Devil # 10

6.7K 137 14
                                    

Chapter 10

Lumapit agad samin si Adrian at hinila ako papalayo kay Joshua.

“ Mamaya na lang tayo mag usap! “ sigaw ko habang papalayo.

Naiwan na namin si Joshua na nakatayo lang dun at gulat na gulat sa nangyari. Ano na naman bang problema nang demonyong si Adrian at may pahila hila pa siyang nalalaman?

Nang medyo makalayo na kami ay binitawan niya na ako. Sa wakas. Akala ko hindi niya na ako pakakawalan.

“ Ayoko nang nalapit ka o nakikipag usap ka sa ibang lalake ha. “ sabi niya.

“ Sino ka ba para sundin ko? Tatay ba kita? “ sagot ko naman sa kaniya ng pasungit.

“ Basta. Sundin mo na lang ako. “ tapos naglakad na siya papalayo sakin.

Hindi ko siya sinundan. Sumigaw lang ako. “ Bahala ka. Hindi kita susundin. “

Biglang lumingon si Adrian sakin. Yung tingin niya, parang may pinaplanong masama. Nakakainis siya. Sarap itapon sa bangin. Panira ng moment. Minsan na nga lang may umamin sakin na lalake tapos sisirain pa niya. So rude.

**

After ng lunch namin ay nagklase na kami. Quiz at lessons ang ginawa namin at syempre, umabot na sa pinakagustong time ng bawat estudyante, ang uwian. Isama mo pa na Friday ngayon. Sino ba namang estudyante ang hindi matutuwa kapag narinig ang salitang Friday at weekend.

Agad akong lumabas ng classroom. Nagulat naman ako ng makita ko si Joshua sa labas.

" Eunice. " tawag niya sakin. Halata sa mukha niya na masaya siya. Dahil kaya sakin? 

" He-hello. " sabay kumaway ako sa kaniya at syempre, nginitian ko siya. 

Bigla siyang lumapit sakin at nagsalita. " Bukas ha. Pumayag ka kanina. Eto pala yung number ko, text mo na lang ako. Baka mamaya dumating na naman si Adrian eh. " sabay inabot niya sakin yung isang maliit na piraso ng papel. Pagkaabot niya nun ay umalis na agad siya.

Inilagay ko agad yung papel sa wallet ko para hindi ko mawala. Maglalakad na sana ako nang biglang may taong humampas sa likod ko.

" Ikaw ha. May Zen kana, may Adrian kapa tapos pati si Joshua. Ikaw na! Ikaw na talaga maganda! " sabi sakin ni Leslie. Siya yung nanghampas sakin. Ganyan yan, napakabrutal na kaibigan. Hahaha.

" Hoy! Sira ka talaga! Si Zen, kay Cloe na yun. Bahala sila magsama. Tapos si Adrian, wala akong gusto dun at pinagtritripan lang ako nun. " paliwanag ko.

" Eh yung captain ng basketball team? Si Joshua, bakit ka niya kinausap? "

" Bhes. He confessed na may gusto daw siya sakin. Niyaya din niya ako lumabas bukas kaya niya ako kinakausap. " sagot ko naman.

" Ikaw na talaga Eunice! Nakakainggit ka talaga eh! " sabay hinampas na naman niya ako. Nananadya na ata talaga tong babaeng ito eh. Haha. Pero hayaan na. Bestfriend ko yan eh.

Naglakad na kami papalabas ng school. Puro ingay ng mga estudyante yung naririnig ko. Pero deep inside, kinakausap ko yung sarili ko. Si Zen kaya kamusta na? Si Adrian bakit ganun trato niya sakin? Tapos si Joshua. Pinagtritripan lang ba ako nun o seryoso talaga siya.

Nagulat na lang ako ng may humatak sa akin. " Ano ba bitiwan mo nga ako. " sabi ko sabay tumingin ako sa kaniya. Yung devil lang pala. Tss. Ano na naman bang problema nito? Si Leslie naman, andun nakatayo at nakatingin samin. Kinikilig ang bruha. Gustong gusto talaga nun si Adrian eh kaya ganyan yang bestfriend ko. 

