Chapter 3

70 5 0
                                    

Chapter 3:

Naramdaman kong may mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko. Pagdilat ng aking mga mata, nakita ko  si Jaja. Binti nya ang nasa tiyan ko.

Pano napunta si Jaja sa kama ko? Pano sya napunta sa kwarto ko? Samantalang kagabi mag-isa lang ako dito. Marahil naglakad na naman sya ng tulog.

Maingat akong bumangon upang hindi magising si Jaja. Hapon pa ang klase nya kaya hahayaan ko syang matulog ng matagal.

Pagharap ko sa salamin agad kong napansin ang nangingitim na bahagi ng aking mata. Late na ko nakatulog kagabi. At tulad ng dati, nanaginip na naman ako.

Hay! Hanggang kelan ba ako magiging ganito?

Pati panaginip hindi na ako tinantanan.

Nagtungo ako sa kusina para magluto ng pagkain namin. Nagluluto na ko ng marami para pagdating ng gabi, iinitin na lang.

Pagkatapos magluto, naligo na ako. Mahimbing pa rin ang tulog ni Jaja. Nakakatuwa syang pagmasdan. Para syang sanggol. Ang inosente ng kanyang mukha. Medyo nakaawang pa ang kanyang labi.

“Ja?” Marahan ko syang tinapik sa braso. Ginigising ko sya bago ako pumasok, para sabay na rin kaming mag-almusal.

“Hmmm.”

“Gising na. Kakain na tayo.” Nagdilat sya ng mata. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Napahiga tuloy ako sa kama.

“Waaah! Tam ang ganda ng panaginip ko.”

“Ja ano ka ba. Magugusot ang uniform ko.” Bumangon  ako saka inayos ang suot kong uniform. Buti na lang hindi nagusot.

“Napanaginipan kita saka si crush. Kinikilig ako. Nagdidate daw kayo sa tabing dagat. Nakaharap kayo sa sunset. Ang romantic. Kinikilig talaga ako Tammy. Nagyon ko lang napansin. Bagay pala kayo.”

Tama ba ang dinig ko?

Tabing-dagat?

Tiningnan ko si Jaja. Mukhang nagsasabi naman sya ng totoo. Hindi maalis-alis ang ngiti sa kanyang mga labi habang yakap  ang kanyang paboritong stuff toy. Si Pooh.

Kung alam lang nyang malaking parte ng buhay ko ang dagat  at sunset noong bata pa ako.

Hindi ko na lang pinakinggan ang mga sinasabi pa ni Jaja. Panaginip lang naman yon. Hindi yon totoo. Baka nga kabaligtaran pa yon. Tama, kabaligtaran nga. Pano naman kami magdidate sa tabing dagat ni Jason? Hindi naman kami close. Saka---AHH BASTA!

Bakit ba iniisip ko pa yon? Panaginip lang naman yon.

“Bumangon ka na dyan. Hintayin na lang kita sa kusina.”

“Anong pagkain?”

“Nagsangag ako ng kaning lamig. Pritong daing na may kamatis. Nilagang kamote na may niyog. Saka mainit na kape. Saka inihaw na tulingan para mamayang pananghalian.”

Halos madapa si Jaja sa bilis ng kanyang pagtakbo papunta sa kanyang kwarto. Pano, paborito nya ang mga binanggit ko. Pagdating sa pagkain, magkasundong magkasundo kami ni Jaja. Hindi sya mapili kahit anak mayaman.

“Anong oras ka uuwi bukas?” Tanong ko habang kumakain kami ng almusal. Umuuwi si Jaja sa mga magulang nya tuwing weekends.

“Hindi ko pa sigurado.” Nabitin sa ere ang tangka kong pagsubo saka tumingin kay Jaja. Nasa pagkain ang kanyang buong atensyon .

“Bakit?”

“May practice ng soccer si Nike bukas. Manonood ako.”

“Uunahin mo pa ba ang Nike na yon kesa ang makita ang mga magulang mo?”

Please Be Careful with My Heart  (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon