Dictionary (One Shot)

1.3K 52 11
                                    

Hello! So etong one shot na 'to is for Little Red Girl or Sophia Reyes should I say. Ni-request niya 'to and since it's her birthday yesterday, I granted her request. Eto na regalo ko sakanya. Hihi.

Hope you like it! :)

**

Lalabas na sana ako nang biglang dumating na c Miss Ventura. Takbo akong papunta sa usual chair ko tuwing English. Meron kasi kaming sitting arrangement twing English ang subject.

Karamihan nga ayaw nila sa arrangement nila eh, pero ako, gustong gusto ko. Katabi ko ba naman crush ko, c Paul. Well, magkalapit naman kami sa normal arrangement namin, pero mas maganda pa rin yung mismong magkatabi.

"Goodafternoon." Bati ni Miss.

"Goodafternoon Miss Ventura!" We all said in unison.

"Sit down."

Umupo na nga kaming lahat and kinuha na namin ang Reading books namin, since schedule namin today ay Reading.

"Read the selection 'I Am A Filipino', then right after you read it, copy and answer the vocabulary words written on the white board."

Grabe naman po ito! Kelangan ko ng maraming tissue, dugong dugo na ang aking ilong. Miss, pwede bang kahit konti, magtagalog naman tayo? Waah, help me.

After ko magbasa, sumulyap muna ako kay Paul, tapos ngumiti, then balik na ulit sa notebook. Sinulat ko na yung first 15 vocabulary words.

Teka. Hala. Wala pala akong dictionary! Kelangan pala ng dictionary dito! Ano ba yan! Wait, pwede naman manghiram diba? Oo. Uso pala yun.

"Annieya!" Sigaw kong medyo pabulong.

Tumingin siya.

"Bakit?"

"Peram dictionary!"

"Ay. Ginagamit ko pa."

"Pagkatapos mo na lang."

Tumango na siya at lumingon na sa notebook niya. Okay, tutunganga muna ako dito, habang naghihintay ng dictionary.

5 minutes. 10 minutes. 15 minutes.

Naku. Hindi pa tapos si Annieya. Kelangan ko na manghiram sa iba. Nakakahiya naman pag pinilit ko pa siya, diba? Baka naman yung iba tapos na. Kelangan ko na magsagot!

Tapos biglang kinausap ako ni Ally..

"Ano na gagawin? Hihiramin ko pa ba ang dictionary sa library?" Tanong niya.

Oo nga pala. Plinano din namin na manghiram ng dictionary sa library, since pareho kaming walang dictionary.

"Sige. Manghiram kana." Sabi ko.

"Okay. Sundan mo na lang ako pagbaba."

Dictionary (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon