#Fear 29: The Truth

2.7K 93 7
                                    


#Fear 29: The Truth


Xenzel's POV

"Nate!" Hinahanap ko si Nate pero hindi ko talaga siya makita! Halos naikot ko na ang buong Seriun!


Monday na ngayon at may klase na naman kami. 1 hour vacant namin kaya hinanap ko muna si Nate.


Nagpost kasi ako sa facebook account ko kahapon.


"Who knows Nate Endore?"


Yun yung nakalagay sa post ko. And then comments rushed in.



"I know him. But he's already dead."


"Matagal na siyang patay."


"Right hand siya ni Prince Shannon bago nagsara ang Seriun 13 years ago. He was killed by Hidden Faction."


"He's dead."


"He's a ghost. But he's still in Seriun."


Halos itapon ko yung laptop ko sa mga nabasa kong comments!


PATAY NA DAW SI NATE!


Paano nangyari yun eh ang close-close nga namin!


Kailangan ko itong makumpirma!








---------

"Nakita niyo na ba?" Tanong ko kina Celine at Nemsey.


Busy kami sa paghahanap ng isang yearbook sa Main Library ng Seriun. Ang yearbook ng huling batch ng Seriun students bago ito nagsara 13 years ago ang kanina pa namin hinahanap.


"Nakita ko na!" Nakangiting kinuha ni Nem yung yearbook at agad kaming tumungo sa isang round table para tignan 'yon.


Ang kapal-kapal ng yearbook. Andami kasing estudyanteng nag-aaral sa Seriun noon.


"Sa letter E." Sabi ko kay Celine na siyang naglilipat ng pahina.


Agad niyang hinanap ang lista ng mga estudyanteng nagsisimula sa E ang last name.


"Endore diba? E-N-D-O-R-E?"

"Oo, yun nga."

"Wala naman eh." Imik niya. "Emadeo, Embed, Embrosio, Emcase, Em..."

"Dun ka tumingin sa EN." Utos ni Nem.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon