A.N
As i promised haha:)
Actually naisip ko na okay na yung part 1 eh..but here it is part 2.:)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
5 years later
Arianne
"Congrats anak! we're so proud of you" sabi sakin nila mama at papa.
Graduation namin ngayon..at sobrang saya ko kasi at last natapos ko na rin yung 5 year course ko na BS Architecture.
"Thanks ma,pa! di ko rin naman to matatapos kung hindi dahil sainyo"
"O cge anak,we go first..hintayin ka na lang namin sa bahay"
Nagkiss ako sa kanila tapos hinintay ko muna sila makaalis bago ulit ako pumasok sa loob ng hall dahil may picture taking pa kaming lahat na magkakabatch.
Bago ko pumasok..tumingin muna ko sa paligid,pakiramdam ko kasi may nakatingin sakin.
Guy
Kanina ko pa siya tinitignan..parang kagaya lang ng dati.Sa totoo lang araw-araw ko naman siyang pinagmamasdan at binabantayan pero syempre hindi niya ko nakikita.
5 taon na ang nakalipas..
flashback
Ngayon ang birthday niya..papunta na ko sa kanila ng biglang umilaw ung kwintas na suot ko.Bawat angel may kwintas na kagaya ng suot ko ngayon dahil dito namin nalalaman kung sino ang mga susunduin namin.Masaya ako ngayon dahil may hinanda akong surpresa para sakanya.
Tingnan ko na kung anong pangalan ng susunduin ko sa araw na to..nawala yung ngiti ko.Napahinto ako sa paglalakad..naramdaman ko na lang na tumutulo na ung luha ko.
Bumalik ako sa taas at nakiusap ako na ibibigay ko na lng ung pagasa kong mabuhay sakanya.Una hindi sila pumayag dahil hindi daw pwedeng pigilan ang diyos kung kelan niya na gustong kunin ang isang tao.Nagulat na lang ako ng bigla silang pumayag..un nga lang may kondisyon.Sabi nila buburahin nila lahat ng alala niya na kasama ako.
4:30 na ng hapon,andito ako ngayon sa cafe kung san kami laging nagpupunta.masakit sakin na makita siya ngayon..hindi na ko nagkatawang tao tutal naman makakalimutan niya na rin ako bukas mas pinili ko na lang na ganto.
Nakita kong tumayo na siya dala yung paper bag. Oo nga pla 5 na..naaalala ko na tuwing gantong oras nagpapaalam na ko sakanya.Hindi kasi kami pwedeng umabot ng gabi sa lupa..hindi ko un masabi sakanya kasi alam kong hindi kapanipaniwala.Bago ko bumalik sa taas..tinignan ko muna siya..alam kong hindi ito ang huling pagkakataon na makikita ko siya..nararamdaman ko...
Goodbye arianne
Pagkasabi ko nun..tumulo na uli ung mga luha ko.
End of flashback
Akala ko hindi na ko uli makakabalik...
Arianne
Natapos na ung picture taking then umalis na rin ung iba..nagpaalam na rin sina kars at belle na bestfriends ko.
Papunta na ko kung san naka park ung kotse ko,Sabi nila mama bilisan ko daw umuwi kasi may celebration party silang hinanda sa bahay.
Imbes na dumiretso ako ng uwi, naisip ko munang maglakad saglit at ngayon ay nasa park nako ng university.Tahimik at walang tao kaya umupo muna ko sa isang bench..at pinikit ko saglit ung mga mata ko habang naka-angat ung ulo ko.
Pagkabukas ko ng mga mata ko,may nakita akong feather..bago pa man bumagsak yun ay sinalo ko na.Tinignan ko yun..at feeling ko hindi eto yung unang beses na nakita ko to.
Tumayo na ko para umalis,nakakailang hakbang na rin ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Yung boses na un parang pamilyar siya sakin?..Nilingon ko yung tumawag sakin.Hindi ko masyadong makita ung mukha niya dahil sa matinding sikat ng araw.
Hindi ko alam pero biglang bumilis ung tibok ng puso ko..Humakbang siya papunta sakin at kada hakbang niya unti-unti ko ng naaaninag ang mukha niya hanggang sa makalapit na siya sakin.
Isang gwapong lalake ang nasa harap ko ngayon..nakatingin lang siya sakin habang nakangiti..ung tingin na parang nakita na niya ung matagal niyang hinahanap.Parang kilala ko siya?hindi ko alam..sumakit ung ulo ko ng bigla kong makita ung kwintas na suot niya kagaya rin yun ng kwintas na suot ko.
Flashback
Nagising ako,napansin ko na may suot akong kwintas,hindi ko alam kung saan to galing.Hindi ko tinanggal sa hindi ko alam na dahilan siguro kasi nararamdaman ko na habang suot ko to safe ako.
May nakita din akong paper bag sa gilid ng kama ko.Sa mesa ko naman may papel na nakapatong,binuksan ko yung papel pero wala namang sulat.blanko pero halatang nabasa yun.Sa cellphone ko..may nakita din akong picture sa clinic sa school pero kama lang ung nandun wala namang tao.Hindi ko na lang pinansin ung mga bagay na yun.Hindi ko din naman tinapon o binura dahil sa hindi ko lng din alm na dahilan,kagaya nung sa kwintas.
End of flashback
Habang nakatitig ako sa kwintas..sumakit na naman ung ulo ko at bigla na lng may naalala ako
Kakatapos ko lang ilagay ung gamit ni maam sa faculty ng may nakita kong feather katulad din ng feather na nakita ko ngayon Dinampot ko daw un at may lalake?sino? dinala ko daw ung lalake sa clinic tapos kinuhanan ko siya ng picture..sa labas ng school may tumwag sakin tapos hinila niya ko papuntang cafe nagkwentuhan kami tapos tinanong ko anong pangalan niya sabi niya wala daw siyang pangalan pero may binulong siya...sabi niya siya daw ang angel ko.Hangang sa lagi na daw kaming nasa cafe masaya akong kasama siya..hindi ko parin maaninag ung mukha nung lalake hangang sa birthday ko daw binati niya ko at sabi na magkita daw kami mamaya sa cafe bago siya magpaalam sakin nilingon niya ko..at biglang tumama ung sikat ng araw sa mukha nya.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.Tinignan ko yung lalake sa harapan ko..andame kong gustong itanong sakanya pero walang lumalabas sa bibig ko.ang alam ko lang..masaya ako ngayon..masaya ako dahil andito siya.
Naaalala ko na siya..lahat naaalala ko na.Ung letter,ung picture ska ung kwintas.Siya pala ung nandun..siya pala ung nagbigay nun.
Kaya pala kahit andami daming mga lalake na nagkakagusto sakin..wala man lang ni isa sa kanila ang nagustuhan ko kasi matagal na palang may nagmamayari ng puso ko.
"Ngayon na nga lang tayo nagkita tapos iiyak ka pa" sabi niya sakin.
"Sino bang may kasalanan?Hindi ko parin maintindihan..sabi mo hindi na kita makikita?.totoo ka na ba? baka mamaya iwan mo uli ako"
"Wag kang mag-alala..hindi na uli kita iiwan dahil ngayon tao na talaga ko"sabi niya
Niyakap ko siya..napangiti ako sa sinabi niya..saka ko na aalamin ang lahat dahil ngayon ang mahalaga ay andito na siya.Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.Tumalikod ako at naglakad palayo pero huminto din agad ako at lumingon.Nakita ko ung pagtataka sa mukha niya.
"Marami ka pang ikkwento sakin........My angel" sabi ko sakanya habang nakangiti.
Bigla na din siyang ngumiti
At sabay na kaming naglakad ng magkahawak kamay.
END
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thanks for reading!^___^
Comment and vote ! :)
Yeah natapos din!..senxa na sa errorsXD
BINABASA MO ANG
My Angel (One Shot)
RomanceIsang araw nakilala kita..at kahit saglit lang kitang nakakausap nahulog ako sayo, kahit hindi ko man lang alam ang pangalan mo.Ang tanging sinabi mo lang ay ikaw ang angel ko.