Part 1 - Bangungot

12 0 0
                                    

Mga 7 years old pa lang ako nung lumuwas kaming Manila nila Mama.. Wala na kong masyadong matandaan sa pagtira namin sa probinsya.. Dahil na din siguro bata pa ko.. Hanggang sa isang gabi nanaginip ako..

"Kristina!!! Kristina!!! Tulungan mo ko!! Please Kristina!!!"

May isang babaeng sumisigaw sa malapit sa puno.. Nakayellow na bistida tas may design na mga pula yung dulo.. Malabo sya ehh blurred.. Pero malinaw yung pagtawag nya ng pangalan ko.. Nilapitan ko sya..

Umiiyak sya..

Pagtingin ko DUGO!!!

Dugo yung luha nya.. Pati kamay ko may dugo din.. Pagtingin ko ulit sa kanya tumatawa.. Halakhak na pang demonyo..

Napasigaw ako!!!!

"Aaaaaaaahhhhh!!! Aaaahhhhh!! Bitawan mo koooo!!!"

"Tin gising!! Huiii!! Gising!" sabi sakin ng ka dorm mate kong si Pau.. 

"Binabangungot ka." 

"...." hinihingal pa ko.. Shock.. 

"Ano bang panaginip mo? Okay ka lang?" Sunod sunod na tanong ni Pau.. 

"Ayos lang.. Salamat ginising mo ko.." sabi ko sa kanya.. 

"Ikuha kitang tubig wait lang" sabay tayo ni Pau papunta sa ref..  

"Heto" abot nya ng basong tubig.. 

"Ano ba kasing napanaginipan mo?" tanong nya.. 

Kinuwento ko.. 

"Grabe naman yan Tin katakot naman yan." 

"Kaya nga ehh.. First time kong bangungutin ng ganon.." sabi ko sa kanya.. 

"Sa 5 years nating magkasama dito sa dorm.. Ngayon lang kita narinig na ganyan sumigaw parang pang horror.. Hahaha.." 

"Hahaha sorry haaa.. Katakot kasi talaga.." sabi ko.. 

"Hmm yaan mo panaginip lang naman.. Geh tulog na ulit tayo.. May 2 hours pa bago pumasok.." 

"Geh good night ulit! Hahaha.." sabi ko..

Panaginip nga lang ba? O isang nakaraang kinalimutan at ngayon ay nagbabalik?

Ako nga pala si Kristina Jane Gomez, Tin for short, 20 years old.. At yung ka dorm mate ko si Pauline Ann Villoria, 20 din.. 5 years ko na syang ka dorm simula nung mag solo ako nung nag abroad at mag asawa ulit si Mama..

Maayos naman lahat.. Nagaaral ako ng Mass Comm sa isang university sa Manila, graduating, at hopefully with flying colours.. May boyfriend ako si James Andrew Fortaleza, 21 years old.. Maganda ang takbo ng lovelife at career..

Kaso after nung bangungot na yun parang naramdaman kong may kakaiba na sakin.. Parang feeling ko laging may nakatingin.. Sumusunod kahit saan ako pumunta..

Hanggang sa nagkaroon ng isang special immersion sa isang community somewhere in the North ang course namin.. Mag document daw kami tungkol sa community na iyon.. Namili kami ng mga ka grupo and syempre dahil kaklase ko si BF at si Pau isa sila sa mga ka group ko at may 2 friends pa kaming kasama si Eric at Cindy..

We did our research, days before immersion.. Sa paghahanap may natuklasan kaming isang magandang topic.. Sa community daw na iyon may isang Acacia tree na ang sabi ehh haunted ng isang bata.. And madami pa kesa daw may namurder na bata dun.. And still di pa nahuhuli yung pumatay.. So the case remain unclose..

"Yan magandang itopic yan!!" sabi ni Eric 

"Basta nakakatakot talaga.. Unang una ka.." sabi ni Pau 

"Ano guys gusto nyo ba eto na lang?" tanong ni James samin 

"Sige ayos lang.. Para maiba.. Balita ko kasi sa ibang groups puro poverty tsaka politics yung focus nila sa immersion.." dagdag pa ni Cindy.. 

"Ano Tin? Tutal ikaw naman nakahanap dyan.. Payag ka na?" tanong ni James sakin 

"Huii Tin!! Tulala ka dyan?" tinapik na ko ni Pau 

"Haa? Oo sige ayos na.. Eto na lang.." sang ayon na lang ako sa kanila..

Dahil may topic na naisipan na naming umuwi.. Lalo na mag gagabi na.. Nauna ng bumalik ng dorm si Pau.. At nag date pa kami ni James after kumain..

"Babe, pansin ko kanina parang nakatulala ka lang dun sa picture na may puno.." tanong sakin ni James.. 

"Ako? Haha.. Bat naman?" 

"Wala basta nakatingin ka lang.. Tas yung mukha mo parang namumutla na ewan.." 

"Ano? Hahaha.. Baka dahil sa pagod lang.. Alam mo naman ako minsan natutulala sa pagod.." 

"Baka nga.." sabi na lang nya.. Kiniss nya ko sa noo sabay sabing "I love you" 

"I love you too, babe.." kiniss ko naman sya sa lips..

Hinatid nya na ko sa dorm..

Nakakapanibago ahh. Walang mga tambay sa sala.. Anong oras na ba?

7:30PM pa lang naman.. Nakakabinging katahimikan..

Ngayon lang naging ganto katahimik sa dorm..

Nakakakilabot..

Paakyat na ko ng hagdan ng may napansin akong nakaupo sa isa sa mga upuan malapit sa bintana..

Medyo nakatalikod sya sakin.. Si Anika ata.. Akala ko walang tao ahh.. Kaya binati ko muna yung nakaupo..

"Anika! Asan sila? Bat wala atang mga tambay ngayon?" 

Di sya nagsalita..

Tumayo lang sya..

Tapos may mahinang boses na galing sa kanya..

"Tulungan mo ko.." 

"Haaa? Okay ka lang ba?" Bumaba ako ng hagdan para lumapit..

Pero biglang may pamilyar na boses ang tumawag sakin..

"Tin! Huii.. Ginagawa mo dyan?" 

Napalingon ako si Pau pala.. 

"Pau, pupuntahan ko lang si Anika sa.." paglingon ko wala na sya.. 

"Haa? Sino? Wala naman ahh? Tsaka si Anika nasa taas na.." sabi ni Pau 

"Weeh? Kanina lang ehh andyan.. Hmm niloloko nyo ba ko?" 

"Shunga bat naman? Halika na dito!! Maabutan ka pa ni Ate Dina (isa sa mga nakatira sa dorm) dyan! Masisira yung surprise!" 

"Ngayon ba birthday nya?" tanong ko pa.. 

"Oo kaya nga umakyat ka na dito!!" hinila na ko ni Pau.. 

Napalingon na lang ako sa may bintana kung san ko nakita yung babae pero bakanteng upuan na lang talaga ang nandun..

Dun Sa AcaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon