Chapter 16
Kylie's POV
Sobrang laki talaga ng University na 'to. Halatang puro mayayaman lang ang pumapasok dito. Maswerte nga si Kieran dahil dito siya pinagaaral ni Mr. Tan. Kaya sana naman pag-butihan niya. Sayang din kasi kung hindi niya pagbubutihan. Graduating pa siya.
Magkasabay kaming naglalakad ni Darrel habang nililibot namin ang malawak na University na 'to. Feeling ko parang boyfriend ko na siya. Hahaha! Biro lang. Friends lang kami ni Darrel.
"Darrel."
"Mmm?"
"Feeling ko nasa isang park tayo sa sobrang lawak at laki ng ispasyo ng University na 'to."
"Haha. Laki noh? Tara dun tayo." sabi niya sabay hila sa'kin.
Ipinaliwanag niya sa'kin yung meaning ng EU, kung sino yung founder. Basta marami pa syang tinuro sa'kin. Tapos ipinakita niya sa'kin yung room niya daw dati.
Grabe yung room oh! Parang sinehan sa sobrang laki. Pinakita niya din sa'kin kung saan siya madalas tumambay. Pero mas gusto niya daw tumambay sa clinic! Hahaha.
"Mag share ka din sa'kin about sa college life mo." sabi niya. Luh? Wala akong maisheshare sakanya. Hindi naman ako nag college eh.
"Kung meron lang eh, bakit hindi? Highschool lang ang natapos ko." mahina kong sabi. Kanina nakangiti siya pero ngayon napaltan ng seryosong mukha.
"Gusto mong mag-aral ulit?"
"Syempre gusto ko. Sino ba namang may ayaw na makapag-aral ulit di ba?"
Hinawakan niya yung kamay ko.
"Don't worry, tutulungan kita." seryoso ba siya? Nakakahiya naman. Baka sabihin ng iba, inaabuso ko ang kabaitan ni Darrel.
"Wag na Darrel."
"Akala ko ba gusto mo? Kylie, para din yun sa future mo. Hayaan mong tulungan kita. Wala naman akong hinihinging kapalit." Tapos nginitian niya ako.
Bakit ba kasi ang bait ng lalakeng 'to? Sayang din naman kasi kung tatanggihan ko di ba?
"Ngayon palang Darrel, nagpapasalamat na'ko sa lahat ng mga tulong na binibigay mo."
Kung matuloy nga ako sa pag-aaral na 'to, alam kong magiging masaya ang pamilya ko para sa'kin.
"Basta para sa'yo, walang kaso sa'kin yun." Nginitian ko siya ng malaki. Nagulat ako ng bigla niya akong hatakin papalapit sakanya at niyakap ako.
Kumalas din siya agad. Siguro mga 5 seconds lang yung yakap niya. Oo, binilang ko talaga! Hahaha.
"Tara na!" sabi niya sabay hila nanaman sa'kin.
Tinour niya 'ko ulit. Ipinakilala sa mga dating Professors niya. Basta! Ipinakilala niya 'ko sa lahat ng mga kakilala niya dito.
"Kylie, hintayin mo'ko dito. May itatanong lang ako kay Mrs. Cai." Tumango lang ako.
Habang hinihintay ko si Darrel. Lumapit ako dun sa Bulletin Board at tinignan yung mga nakalagay dun.
-ECHEVERRÍA UNIVERSITY-
Quote of the Day: "You cannot judge people because they sin differently than you."
Student Council Members:
Executive Mayor: Kieran Wyatt
Executive Vice Mayor: Ochoa Set
Executive Secretary: Julia Baon
Executive Historian: Karla PeñanoHeadlines:
August 16, 2013 |
Black Star won over BoB.
Most Valuable Player of EU: Kieran Tan WyattExecutive Mayor?
Most Valuable Player?
"Famous yan." sabi ni Darrel na ngayon ay katabi ko na. Napatingin ako sakanya.
"Famous? Marami siguro yang fan-girls dito ano?" tanong ko.
"Yeah, super dami nyang fan-girls pero ni isa sakanila wala syang pinapansin. Isa pa kung bakit maraming mga babae ang nagkakagusto sakanya, kasi matalino siya at magaling sa basketball." Wow. Edi siya na!
After namin mag-ikot, sinabi ko sakanya na masakit na yung paa ko kakalakad. Niyaya ko na syang umuwi pero kumain daw muna kami. Libre niya ulit. Hihi.
Pumunta na kami sa parking lot ng University. Nasa likod niya 'ko dahil mabagal akong maglakad. Haha. Tapos hindi ko alam kung bakit siya huminto sa paglalakad kaya nauntog lang naman ako sa likod niya.
"Huy, Darrel?" kinulbit ko siya. Hindi pa din siya kumikilos. Luh? Bakit ba?
Napatingin ako sa lalakeng nasa harapan niya ngayon.
Siya.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With An Idiot (Major Editing)
JugendliteraturYou're weird, obnoxious, crazy and a complete idiot. but you know what? I still love you. Kieran and Kylie's story. ❤