5. Kamote Rider And Kamote Captor

286 5 4
                                    

Nagtungo ang mga tauhan sa may bakanteng lote ng paaralan upang ipaliwanag kay Krish ang mga nangyayari.

Bago muna yan, balikan nga natin ang eksena ng pag-alis ni JL...


Para makauwi sa kanila ay kinailangan niyang magsummon ng dragon. Sa pagkakataong iyon ay tinawag niya ang dragon ng kahilagaan. Lumabas nga ito mula sa kawalan at batid nilang mas maamo pa ito kaysa sa naunang dragon at dito...

"Oh sige, alis na ako. Nawa'y makabalik kayo sa palasyo na kasama si Krish ha." Paalam ni JL.

"Ingat." Sabi ng tatlo liban kay Brian.

"Teka lang..." Pigil ni Brian, "Ayon sa alamat para raw makasisigurong ihahatid ka sa tamang daan ng dragon na iyan ay kailangang sakalin nang sagad sa buto ang dragon na 'yan."

"HA?!" Tila nanigas si JL sa narinig.

"Di nga..." Ayaw maniwala si Seon.

Gayunpaman ay isinagawa na ni JL ang sinabi ni Brian. Nang sakalin niya ang dragon ay waring may autopilot na nagaganap. Hindi makontrol ni JL ang paglipad nito. Gumagawi ito sa iba't-ibang direksyon na nakakahilo kung iyong mamasdan. Enjoy naman sina Trams at Ydann sa pagvivideo nito upang ikalat sa Youtube o di kaya'y Livevideo.

"Di ba siya marunong magmaneho?" Maang na tanong ni Brian.

"Papanong di marunong eh sinasakal na nga niya ang sinasakyan niya!" May galit sa boses ni Seon pero may kimkim na tuwa sa nasaksihan. "T-brothers nga kayo."



At heto na...

Buti naman at nakipag-usap na rin si Krish sa kanila. Nalaman niya sa mga ito na kailanganin ng kanyang tulong para makapasok sa inner core ang T-brothers. Utos ito ng reyna na makipag-ugnayan sila sa kanya.

"Papano mo pala nakilala ang ating mahal na reyna, Krish?" Tanong ni Trams.

"Ganito kasi yun," si Krish "Nasa pamamasyal ang mahal na reyna sa MOA sampu ng kanyang mga bodyguards at butlers. Dahil may pagkapilya si Reyna Lor, tinakasan niya ang mga bantay. Nalibang siya sa ganda ng MOA kaya ang naging resulta ay nawala siya. Akala kasi niya Victoria Plaza ang MOA kaya hayun, di na siya makabalik.! Tiyempo namang nandun kami ni Bessy sa MOA at natagpuan namin ang balisang reyna. Sa kanya namin nalaman na naligaw siya..."

"...Dahil meron akong ginintuang kamoteng puso, tinulungan ko ang reyna na makauwi sa palasyo gamit ang aking magic wand!" Patuloy ni Krish. "Nagpasalamat si Reyna Lor sa amin ni Bessy at nais niyang bayaran ang utang na loob na iyon. Tumanggi ako dahil sa tingin ko kalabisan ang tanggapin ko na maging prinsesa ng kaharian sa ganoong pagtulong lang. Pero si Bessy, tinanggap niya ang alok ng reyna na magtrabaho siya sa palasyo. naghahanap din kasi ng trabaho si Bessy nun at angkop naman sa kanya ang inaalok na trabaho ni Reyna Lor."

"Bodyguards? Butler? Di ba Butler ka ng reyna, Seon?" Ika ni Ydann.

"Nung nasa MOA ang reyna, wala ako nun. Meron akong interview sa GMA Dagupan sa mga sandaling iyon." Katwiran naman ni Seon.

"Magic wand? Anong magagawa nun?" Tanong ni Trams.

"Yun ang aking kapangyarihan Trams, sa aking pagbigkas ng mahiwagang salita ay magkakaroon ako ng magic wand. Kaya nitong lumikha ng wormhole, isang lagusan papunta sa lugar na aking nanaisin." Paliwanag ni Krish.

"At sino naman si Bessy?" Si Brian.

"Kaibigan ko." May inis na sagot ni Krish. Ayaw niyang ipaalam sa mga ito na Sekretarya ng palasyo ang kaibigan niya.

Samantala, meron palang isang babaeng manlalakbay ang napadpad sa Kamote Ville. Wala halos energy sa tamlay ng paglalakad niya. Dala niya'y isang bayong na may lamang gamit niya. Damit niya ay gutay na at buhok niya ay mala afro at sa kabuan, NPA itong babae na to.

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon