Chapter 2

81 6 0
                                    

Chapter 2:

“Tammy halika na. Samahan mo na ako.”

“Pero Ja ayoko—Ikaw na lang.”

Wala ring nagawa ang protesta ko. Hinila na ako ni Jaja palapit sa table nong sinasabi nyang Jason Dylan.

Grabe talaga itong si Jaja. Kahit kelan  hindi marunong makinig. Basta gusto nya ipipilit nya.

Hindi ko naman magawang magalit sa kanya. O mas tamang sabihing hindi ko kayang magalit sa kanya. Para ko ng kapatid si Jaja. Nakikita ko si Lyka sa kanya. Makulit. Madaldal. At namimiss ko na ang kapatid ko. Namimiss ko na silang lahat.

“Hello.” Nakatayo kami sa harapan nong lalaki. Mukha syang suplado sa malapitan. Hindi sya nangiti. Kinabahan tuloy ako, baka kase magalit sya dahil inaabala namin sya sa pagkain.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Jaja sa kamay ko ng wala man lang reaksyon yong lalaki. Seryoso lang syang nakatingin sa amin. Parang sinusuri nya kami sa kanyang mga tingin. Nakakapaso.

“Ja halika na. Pasensya na sa istorbo.” Bahagya akong yumuko bilang paghingi ng dispensa sa lalaki saka hinila si Jaja. Pero matigas si Jaja. Hindi sya gumalaw.

“Hello. Taga-St. Luke ako. Pasensya na sa abala, fan mo kase ako. Pwede bang magpapicture? Ang galing galing mo kaseng magbasketball. Actually gustong-gusto ko ang school nyo. Nga pala, bakit hindi mo kasama ang buong team? Mag-isa ka lang ba dito?”

Umandar na naman ang pagiging taklesa ni Jaja. Hindi nya nahahalatang hindi interesado ang kaharap. Suplado talaga. Unti-unti akong nakaramdam ng inis. Hindi man lang ba sya magsasalita? Nakakahiya sa mga nakakakita. Pinagtitinginan na kami.

“Pasensya ka na dito sa kaibigan ko. Ganyan lang talaga sya.” Humarap ako kay Jaja saka sya nilakihan ng mata. Muli kong hinila ang mga kamay kong hawak nya pero ayaw nya talagang bitiwan. Nadala sya ng tumalikod ako.

“Kung gusto mo sa St. Jhon bakit sa St. Luke ka nag-aaral?” Pareho kaming napatigil ng marinig ang boses na yon. Ang swabe ng boses nya.

“Ano kase----sa St. Luke kase nag-aaral  yong taong mahal ko kaya don din ako nag-aaral. Pero promise, dream school ko ang school mo. Hindi ako nagsisinungaling.”

Kung meron man akong ugali ni Jaja na gustong-gusto, iyon ay ang pagiging prangka. Hindi sya manloloko ng tao magustuhan lang sya nito. Hindi sya marunong magsinungaling. Totoong tao sya. Childish nga lang talaga.

Napansin kong ngumiti ang lalaking kaharap namin ng itaas ni Jaja ang kanyang kanang kamay. Sa wakas, nakalaya rin ang aking mga kamay.

Pero bakit ganon? Parang ang laking bagay sa akin ng ngiting yon? Hindi kaya sya iyong Jason Dylan na kilala ko noong bata pa ako?

“Pwede ng magpapicture?” Nasa boses ni Jaja ang pagmamakaawa.

“Sure.”

Inabot ko ang cellphone ni Jaja. Tumayo naman yong lalaki. At pareho kaming nagulat ng akbayan sya nito. Anlaki ng ngiti ni Jaja sa picture.

Nagmukhang unano si Jaja. Matangkad pala sya. Basketball player nga pala.

“Thank you Jason.”

“Your welcome. What’s your name pala?”

“Jaja.”

“Hi Jaja. Your friend?” Bigla akong natigilan ng makita ko syang nakatingin sa akin. Nakikilala nya kaya ako?

“She’s Tammy.”

“Hello. Nice meeting you guys.”

Gusto ko sanang sabihin ang buo kong pangalan pero nahihiya ako. Saka nasabi na ni Jaja na Tammy ang pangalan ko. Baka isipin pa nya may gusto ako sa kanya. Gusto ko lang naman malaman kong makikilala nya ako.

Please Be Careful with My Heart  (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon