Chapter 8

55 5 0
                                    

Chapter 8:

Hindi pumasok si Sam sa trabaho. Tinanong ko si Jen pero wala akong nakuhang sagot. Puro panunukso lang  ang inabot ko. Gusto ko pa naman sana syang makausap tungkol sa nangyari kagabi. Hindi halos ako nakatulog, sya ang laman ng isip ko. And it’s bothering me.

Nasa labas na ako ng gate pero hindi ko magawang pumasok. Maliwanag ang buong bakuran nina Mamu. Natatanaw ko mula sa labas ang nagkalat na mga mesa at upuan. Marami ring tao sa loob. Mukhang may kasiyahan pa ata.

“Hey crush. Andito ka na pala.”

Nakita ko si Jaja na naglalakad palapit sa pwesto ko. May dala syang pagkain. Bago tuluyang makalapit sa akin, binaba nya ang pagkain sa mesang kanyang nadaanan.

“Anong meron?”

“Anniversary nina Mamu. Tara sa loob.”

“Si Sam? Hindi sya pumasok sa trabaho eh.”

“Ay nasa loob. Chef sya ngayon. Hahaha. Halika na. Sabay na tayong kumain, hindi pa rin ako kumakain eh.”

Nasalubong namin si Mamu at Papu. Binati ko sila. Wala man lang akong regalo. Hindi ko kase alam na anniversary pala nila ngayon. Kaya pala hindi pumasok si Sam.

“Ja kumain ka na muna. Ako na ang bahalang mag-asikaso sa labas.” Isang babaeng nasa mid-thirties ang lumapit sa amin ni Jaja.

“Ate Rose si Jason po. Siya yong nakatira sa pangatlong pinto.”

“Ay akala ko boyfriend mo. Hehe. Ang gwapo mo naman Iho.”

“Salamat po.”

“Anak sya nina Mamu.”

“Pinakamagandang anak. Hahaha!”

“Paano nag-iisa ka lang namang babae sa mga anak nina Mamu kaya ikaw ang nag-iisang bulaklak. Hahaha.” Hindi ko maiwasang matawa sa makulit na usapan ni Jaja at Ate Rose. Nakakatuwang kausap si Ate Rose. Masyado syang palabiro.

“O sya kumain na muna kayong dalawa. Saan nyo gusto, sa labas o dito sa loob?”

“Dito na lang Te. Maingay sa labas. Nagkakasarapan na ang huntahan ng mga tanders eh. Hahaha.”

“Hahaha. Tama ka dyan. Mamaya lang bagsak na ang mga yon. Maiwan ko na muna kayo dyan. Ja ikaw na ang bahala.”

“Don’t worry Te Rose. Yakang-yaka ko na ‘to.”

“Kain na tayo?”

“Sige.”

Sumunod ako kay Jaja. Inabutan nya ako ng plato saka kami lumapit sa mga pagkain. Maraming putahe ang nakalatag sa mesa pero ang mas nakaagaw sa aking pansin ay ang espasol. Agad akong kumuha.

“Favorite mo yan?”

“Malapit na. Masarap kase. Natikman ko ito nong birthday ng katrabaho namin.”

“Ah talaga? Si Tammy gumawa nyan. Specialty nya yan.”

“Sya lahat nagluto ng lahat ng ito?”

“Katulong naman nya si Ate Rose at Kuya Rick.”

“Sino yon?”

“Anak din nina Mamu.”

“Ah! Marami bang anak sina Mamu?”

“Lima. Tatlo ang nasa ibang bansa. Si Ate Rose at Kuya Rick lang ang andito.”

Naupo na kami ni Jaja. Marami ring bata sa loob ng bahay nina Mamu. Mga anak marahil ng kanilang mga bisita. May naglalaro ng baril-barilan, taguan, at meron ring nanonood ng tv. Isang batang babae ang lumapit kay Jaja.

“Ate Ja where’s Ate Tam-Tam?” Napatingin ako kay Jaja. Hindi ko kilala kung sino ang tinatanong ng bata. “Si Tammy.” Mukhang nagets naman kagad ako ni Jaja. “Anak ito ni Ate Rose. Si Mara.”

“Hello!” bati ko sa bata. Ang cute nya kase. Mahaba ang kanyang kulot na buhok, ganon kay Goldilocks. Pero nagtago sya sa likuran ni Jaja.

“Hala si Mara may crush kay Kuya Jason.” Natawa ako sa tinuran ni Jaja. Pero si Mara lalong nagtago sa likuran nya. At hinihila na rin nito ang damit ni Jaja.

“Nasa kitchen si Ate Tam-Tam baby. Go there.”

Pagkasabi ni Jaja mabilis na tumakbo si Mara patungo sa kusina. At ilang sandali lang sabay silang lumabas ni Sam ng kusina. Nakahawak si Mara sa kamay ni Sam.

Napakasimple ng suot na damit ni Sam pero parang mas lalo syang gumanda. Wala syang suot na salamin sa mata, at nakatali rin ang kanyang mahabang buhok. Nagkasalubong ang aming mga mata. Hindi ko inaasahang ngingiti sya sa akin.

“Anong kinukulit sa’yo ni Mara?”

“Nagpapatulong. Maglalaro daw sya ng Wii.” Napabaling ang tingin ko kay Mara pero tulad kanina nagtago na naman sya.

“May Wii ba sina Mamu?”

“May dala daw ang Papa nya. Hindi naman ako marunong non.”

“Sige ako na lang. Let’s go Mara?”

“Ja hindi ka pa tapos kumain.”

“Mamaya na lang.”

Nagtungo si Jaja sa sala kasama si Mara. Naiwan kaming dalawa ni Sam. Biglang tumahimik ang paligid. Nakatingin sa akin si Sam. Hindi naman sya mukhang galit. Pero bakit kagabi nagalit sya sa akin?

“Gusto mo pa? Marami pang espasol sa loob.” Tumango ako, at kasabay non bigla syang nawala sa harapan ko. Ilang segundo lang bumalik sya na may dala-dalang espasol.

“Salamat.”

“Kain ka lang ng kain. Marami pang pagkain.”

“Hindi ko alam magaling ka palang magluto.”

“Hindi naman magaling, marunong lang. Namana ko sa Papa ko.” Napansin kong biglang nagbago ang tono ng beses nya. Ewan ko pero parang naging malungkot.

“Ikaw, kumain ka na ba?”

“Busog na ko kakatikim habang nagluluto.”

“Pero kailangan mo pa ring kumain. Ikukuha kita.” Tumayo ako upang kumuha ng pagkain nya, hindi ko alam nasa likuran ko lang pala sya.

“Ako na lang.” Kinuha nya ang platong hawak ko.

“Nga pala about kagabi, sorry. Hindi ko gustong magalit ka sa akin.” Napatigil sya sa paglalagay ng pagkain sa plato at tumingin sa akin.

“Bakit ka nagsosorry?”

“I felt guilty about last night.”

“Ano ka ba. Ako nga ang dapat magsorry sa’yo dahil sinungitan kita. Sorry ha. May sometimes lang talaga ko minsan. Pati tuloy ikaw nadamay.”

“Anong sometimes?”

“Topak. Hehe!”

“Ahh, sometimes pala yon. Pero sorry pa rin. Sana hindi ka na galit sa akin.”

“Ano ka ba, syempre hindi no.”

“So bati na tayo?”

“Magkaaway ba tayo?”

“Hahaha!”

“EHHEEEEM!”

Pareho kaming natigilan ng marinig namin ang boses ni Jaja. Paglingon ko lahat sila nakatingin sa amin ni Samantha. Bakit? Anong meron?

“EHHEEM ULET!”

“Tubig Ja gusto mo?” Alok ni Sam.

“Hindi na. May bumara lang sa lalamunan ko. O mga bata, tara ng maglaro.”

Muli kaming naupo sa mesa at kumain. Wala ng nagsasalita sa aming dalawa. Okey lang kahit tahimik, ang mahalaga okey na kaming dalawa. Lalo na nakikita ko syang nakangiti.  

Kahit hindi sya magsalita, basta andyan lang sya sa tabi ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Masyado akong apektado ng nangyari sa amin kagabi. Nag-aalala ako sa kanya. Gusto ko lagi syang nakikita. Gusto ko syang kausap.

Gusto ko na ba sya?

Please Be Careful with My Heart  (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon