Chapter 8 --- A Song For Him

371 6 7
                                    

▬ DARREL'S POV

Ang kukulit talaga ng mga students ko! Napasama pa tuloy ako sa kanila ng di oras! Good thing itong Ford Taurus X ang dala ko ngayon at hindi yung BMW m3 convertible, nagkasya kaming walo. 

Hanggang ngayon sa sasakyan, napagtitripan pa rin itong late na si Trix na kasalukuyang nasa passenger's seat. Kakaiba tong babaeng to ah! Akalain mong normal lang sa kanya ang 19 hours na tulog! Late tuloy! Hahaha! 

Naririnig ko yung asaran ng magbabarkada. Nakakatuwa sila.

"Di mo pa nilubos bebs ah! 5 hours na lang eh isang araw ka ng tulog! Grabe!" --- Zarah

"I bet kung di pa natin siya kinulit tawagan eh hanggang ngayon one heart, one soul pa rin sila ng kama niya!" --- Nessa

"Walang hilig matulog yang babaeng yan eh!" --- Trish

Kawawang Trix. HAHA. Napagkakaisahan.

"Eh sa masarap talagang matulog eh! Ipagpatuloy niyo lang yang pang-aasar niyo sakin, kayo na patutulugin ko!" ---Trix

Bayolente.

"Sa pagmamahal... hehe!^______^" dagdag niya.

Cute.

Bayolenteng Cute.

"Weh? Patutulugin sa pagmamahal?! Pauso ka na naman Trix!" said Zarah.

"Imbento ka bebs!" sabi naman ni Camile.

"Baliw!" --- Trish

"Bebs, malapit na tayo okay? Alam kong gutom ka na pero hindi mo kailangan idaan sa mga paganyan-ganyan mo. " --- Lucy

"Nightmare yun pag nagkataon!" --- Lea

"TAMAAAA!!!" --- Lucy, Trish, Zarah, Camile, Nessa

"Ay?? Ambaaad! >.<" --- Trix 

Ilang sandali pa, nakarating na rin kami sa bahay nila Lucy. Agad naman kaming pinatuloy at pinakain ng mama at lola niya. Hindi ko alam kung bakit ako binibigyan ng mga tao dito ng special treatment. Kung tratuhin naman nila ako, para akong artista. -______-

Panu ba naman, nandun sa buffet table yung mga pagkain, yung ibang mga bisita, including my students, self-service. Tapos ako? Eto. Pinaupo lang at hinahainan ng pagkain. At ang dami pa ah! Hindi naman ako ganun kagutom para ubusin tong sandamakmak na pagkain sa harap ko. Meron pang nagpapaypay sakin at nagmamasahe. Ang mas malala pa, yung iba eh hahawakan ako sa likod o sa braso tapos sisigaw na para bang mga obsessed na fan na nahawakan ang favorite nilang foreign celebrity na magcoconcert dito sa Pilipinas! -_____-

Nang makabalik na yung pito dito sa table namin, nagsalita si Lucy.

"Sir, pagpasensyahan mo na po yung mga tao dito ah. Hehe! Ngayon lang siguro nakakita ng artistahing katulad niyo!" she said.

"Gwapo niyo po kasi Sir eh!" --- Nessa

Wala akong masabi. -______-

Natapos na kami kumain. Nandito na kami ngayon sa mahabang table sa harap ng karaoke. Pinapakanta na naman ako ng mga students ko. Pero syempre, ayoko na. Hehe.

Kaya naman si Trix na naman ang pinag-initan.

"Trix! Kanta ka!" Lucy said.

"Oo nga bebs! Tapos na si Lea oh! Ikaw naman!" --- Camile

"Kanta na! Ilabas ang malupet na boses!" --- Zarah

"Wag niyo kong pilitin! Baka pumayag ako! Haha!" --- Trix

Ay loko! HAHAHA!

"Dali! Hanap ka na ng kanta!" sabi naman ni Trish kay Trix sabay abot ng album.

Nag-intro na ang song na kakantahin ni Trix. She held the mic and started singing.

Wow... Her voice is angelic. Nakakarelax siyang pakinggan. Para bang mawawala lahat ng stess mo pag pinakinggan mo siyang kumanta. Nakakagaan ng pakiramdam.

  ▬ TRIXIE'S POV

Feel na feel ko tong kantahin. Tsk. It really suits my feelings and thoughts today.

Eto na. Kakanta na ko. Hoy Sir Darrel! Makinig ka, para sayo to!XD

"♫ Sandali na lang

Maaari bang pagbigyan

Aalis na nga

Maaari bang hawakan

Ang iyong mga kamay

Sana ay maabot ng langit

Ang iyong mga ngiti

Sana ay masilip

Wag kang mag-alala

Di ko ipipilit sayo

Kahit na lilipad

Ang isip ko'y torete sayo...♫ "

Eto na ang mga the best na linya! I emphasized every word in the next few lines. Dahil swak na swak ang nararamdaman ko doon.

" ♫ ILANG GABI PA NGA LANG

NANG TAYO'Y PINAGTAGPO

NA PARANG MAY TUMULAK

NANLALAMIG, NANGINGINIG NA AKO...♫ "

Recently ko lang nakilala si Sir Darrel pero parang ang laki na ng impact niya sa buhay ko. Bakit ganun? Nagkacrush na naman ako noon ah! Pero parang sa kanya lang ako ilang na ilang! Gustong-gusto ko siyang makita pero ayoko siyang kasama kasi naiilang ako! Yung tipong gusto kong nandyan ang presence niya pero ayokong maramdaman kasi nahihiya ako sa kanya! Haaaayyyy! Ewan ko ba! Gusto ko lang siyang tignan sa malayo. Kasi kapag lumalapit siya, naguguluhan ako.

" ♫ Akala ko nung una

May bukas ang ganito

MABUTI PANG UMIWAS

PERO SALAMAT NA RIN AT NAGTAGPO...♫ "

I emphasized some lines na naman. Yes. Gusto ko na umiwas kay Sir Darrel bago pa siya maging parte ng sistema ko. Gusto ko na umiwas sa kanya bago pa mag-intensify yung pagkacrush ko sa kanya. Gusto ko ng umiwas bago pa ko tuluyang maadik sa kanya! Thankful akong nakilala ko si Sir Darrel pero parang ayoko ng mapalapit pa sa kanya.

" ♫ TORETE, TORETE, TORETE AKO

TORETE, TORETE, TORETE SAYO

Wag kang mag-alala

Di ko ipipilit sayo

Kahit na lilipad

Ang isip ko'y torete sayo

TORETE, TORETE, TORETE AKO

TORETE, TORETE, TORETE AKO

 TORETE, TORETE, TORETE AKO

TORETE, TORETE, TORETE SAYO

TORETE, TORETE, TORETE SAYO...♫ "

Crush na crush na talaga kita Sir Darrel! Torete ako sayo. Lately, palaging gulong gulong ang isip ko, panu ba naman kasi, si Sir ang laman! Tsk!

Natapos na yung kanta. Pinalakpakan ako ng mga bebs ko, ni Sir Darrel at tsaka nung iba pang bisita. ^______^

"Trix, do you wanna join our band?" tanong sakin ni... nino paba? Edi nung gumugulo sa magulo ko ng mundo. Si Sir Darrel.

Like ko yung idea of joining a band. Pero naman! De mas lalo akong mapapalapit sa kanya!

"Ayoko po." Yun lang sabi ko sa kanya tapos binaling ko na yung atensyon ko sa mga barkada ko na mistulang nakakita ng mumu dahil sa naging sagot ko kay Sir. Hindi siguro nila akalain na tatanggi ako.

Nagkwentuhan pa kami ng mga ilang oras tapos nagdesisyon na kaming umuwi. Sa buong pagkekwentuhan naming walo, hindi ko tinignan si Sir Darrel.

Nagkiss na kami ng mga bebs ko at nung nakita kong papalapit na si Sir Darrel samin para magpaalam na rin, umalis na kaagad ako. Di na ko nagpaalam sa kanya.

On my way home, napaisip ako. Si Sir Darrel ba talaga ang iniiwasan ko?...

O yung konseptong ayaw kong pasukin?

I Don't Wanna Fall In LoveWhere stories live. Discover now