Chapter 6:
“Pano ngayon yan?”
Nakayukyok na si Jason sa lamesa at hindi gumagalaw. Nakatulog na ata. Sinubukan ko syang gisingin sa pamamagitan ng pagyugyog pero wala ring epekto.
“Ihahatid na lang namin kayo pauwi. Teka—hindi ko pala alam kung saan nakatira itong si Jason.” Napakamot si Rod sa kanyang ulo. Tinulungan ako ni Jen sa pag gising kay Jason pero ganon pa rin.
“Kapitbahay ko sya.”
“Yon naman pala eh. Ihahatid na namin kayo.”
“Nilasing nyo kase.”
“Anong nilasing, mahina lang talaga uminom ang mokong na ’to.”
“Ang sabihin mo malalakas lang talaga kayong uminom. Si Jason pa sinabihan mong mahina.”
“Uy si Aling Samantha concern kay Manong Jason. Pag-ibig na ba yan?” tinusok-tusok ako ni Rod sa tagiliran.
“Tigilan mo nga ako Rod. Kung ano-ano pinagsasabi mo. Lasing ka na rin.”
“Ako lasing? Hindi ah. Nakainom pa oo. Di ba Loves?” Inakbayan ni Rod si Jen at tangkang hahalikan pero mabilis na nakaiwas si Jen.
Tumingin ako sa paligid, buti na lang busy ang lahat at mga lasing na rin. Walang nakapansin sa dalawa. Sa trabaho kase namin, mahigpit na pinagbabawal ang magkakarelasyon. Ewan ko nga kung saan nanggaling ang isyu na may relasyon kami ni Rod.
“Buksan mo Love.”
“Sandali. Nagmamadali?”
“Ang bigat ni Manong Jason eh.”
Pagkabukas ni Jen ng gate pumasok na kami sa loob. Dalawa kami ni Rod na umaalalay kay Jason. Ang sakit na nga ng braso ko. Hindi biro ang bigat ng lalaking ito.
“Sa kabila.” Tumapat kami sa kabilang bahay. Pagpihit ni Rod sa seradura, nakalock.
“Susi?”
“Baka nasa bag nya.”
“Sandali lang ha.” Si Jen ang may dala ng bag ni Jason kaya sya na rin ang naghanap ng susi. “Alin ba dito? Ang daming susi nito.” Tinaas ni Jen ang isang bungkos ng susi.
Ang daming susi naman non. Para saan yong ganon kadaming susi? Sa dami pa lang non, parang gusto ko ng panghinaan ng loob.
Wala kaming choice kundi ang subukan ang lahat ng susi. Pero natry na lahat hindi pa rin nabukas ang pinto. Parang gusto ko ng maiyak. Inaantok na rin ako. Lalo na siguro itong mga kasama ko, nakainom pa naman.
“Pano na?” nanghihinang tanong ni Jen. Naupo na sya sa semento. Naawa naman ako. Sigurong gusto na rin nilang magpahinga.
“Dito na lang sa kabila.”
“Sigurado ka?” -Rod
“Kesa naman magdamag tayong andito. Para makauwi na rin kayo. Madaling araw na rin eh.”
“Pano ka?”
“Tatabi na lang ako kay Jaja.”
Pumasok kami sa gitnang bahay. Tinulungan ko si Rod na iakyat sa kwarto ko si Jason. Pero natagpuan namin si Jaja na himbing na himbing sa kama ko. Jaja talaga. Sa kwarto ko na naman natulog.
“Gigisingin ko ba?” tumango ako bilang sagot sa tanong ni Jen.
Pupungas pungas na nagising si Jaja. Nakatitig sya sa aming apat, at para syang nakita ng multo.
“Good morning. Hehe.” –Jen
Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa aming apat, at maya-maya biglang nanlaki ang mga mata nya.

BINABASA MO ANG
Please Be Careful with My Heart (Revised)
General FictionOh huwag ng magtaka. Hindi ito Book 2, eto pa rin iyong original ng Please Be Careful with My Heart. Nirevised ko lang po para masaya. Marami pong bago dito. Kaya I suggest basahin nyo pa rin. Thank You. Partey-Partey :)