"Abeoje, ano pong meron dito sa kamote island?" Tanong ni Nanah.
"Ayon sa alamat, ang Kamote Island ay kasama sa Kalayaan Group of Islands. Nasa pamamahala ito ni Gwapong Marine. Mayaman yun at maimpluwensyang tao na kalaban ng ating hari." Paliwanag ni Brian. "Si Gwapong Marine ay may mga galamay. Tiyak na sa islang yan ay may galamay siya. Mag-ingat kayo dyan. Wag kayong makipaglaban sa tribu Wako-wako kung gusto n'yo pang mabuhay, mapanganib yan sila. At isa pa, mag-ingat kayo sa tuna--"
Oops! Naputol ang connection. Mahina ang signal ng wifi ni Nanah basta nasa gubat.
Samu't saring ispekulasyon ang nasa isip ng Kamote Rangers sa impormasyon ni Brian. Sino ang galamay ni Gwapong Marine dito sa Kamote Island?
Bakit kailangan nilang umiwas sa tuna?
"%+#/ naman oh!" Galit na sabi ni Rhay, "Kung kelan malapit na tayo sa taniman ng wonder kamote, saka pa nagbrownout ang cp ko. %-#+) talaga!"
"Pano na ngayon yan?" Walang ideya si Gal.
"Gamitin natin ang ating instinto, mga Kamote Rangers kaya tay." May tama si Fita. Palibhasa kasi laking M.Y. san.
At nun din, diretso lang ang kanilang paglalakad nang biglang sumigaw si Vincent, "Aghhhhhhk! ayoko na, i quit!"
"&! Anong kaartehan na naman ba yan tol?" Inis na si Rhay.
"Lagi nalang akong sumusunod sa inyo kesyo ganito, ganyan... Nakakasawa na. Uwi nalang ako!" Sabi ni Vincent.
"Hala." Blanko ang isip ni Gal.
"Aysus! Ang sabihin mo, gusto mo ng pumunta sa Hello room... Nalilibugan ka na ba Vincent kaya ka nagkakaganyan?" Umaandar ang pikon ni Fita.
"Eww.. Pumupunta ka pala dun Vincent?" May padiri pa si Nanah.
"Hindi ah!" Tanggi niya pero pinagpawisan.
"Anong hindi eh nakita kaya kita dun, meron kang kairing iring." Panunukso ni Fita.
Gal: ....??...
"Tama na nga yan! 238#@-%@! Pareho lang kayong mga adik sa hello room!" Pasafe pa si Rhay.
Ano ba ang hello room?
Ito yung lugar na kung saan ay nagtitipon ang mga tao para makipagkumustahan. International Social Meetings na ang karamihan ay mga taga middle east na nag-aalok ng extra service. Marami ring nagtitinda rito ng kamote galing sa kinalakhan nila tulad ng kamote sa Alaska, kamote sa Sahara Desert, kamote sa Atlantic Ocean at marami pang iba.
Sa kalagitnaan ng kanilang alitan ay may narinig silang mga paputok na nanggaling sa likuran nila. ang tribu wako-wako, sinundan pala sila ng mga ito. Naloko na, bilin pa naman ni Brian na wag silang makipaglaban sa tagatribu wako-wako.
At syempre, nag ala matrix style sila habang iniiwasan ang mga bala. Kawawa. naman ang mga naninirahang hayop sa gubat, dinamay pa. Ang iba nakatakbo pero mas marami ang tinamaan.
Pagkatapos, may narinig silang tunog ng helicopter. Tumingla sila. Nakita nila roon si Astrox Zhero. Humalakhak ito nang nakakaloko sabay talon.
Oops! Hindi maganda ang bagsak niya sa lupa. Try n'yo kayang tumalon ng mga 45 feet kung tigas pa ba boto nyo.
"Ouch! Bad landing!" May eksprisyon talaga sa mukha ni Gal.
"Hahahaha, malayo sa bituka to." Yabang ni Astrox ah. "Pakitang tao ko lang yung ginawa ko kanina sa inyo para makakuha ng impormasyon. Ibinalita ko na pala kay bossing Sirchief ang kalagayan ng inyong prinsepe."