero gusto kong baliwalain mo na yun. Kalimutan mo na ko,dahil hindi ko nakayang ipaglaban ka.. Kalimutan mo na ko dahil mas sasaya ka sa iba. Kalimutan mo na ko dahil natatakot akong baka hindi ko makaya. Natatakot man akong hindi makaya ang mawala ka pero mas natatakot akong baka ikamatay kong makita kang lumuluha. Magmula sa araw na ito,pinapalaya na kita. Magmahal ka ng lalaking nararapat sa pagmamahal mo,nalulungkot ako na hindi maaring maging ako ang lalaking yun. Hanggang dito nalang para sa huli kong sulat.
Kian.
*Sob* "Ano ba yan?"
"Couz please sabihin mo saken kung ano yung gumugulo sayo kanina please, alam kong may kinalaman dyan si Kian, hindi ko kasi alam ang kung bakit nya ginawa ang sulat na to.."
"Oo na! Sige na! Ganito kasi yun.."
Papunta na ko dito sa bahay nyo,nang makita ko si Kian,tatawagin ko sana sya nang may biglang isang babae na sa mga late 30's ang tumawag sa kanya,siguro mommy nya yun,
"Kian tara na ianaantay ka na ng fiance mo.."
Nakapokerface na sumama si Kian sa kanya,
"Kian,Smile! mamimeet mo na sya, You should be happy!"
Pero parang hindi narinig ni Kian ang sinabi nya..
May isa akong girl na nakita,yun ata yung fiance na sinasabi, Weird kasi parang nakita ko na sya noon. Yung girl naman parang down na down.. Biglang napatingin saken si girl,hindi ko alam pero parang nagulat sya nung nakita nya ko..
Kaya yun! nagtatakbo na ko papunta dito!,
"So tama pala! Nafix marriage sya.."