The Long Wait
By: SheLaughsATYou
---------------
Ngayong araw na ‘to pupuntahan ko ang taong matagal ko ng hinihintay. Ang taong dahilan kung bakit hindi kompleto ang bawat araw ko. Ang taong pinaasa akong pupuntahan nya.Ang taong labis nanakit sa damdamin ko.
Sumakay ako sa jeep papunta sa kinaroroonan nya. Bakas ang pananabik sa aking mga mukha , hindi mawawala ang ngiti sa aking mga labi. Makikita ko na kasi sya ..makikita ko na ang aking mahal.
Dalawamput limang minuto na ang nakakraan at nakikita ko na rin ang malawak na lupain na may mga malalamig na bato sa ibabaw.
“para po” sabi ko sa drayber ng jeep.Itinigil nya. Bumaba ako sa jeep at tinungo ang entrance. Nung makarating ako dun , hindi ko alam kung tutuloy ako o hindi. Hindi ko alam dahil nagdadalawang isip na ako . Ang mukha kong nanabik ay napalitan lungkot at pighati. Natatakot akong ihakbang ang aking mga paa papunta sa kanya. Biglang nanikip ang dib dib ko dahil na rin sa pinipigilan ko ang luha sa pag-agos mula sa aking mga mata.
‘Martha andito kana , makikita mo na sya’ sabi ng puso ko, pero ang utak ko nagsasabing ‘hwag, masasaktan ka lang’.
Itutuloy ko ba o hinde ? Kung hindi ako papasok hindi ko na sya makikita , at kung papasok ako , masasaktan lang ako. Alam kong palagi na lang utak ang nanalo sa tuwing pinapipili ko ang aking sarili sa mga desisyung katulad neto iyon marahil ay takot akong masaktan. Labing tatlong taon na rin ang nakakaraan noong ganito din ang pinapipili sa akin at pinili ko ang puso ko, at dahil sa desisiyon nayun lubusang nakasakit ito sa damdamin ko.
Ang buhay nga naman, puso ko pa rin ang pinili ko , kahit alam kong masasaktan ako ay itinuloy ko pa rin.Inihakbang ko ang aking mga paa papunta dun.Mas lalong sumasakit ang dib dib ko habang ako ay papalapit sa kanya. Sumakit pati lalamunan ko dahil na rin sa kanina pang pagpigil ko sa aking mga luha.Malapit na ako sa kanya , tanaw na tanaw ko na sya at mas lalong kumikirot ang puso ko habang papunta doon. Hindi ko na napigilian ang sarili ko, tumakbo ako sa kinaroroonan nya kasabay ng pag-agos ng luha ko sa aking mga mata. Agad akong lumuhod nang makapunta na ako kung nasaan sya.
Maiinit na luha ang dumdaloy sa aking mga pisingi , napakalaking sigaw ang pinakawalan ko .Umiyak ako ng umiyak ng umiyak. Hindi ako titigil hanggang di makuha ang sakit na nararamdaman ko.
Ansakit. Ang sakit sakit. Napakasakit. Kinuyom ko ang aking mga palad ko at ulit , nagpakawala ako ng isang sigaw.
Labing tatlong taon ang nakakraan, noong sinabi nya sa akin na mahal na mahal nya ako. Labing tatlong taon ang nakakraan noong ipinaglaban ko ang pag-iibigan namin. Pumayag akong mkipagtanan sa kanya at bubuo ng aming pamilya, mamumuhay ng tahimik at maligaya. Naghintay ako sa kanya nung gabing yon , umaasang darating siya , pero dalawamput apat na oras akong naghintay sa kanya , ganun ko siya kamahal , ganun ako katanga. Sumuko ako pagakatapos ng araw nayun pero hindi sa loob ng labindalawang taon, labing isang buwan at dalawamput-isang araw. Patuloy akong naghihintay sa kanya nagbabaksakaling puntahan nya ako pero hinding hindi na yun mangyayari kahit kailan... dahil nasa ilalim na sya kung saan ako nakaluhod .
The long wait is over. Oo tapos na dahil nakita ko na sya , nakita ko na ang pinakakmahal ko. Hindi man sa pisikal pero nagkatagpo ang landas namin ng makita ko ang pangalan nyang nakaukit sa isang malamig na bato kung saan siya nakahimlay.
Labingtatlong taon na pala syang wala, at nung isang araw ko lang nalaman. Naaksidente siya noong mismong araw na magtatanan kami.Walang may nagpaalam sa akin hanggang sa pumunta ako ng amerika at nakita ko dun ang pinsan nya at nalamang intensyon ng pamilya nyang wag ipaalam sa akin dahil na rin mismo sa galit nila sa akin, ako ang sinisisisi nila sa pagkawala nya, pero bakas ang sa mukha ng pinsan nya ang lungkot at gulat nung sinabi kong naghihintay pa rin ako sa kanya.
Mahal na mahal ko siya, labing tatlong taon man akong nagpakatanga sa paghihintay sa kanya , siya at siya pa rin ang lalaking may malaking puwang sa puso ko. Siya ang taong minahal ko ng lubusan. Walang sinuman ang makakapalit sa kanya.
Tumayo na ako sa pagkakaluhod, pinahid ko ang mga luhang patuloy pa rin sa pag-agos. Tinignan ko ang pangalan nya sa malamig na bato , o lapida.
Emmanuel Ortiz
“Uy , Eman , di mo man lang ako sinabihang di ka pala dadating.Sana hindi nalang ako naghintay , sana hindi ganto katagal akong nasasaktan. Ang sakit Eman , masakit na iniwan mo ako ng hindi ko man lang alam , pero kahit anong mangyari ikaw pa rin yung lalaking mahal ko , dahil ikaw yung dapat nakatakda sa akin. Alam ko yun , dahil sinabi akin ng kaluluwa ng mundo, pero maaga daw tayong nagmahalan , kaya maaga ka ding nawala sa piling ko. Eman alam mo, anumang rason ng mundo , andito ka pa din sa puso ko , nakaukit ng malalim ang pangalan mo, mas malalim pa sa pagkaukit sa batong nasa ibabaw mo. Eman , hanggang dito na lang tayo, kailangan ko nang ipagpatuloy ang buhay ko, mahal na mahal kita, iyan ang tandaan mo. Pahintay dyan kung nasaan ka , alam kong matagal pa , babyahe pa kasi ako sa agos ng buhay, pero dadating ako...kapag oras ko na, dadating ako asahan mo”sabi ko . Alam kong sasabihin nyo mang may biro dun , seryoso ang sinasabi ko.
Ihahakbang ko na sana ang paa ko papalayo sa puntod ni eman ng humangin ng malakas, rason kung bakit napayakap ako sa sarili. Out of nowhere may narinig akong bumulong sa tenga kong ‘peksman’. Alam kong si eman yun. Napalingon ako sa kung saan nakahimlay si eman , napangiti ako, dahil alam kong andyan sya, di ko man makita , pero ramdam ko.Ipinagpatuloy ko na ang paglakad papuntang entrance ng sementeryo . Kailangan ko ng umuwi ..sa amerika , kung saan andun ang kasulukuyang buhay ko, matagal-tagal pa bago ako ulit makakabalik dito ,pero kahit matagal. alam ko naman kung saan ko siya hahanapin.
Nakadating na ako ng entrance agad akong pumara ng taxi , ayaw ko na sa jeep medyo mainit kasi eh.Sumakay ako at lumuha saglit. Tanda iyon na magbabagong buhay na akong hindi naghihitay kay eman.
~fin~
--------------------------
A/n : wohoho ! Oa to eh ! hahahah sensya ..churriii kagabe ko lang tinype hahaha !