Chapter 9

65 5 0
                                    

Chapter 9:

SAM’s POV

“Good morning Tammy!”

“Good morning Ja!”

“Aga mo ata nagising. Day-off mo di ba?”

“Oo. Hindi na ko makatulog eh.”

“Huwag mo kase masyadong isipin. Gusto ka rin non.”

“Ha? Ano?”

“Wala. Sabi ko ang ganda ganda mo talaga. Hehe. What’s for breakfast?” Lumapit sa table si Jaja at isa-isang tinanggal ang mga platong nakatakip sa mga pagkain. “After shock ito ng mga handa kahapon ah.”

“Marami kaseng natira. Sayang naman baka masira lang.”

“Maraming nagugutom sa Pilipinas.” Halos sabay naming bigkasin. Nagkatawanan na lang kami saka naupo sa mesa.

Napansin ko si Jaja na palihim na sumusulyap sa gawi ko saka ngingiti. Mukhang maganda ang gising.

“Oh bakit?” tanong ko. Ang ngiti ni Jaja hindi mabura-bura. Nakaukit na ata. Mukhang may kakaiba sa kanya ngayong umaga. Mapanukso ang kanyang mga ngiti.

“Wala lang. Ang ganda mo talaga.”

“May kailangan ka no? Ano yon? Sabihin mo na.”

“Wala akong kailangan. Gusto ko lang sabihin na maganda ka.”

“Sus! Ano nga?”

“Wala nga. Maganda ka. Yon lang. Be proud. Iyong iba nga dyan hindi naman kagandahan pero kung makaasta akala mo dyosa.”

“Hahaha. Ikaw talaga. Kumain ka na nga.”

“Totoo! Sana maappreciate mo ang sarili mo lalo na ang mga bagay bagay sa paligid. Minsan kase napapansin ko parang wala ka sa sarili mo. Para kang buhay pero patay, alam mo yon? Ngumingiti ka nga pero parang deep inside mo ang lungkot mo naman. Para kang tubig sa ilog, sumasabay lang sa agos.” Nawala ang ngiti ko ng mapansin kong seryoso si Jaja sa kanyang sinasabi. Hindi ko alam napapansin nya pala ako. Ganon ba talaga ako?

“Minsan din kung hindi pa kita tawagin hindi mo mapapansin na nasa tabi mo lang ako. Hindi ko alam pero minsan ang tingin ko sa’yo parang ang lungkot lungkot mo. Parang ang dami mong problema kahit wala naman.” Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang magsalita si Jaja.

“Matagal na tayong magkaibigan, isang taon na rin tayong magkasama sa bahay. Para na nga kitang Ate eh. Pero ewan ko ba, minsan pakiramdam ko ang layo layo mo.”

Para na akong maiiyak sa mga sinasabi ni Jaja. Sa loob ng isang taon naming magkasama sa bahay akala ko hindi nya ako napapansin. Akala ko wala ng ibang importante sa kanya kundi si Nike.

Sa tagal ng panahon naming magkasama totoo ang lahat ng pinakita ko sa kanya, iyon nga lang talagang naglagay ako ng pader sa pagitan naming dalawa. Pader na ako lang ang nakakakita. Alam kong hindi permanente si Jaja sa buhay ko, at iyon ang pinaghahandaan ko. Ayokong dumating iyong panahong aalis sya, at iiwan ako. Ayokong mag-isa. Ayokong masaktan. Hindi ko na kaya. Masyado ng maraming nangyari sa buhay ko. Tama ng sa katauhan ni Jaja, may kaibigan at kapatid ako.

“Okey ka lang Tam?” Hindi ko alam kung paano nakalapit sa akin si Jaja. Umiiyak na pala ako, at hinahagod nya ako sa likod. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko masabi. Alam kong mapagkakatiwalaan ko si Jaja. Ilang beses kong sinubukan pero hindi ko magawa.

“Okey lang ako. Ikaw kase. Pinapaiyak mo ako.” Ngumiti ako ng pilit sa kanya para hindi na sya mag-alala pa.

“Sorry! Bakit kase lumabas ang lahat ng iyon sa bibig ko. Sorry talaga Tammy. May sumapi siguro sa akin.”

Please Be Careful with My Heart  (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon