BONUS Chapter: The Letter

49 8 2
                                    


Dear Jun Kelvin,

          Parang ang weird noh? Hindi kasi ako mahilig sa ganito. Actually it's my first time to write a letter. At tyaka ang mas nag pa weird dito ay ang ikli lang ng panahon na nakasama kita, pero pinag tyagaan ko pa rin na gawan ka na mala novelang letter.

           You're a nice person. Alam mo kung bakit? Hindi ka kasi nag re-reklamo sa kung ano yung gusto kong gawin.

          May aaminin ako, sa totoo lang matagal na kitang kilala. 5 years ago, grade four ka pa lang nun ako naman ay graduating na ng elementary. May event noon sa school singing contest. Nakakatuwa na medyo awkward, kasi yung boses mo pambabae. Dinaig mo pa nga boses ng ibang kababaihan sa sobrang ganda ng sayo. As I listen to you while you were singing, it comes to the point na naging inspirasyon ka ng buhay ko para ipag patuloy ang pag aaral ng piano. And that's what makes you special Jun.

           Mag fi-first year highschool na ako ng malaman kung ayaw mo nang sumali sa mga singing contest. Simula nung kinutya ka ng mga ka-klase mo, dahil sa boses mong pambabae. How awful, after you influence my life to become a great musician. Bigla bigla ka nalang sumuko.

           First year college na 'ko at 3rd year highschool ka nang makita kita muli. Nalaman ko na same University pala tayo pumapasok. Na excite ako nun, pero 'di ko alam kung paano kita makaka usap since lagi mo naman kasama mga barkada mo. Siguro lagi nalang ako mag babasa sa library dahil lagi kitang nakikita na dumadaan dun, but in the end all I could do was to watch you. After all, you didn't know me baka mang snob ka lang.

           Then that day came when you entered the library. I was so shocked hindi ako nag expect na dadating ang araw na iyon. I was so happy and I felt my heart beat so fast. first time kong nakausap ka, nakatabi, at na feel ng bongga ang presenya mo. It felt so good sitting right next you. Yung tipong dadating din pala sa point na 'di na kita pagmamasdan sa malayuan. Ang ganda pala sa feeling pag ganun noh?

          Pero hindi naman laging happy, there's always an obstacle that we're going to face. I had a surgery when I was six years old, and then got treated regularly as an outpatient. After kung mag collapse nung grade five ako.

           I started spending more time in the hospital. Nahihirapan na 'ko pumasok sa school, but I was trying my best to have a high grades.

           Alam kong hindi na maganda ang estado ng buhay ko, alam kong nahihirapan na ang mga magulang ko, alam kong may taning na ang buhay ko. Oo, alam ko yun lahat and that's the moment I realized na ayaw ko nang bumalik pa sa hospital.

          Gusto kong gawin lahat ng gusto ko para hindi ako magsisi sa bandang huli.

          And then nang makita kita uli sa isang park, hindi na ako nag dalwang isip pa na tawagin ka. I was so thankful to that park, Jun. Cause it brought me to you.

         Kala ko sayo masungit, impatient, cold, arrogant, and what so ever. But I didn't imagine that you're so nice, happy go lucky, kalog ang utak, mapagmahal, bunos pa dun ay ang maganda mong kapatid. Total opposite yung hinala ko.

         Your voice was so lovely and you were more manly than I thought, kahit na pambabae pa yang boses mo.

  Naalala mo yung first meeting natin? Nakakatawa talaga yung nakabaliktad yung libro mo.

          Tapos nung sinamahan mo akong mag shopping. Lahat ng times na nakasama kita, yun ang pinaka masasayang araw ko.

          You've gotten more sensual, haven't you? Malamang ilang years din yun na hindi kita nakita. Muntikan pa nga kitang hindi makilala dahil nag mature na yung physical appearance mo.

May tanong ako.

            Makakaya ko bang manatili sa puso ng iba? Eh sayo? Kaya ba?

            Sa tingin mo maalala mo pa ba ako kahit kunti lang?

           Don't forget me, okay? Promise mo sakin na hindi. As if naman na maririnig ko pa mga sagot mo.

           Masaya ako na ikaw ang minahal ko.

           Pasensya na kung hindi ko nauubos mga pasalubong mo saken. Sorry kung lagi kitang kinukulit na pumunta sa library para mag basa lang ng libro na nakabaliktad. Sorry kung minsan nagiging brutal ako sayo. I'm so sorry na nag sinungaling ako na mag a-outing kami. Sorry talaga and thank you for everything.

Jun Kelvin Tan Kaizer, I love you.

- - -

P.S.

             I don't know if you still remember this, but I'm difinitely sure na sa iyo 'tong panyo. Nahulog mo nung na bangga mo ako back in elementary days. 'Kaw na bahala kung itatapon mo yang panyo, eh pagmamayari mo naman talaga yan.

  Your's truly,
Rica G. Tsu

LIBRARY (Short Story)Where stories live. Discover now