(A/N: Paki-play po ng song na Gitara by Parokya ni Edgar para mas dama. Salamat!)
-------------
Bakit pa kailangang magbihis? Sayang rin naman ang porma~
Nakatingin siya sa repleksyon na kaniyang nakikita sa salamin.
Isang makisig na binata, na nakasuot ng polong kulay asul na ang mga manggas ay aabot sa palapulsuhan nito, ang kaniyang nasilayan.
Isang ngiti ang ibinigay nito sa kan'ya.
Tinungo n'ya ang daan papunta sa tahanan ng kan'yang nililigawan. Mahigpit niyang hinawakan ang rosas na kan'yang dala at kasabay nito ay ang puso niyang kumakabog ng malakas dala ng kaba.
Gumuhit ang isang napakatamis na ngiti sa kan'yang mapupulang labi nang masilayan si Maria, ang nilalaman ng puso n'ya.
Lagi lang namang may sisingit sa tuwing tayo'y magkasama~
Ang mga mata nila'y nagtama.
At ang silakbo ng kanilang puso'y tila ba iisa.
Napatigil s'ya sa paglalakad.
Nalipat ang kaniyang paningin sa isang lalaking kabababa lamang sa sasakyang naglulan dito.Agad nitong binigyan ng yakap ang babae na masuyong ginantihan naman ng huli.
Bakit pa kailangan ng rosas? Kung marami namang nag-aalay sa'yo~
Mataman n'yang pinagmasdan ang dalawa. Iniabot ng lalaki ang isang palumpon ng mga rosas sa babae at binigyan ito ng halik sa pisngi.
Bigla s'yang nanliit. Pakiramdam n'ya ay isa lamang s'yang langgam na kahit kailan ay hindi mapapansin nino man. Kahit pa ng babaeng kan'yang minamahal.
Dumako ang kan'yang tingin sa isang pirasong rosas na kan'yang hawak. Napailing na lamang s'ya at itinapon sa isang tabi ang kawawang pulang rosas.
Uupo nalang at aawit. Maghihintay ng pagkakataon~
Sinimulan n'yang maglakad patungo sa lugar na tahimik, kung saan makakapag-isip s'ya.
Hahayaan nalang silang magkandarapa na manligaw sa'yo~
Naupo s'ya sa ilalim ng malaking puno.
Umihip ang malakas na hangin na naging sanhi ng pagkalaglag ng ilang dahon mula sa puno.
May kulay pula, dilaw, at luntian.
Tila ba isang sining ang pagkahulog ng mga ito.
At kung isasatao ang mga pangyayari, parang katulad ito ng storya niya.
Si Maria-ang hangin na dumating sa kan'yang buhay kaya't heto s'ya ngayon, nahulog. Nahulog sa kan'ya. At tila ba sining ang nagawa ng hangin na iyon, gaya ng isang pagmamahal. Pero ang pagkakaiba lamang, nasaktan s'ya, nang siya'y nahulog.
Napayuko s'ya at pumikit.
Dinadama ang ihip ng malamig na hangin. Kasing lamig ng meron sa kanila ni Maria. Kung mayroon nga.
Bigla s'yang nakarinig ng pagkabasag ng isang bagay. Mas dumiin ang kan'yang pagkakapikit.
Dahil alam n'ya, na ang bagay na pinagmulan ng tunog na iyon ay ang kan'yang puso.
BINABASA MO ANG
Gitara (One Shot)
Short StoryA boy who lost hope of having his one and only love. But little did he know, she loves him too. She was just waiting for him to do the first move. OneShotSeries #1