" Ano? Nakapagdesisyon ka na ba? " tanong ni Adrian sakin.

" Ha? " yan lang ang nasabi ko. Hindi ko kasi alam kung ano yung tinutukoy niya.

" Tss. Diba kanina tinanong kita kung pwede ka bukas. Niyaya kitang lumabas diba? " pagkasabing pagkasabi niya nun ay bumalik sakin lahat ng mga pangyayari kanina. Nauna nga pala siyang magyaya kanina. Pero hindi pa naman ako pumayag diba? So dapat hindi siya magalit kung naka-oo na ako kay Joshua. Oo, tama! Ganun na nga.

" Ano kasi.. " hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya.

" Bakit? Kasi pumayag kana kay Joshua? Na sa kaniya ka sasama bukas. " sabi niya. Seryoso talaga. As in halata sa mukha niya na naiinis siya.

" Ga-ganun na nga. " 

" Sige! Magpakasaya ka bukas! Tsss. " tapos maglalakad na sana siya pero hinawakan ko siya sa polo niya.

Humarap siya sakin at nagsalita, " Oh ano? " tono palang ng boses niya, halata na yung inis. Ang sungit sungit ng demonyong toh.

" So-sorry Adrian. " sabi ko sabay nagpeace sign ako gamit ang isa ko pang kamay.

" Sorry mo mukha mo! Bahala ka diyan! " sabay tinanggal niya ng pagkalakas yung kamay ko na nakahawak sa kaniya.

Nilapitan naman agad ako ni Leslie. Tumingin ako sa paligid ko. Karamihan sa kanila, nasa akin yung tingin. So ako pa yung may kasalanan ngayon? Ako pa yung masama? Hindi pa naman talaga ako napayag kanina sa sinabi ni Adrian eh.

" Okey ka lang bhes? " tanong ni Leslie sakin. Halata sa boses niya na nag aalala siya. Yung kilig na nararamdaman niya kanina, parang nawala. Parang napalitan ng lungkot na may halong kaba.

" O-oo, okey lang ako. " sabay hinawakan ko siya sa braso at hinatak papalayo.

**

Nang makauwi ako sa bahay, inilabas ko agad yung wallet ko para kunin yung papel na binigay ni Joshua.

[Calling +63914xxxxxxx]

Hahaha. Tawag talaga noh? Mayaman ako eh. Mayaman sa load. XD

( Hello? )

" Joshua? "

( Eunice? )

" Oo, ako nga. What time bukas? Tsaka saan tayo magkikita? " yan agad yung tinanong ko. Para sigurado na. Haha.

( Hinay hinay lang sa pagtatanong. Mahina ang kalaban. )

" So-sorry. " 

( Wait. Pwede mo ba iusog yung kurtina mo. ) 

Laging gulat ko nang iusog ko ang kurtina ng bintana ko. Nakita ko si Joshua. Kumakaway siya sakin. Agad kong pinatay yung call at binuksan ang bintana ko.

" Ka-kapitbahay ka namen? " pagtataka ko.

" Oo. Di ka kasi nalabas ng bahay. " inis niya sakin.

" Hahaha. Oo nga eh. Pero unahin na muna natin yung tungkol bukas. " 

Tapos ayun. Nagusap na kami ng nag usap. Medyo magkadikit lang din kasi yung bahay namin sa bahay nila. Pwedeng pwede nga din siyang lumundag sa terrace ng kwarto ko e. Kung pwede lang. Haha. 

Napagusapan namin na magkita sa mall ng tanghali. Kasama din daw niya yung mga iba niyang team mates. Edi kasama si Adrian? (-_____-" ) Sana naman hindi. Baka sumabog ang mundo.

--

vote and comment <3

sorry kung boring. Haha. Next update na yung kadugsong. Yung nasa mall na sila. Hahah! Sasabog na talaga ang mundo dahil kay Adrian! Hahaha. Abangan! :*

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon