Chapter 4

68 5 0
                                    

Chapter 4:

“Uy Tam. Madaya ka. Bakit hindi ka nagkukwento?” Pasimpleng tumabi saken si Jen. Hinanap ng mga mata ko kung nakatingin sa amin ang guard na nasa loob ng selling area. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong busy sya.

“Anong ikukwento ko?” Sagot ko na hindi tumitingin kay Jen.

Kasamahan kong kahera si Jen pero sa ibang station sya nakaduty. Inshort bawal sya sa pwesto ko. Kapag nahuli sya ng Officer in Charge na hindi dito ang pwesto nya, tiyak mapapagalitan sya.

“Ikaw ha. Magkakilala pala kayo nong bagong salesman. Nagtatampo na ko. Wala ka man lang nababanggit.” Wala naman sa boses ni Jen na nagtatampo sya. Malamang gusto lang nya akong tudyuin kay Jason. Since si Jason lang naman ang bagong salesman sa branch namin.

“Wala naman akong dapat ikwento. Bumalik ka na nga sa pwesto mo. Mamaya makita pa tayo ng OIC pareho pa tayong mapagalitan.”

“Mamaya na. Nga pala Tam, sama ka mamaya ha?”

“Saan?”

“Nakalimutan mo na ba? Birthday ni Marky ngayon. Maghahanda daw si Tanga.”

“Hindi naman ako sumama sa mga lakad nyo eh. Isa pa hindi ako umiinom. Kayo na lang.”

“Ang KJ mo talaga. Dali na. Sumama ka na.”

“Maa-out of place lang ako don.”

“Gaga. Kasama mo kaya ako.”

“Kaya nga eh. Kapag kasama ka, lalo lang akong maa-out of place. Ang lakas mo kayang uminom. Saka Jen, hindi talaga pwede. Walang kasama si Jaja sa bahay.”

“Yong totoo? Ikaw ba ang nanay ni Jaja? Malaki na yon no. Alagain pa ba? Marunong na ngang lumandi ang isang yon. Sige na Tam, kapag hindi ka sumama talagang magtatampo na ako sa’yo. Lagi ka na lang ganyan.”

This time naramdaman kong seryoso na si Jen. Mukhang magtatampo pa nga ata sa akin. Matagal ko na silang kaibigan nina Marky, pero kahit minsan hindi pa ako sumama sa mga lakad nila, lalo na kung inuman. Ayokong mainvolved sa alak.

Inaamin ko, umiinom din ako ng alak pero noon iyon. Hindi na ngayon. Hangga’t maaari  ayokong nakakakita ng alak.

“Tam ano?”

“Sige na nga. Pero saglit na saglit lang ako don ha?”

“Wala ng bawian yan ha!”

“Excuse me. Sam makikiabot naman ng pricelist ng Sony Cybershot.”

Kitang-kita ko kung paano titigan ni Jen si Jason. Ang lagkit ng kanyang mga titig. Kung walang boyfriend si Jen, iisipin kong may gusto sya kay Jason.

“Hi Jason!”

“Hi!”

“Sama ka samen mamaya.” Hindi sumagot si Jason. Nakatingin lang sya kay Jen. “Ano—birthday kase ni Marky. Yong malaking mamang yon oh.” Tinuro ni Jen ang nakatalikod na si Marky. Kasalukuyan itong may kausap na customer. “Kasama si Tammy.”

Napalunok ako ng biglang bumaling sa akin ang tingin ni Jason. Bakit sinabi pa ni Jen na kasama ako? As is naman sasama sya –

“Sige!”

Teka? Tama ba ang narinig ko? Pumayag sya? Sasama din sya mamaya?

“Okey. Hintayan na lang mamaya sa labas.” Tumango si Jason saka tumalikod. Dala nya ang folder ng Sony.

“Jen naman. Bakit kailangan pang sabihin na kasama ako?”

“Nakaka-intimidate kase ang kagwapuhan ng lolo mo. Tingnan mo nga kanina, halos malulon ko na ang dila ko. Natameme ang beauty ko don Day. Ang suplado ng aura nya.”

Please Be Careful with My Heart  (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon