Couple Everywhere Part 2
Kamille's POV
"Malaki ang tiwala ko sa'yo Baby. Alam kong good girl ka."
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Kuya kanina. Nako, paano na lang kung nalaman niya 'to? Baka magalit sa'kin si Kuya Ken. Lagot ako dun panigurado.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung magagalit ako sa ginawa niya o pasasalamatan ko siya dahi ginawa niya lang naman ito para hindi ako makita nila Christine. Alam kong sa mga oras na 'to, hinding hindi ako mapapansin nila Dylan dahil ulo lang ni Aldrich ang makikita nila.
Bigla rin akong may naalala dahil sa nangyari ngayon..
*FLASHBACK
"Siguro napopogian ka sa'kin?" sabi niya saka ako nilapitan. "Crush mo ko no?" at saka niya ako tinitigan sa mata. Napatingin na din tuloy ako sa mata niya at halos maduling na ko sa sobrang lapit niya sa mukha ko.
Ilang segundo din kami nagkatitigan..
*dudug dugdug* Errol bakit ka ba ganyan?
*EEEEEEEEKKKKKKK*
"Ay sorry!" sabi niya sakin saka umayos ng upo, "Manong!"
"Sorry! Bigla kasi tumawid yung bata eh!" medyo napataas naman ang boses ni manong na siguro ay dahil na din sa gulat.
At ako, ito, namumula pa lalo. Pakiramdam ko uminit yung mukha ko. Natulala lang ako sandali, dahil naramdaman ko ang labi niya na dumaplis sa pisngi ko noong biglang nag-preno ang sasakyan. Gusto kong sumigaw sa mga oras na 'to. Gusto kong ngumiti, pero pinigilan ko. Dahil ayokong mahalata niya..
"To talagang si manong oh. Kams joke lang yung kanina ah. Alam ko namang di mo ko crush. Hahaha. " sabi ni Errol sakin saka pinikit ang mga mata niya.
*END OF FLASHBACK
Nangyari na 'to minsan sa'min ni Errol, pero hindi ganito katagal dahil daplis lang 'yun. At ito, talagang intensyong nagawa. Iyon kasing sa'min ni Errol ay hindi naman sinasadya.
Bigla naman akong binulungan ni Aldrich, "N-Nakalayo na s-sila."
Maiinis na sana ako pero bigla akong napangiti dahil sa pagpipigil ko ng tawa. Bakit siya nauutal? Pagkatapos niya rin umayos ng tayo ay napansin kong nakatingin sa amin ang mga babae doon sa boutique at halatang kinikilig sila dahil nagtutulakan pa sila at naririnig ko ang mahinang pagtili nila.
Kung sa bagay, hindi lang naman sila ang nakakaramdam noon dahil pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko ngayon. Ngayon lang kasi talaga may nag-kiss sa pisngi ko, bukod sa mga kamag-anak ko.
Inakbayan naman ako ni Aldrich na parang walang nangyari at saka kami lumabas doon sa stall na 'yun.
"Hoo! First kiss ko yun!" Malakas na sabi ni Aldrich pero hindi naman siya sumigaw.
Napatungo na lang ako dahil pareho pala kami, kahit na sa cheeks lang yun ay pakiramdam ko, iyon din ang first kiss ko.
"S-Sorry ah. K-Kailangan ko gawin yun para hindi ka nila makita." Sabi naman niya ng nakatingin sa'kin pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
Bigla naman akong napangiti dahil sa pagpipigil ko ng tawa. Nauutal siya, nauutal siya! Hahaha. Pero imbis na matawa ay nagsungit-sungitan pa 'ko.
"Hoy ikaw ah!" Sabi ko sabay baling sa kanya, "First kiss ko rin kaya yon!" Dinuduro duro ko pa siya at halatang nagulat din siya sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Teen FictionAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)