Panimula
PAULIT-ULIT na binasa ni Ezekiela ang Last Will and Testament ng Lola niya dahil hindi talaga siya makapaniwala sa mga nababasa. Sino ba naman kasing baliw ang maglalagay ng kahilingang kunin ang isang bagay sa Testament niya? Ang Lola niya, malamang! Tanging ang Lola niya lang!
"En." Mahinang tawag sa kaniya ng Lolo niya dahil ito man ay hindi makapaniwala sa narinig. En ang tawag nito sakaniya dahil ito lamang ang hinahayaan niyang paiksiin ng ganoon ang pangalan niya.
"Lolo. I can't believe this!" Inis na tili ni Ezekiela. Para lamang makuha ang pamana nito ay siya namang hirap ng kapalit.
"Alam mo naman ang Lola mo. Pero hindi lang din ako makapaniwala na hanggang ngayon ay gusto niya pa rin ang Artifact na 'yon. Hindi ko alam kung ano bang mayroon d'on. Hanggang sa kamatayan niya gusto niya pa rin. Ang mahal ko talaga. Lagi na lang akong sinurpresa."
Kung hindi lamang nakakabaliw na araw iyon ay paniguradong tutudyuin na naman niya ang Lolo niya. Ang problema hindi ito isang normal na araw lang. Naloloka na siya sa mga nangyayari. Sinisimulan niya ng kamuhian ang araw na ito.
I would really remember this day! I will make this day, a curse day.
She convinced herself, mentally. Sinisira ng Last Will and Testament na ito ang araw niya. Makikipagkita pa naman siya sa mga kaibigan niya ngunit nasira 'yon dahil sa Lola niya.
"Don't make it a biggie, sweetie. Pwede mo namang gawan ng paraan. Kung gusto mo talaga ang pamana sayo ng Lola mo." Pang-aamo ng Lolo niya pero hindi siya naamo nito. Mas nag-amok ang nararamdaman niya para sa Lola niya. Alam nitong may sentimental value ang lugar na 'yon kaya ganun na lang kalaki ang kapalit ng misyon niya.
"You're joking, Lo. Right?"
Matamang tinitigan ni Ezekiela ang matanda habang nanlalaki ang mga mata. Eh parang nagloloko naman kasi ang lolo niya dahil ngumingiti habang nagkkwento sakaniya.
Alam rin ng Lolo niya kung gaano kagusto ni Ezekiela ang pamana sa kaniya. Ang Rancho de Mercado. Nanggaling pa ito sa Papa niyang namatay nang dahil sa sakit nito. Ang mama naman niya ay namatay nang isinilang siya. May mga dalawa naman siyang pinsan, yan din ang mga kaibigan niya. Pare-parehas silang mga unica iha. Pero ang pinagkaiba nila ay buhay pa ang mga tito at tita niya.
"No, apo. Huling habilin 'yon ng Lola mo. You wouldn't let her down, would you?" Ngumiti lang ito nang bahagya at bumulong ng maiksing panalangin para sa yumao nang asawa nito.
"Eh parang ang dali dali lang ng hinigingi niyo, Lolo eh!" Napapalatak sa inis si Ezekiela. Abogado na 'to at naglalaro na sa 26 ang edad nito pero ugaling bata pa rin.
Mas lalong nairita si Ezekiela. "I'm a lawyer, Lolo. I should be a role model. Pero anong gusto niyong gawin ko? Kunin ang artifact na 'yon para lang ma-i-accomplish ang huling habilin ni Lola? Lolo naman eh! Eh di sana hindi na ko nagpakahirap sa Law School ng apat na taon kung ganito lang po gagawin ko. Pagiging manggagatso na lang sana inatupag ko! Iba na lang po ang utusan niyo!" Gulo gulo na ang buhok niya sa kakakamot nito habang iritang irita siya sa sinasabi nang Lolo niya. Na para bang mababago n'on ang gusto nang matanda.
"Iha, kung ganun na lamang din pala ay sakanila na rin mapupunta ang lupa ni Ezekiel at Anna? Mga lupa ng mga magulang mo?" Ngumingising sabi ng Lolo niya saka tumabi sa mga pictures na nasa sala. "Mahal, nagrereklamo ang mahal mong apo." Pang-inis sakaniya nito kaya agad naman siyang kinilabutan sa pananakot ng Lolo niya. Simula bata ay takot na takot siya sakaniyang Lola dahil palaging tinatakot nitong papaluin siya. Hanggang pagtanda niya yata'y nadala pa rin niya ang takot dito.
"Oo na po. Sige po!"
NAGSIMULA siyang mangalap ng impormasyon galing na rin sa mga taong nakakakilala sa mga Alejandro. Hindi madali 'yon sapagkat may mga iilan sa mga itong ayaw magbigay at nanatiling tikom ang mga bibig.
Nag-search siya sa internet tungkol sa artifact na minsang itinago sa isang hindi ganong kasikat na Museo. Tinanggal din pala 'yon kaagad sa Museo dahil sa naging mainit sa mga mata 'yon ng mga magnanakaw.
Oh gosh! Like me?
Hindi pa nila napag-uusapan ng Lolo niya kung kailangan nila balak gawin ang misyon. Kung maayos na siguro nila ang buong plano. Saka pa lamang sila kikilos.
"Senyorita. Bumaba na daw po kayo para makakain na."
Napairap na lang siya dahil na rin sa tawag sa kaniya. Ang Lola na naman niya ang nagpasimuno ng pagtawag na ganiyan. Donya ang Lola niya. At Don naman ang Lolo niya.
Pero bago pa man siya makatayo ay tumunog ang telepono sa tabi niya. Isa lang ang nakakaalam ng numero ng office niya dito. Yun ay si Ernest.
"Ernest. Anong problema?" Agarang tanong niya. Hindi naman kasi tatawag ang Secretary niya kung hindi kailangan at kung walang problema.
Uminit ang ulo niya sa narinig. Anong karapatan ng mga 'yon na humirit pa ng hearing, samantalang dehadong dehado na sila. Halata namang guilty sila. Kung hindi lamang mabait ang kliyente niya ay hindi titigilan ni Ezekiela hangga't hindi nakukulong ang binata.
Menor de Edad ang batang kliyente niya. At kabarkada daw ang naturang binata. Sa isang inuman sinubukang gahasain ang batang babae. Kaya dapat hindi na ito pinag-iisipan pa ng abogado ng kabila. Alam niyang talo na sila kaagad once na Menor de Edad ang galawin nila.
Dagdag na naman sa problema niya ito.
TINIGNAN ni Ezekiela si Ernest habang nakikipag-usap sa abogado ng kabila. Pinuntahan nila ang kabilang panig kahit sila naman ang dehado. Ayaw na rin nila kasing umabot pa sa hearing dahil mas busy pa si En sa mga 'to. Lalo na sa mga plano nila ng Lolo niya.
"You see, Atty. Mercado, the money you want us to pay was too big. My client was no doubt rich. But your idea was so absurd."
Biglang nag-init ang ulo niya sa narinig. "Are you kidding me, Atty whoever-you-are?" Irita sabi ni En dahil na rin sa hindi niya pagpansin sa secretary niya. Walang modong, abogado! "Mas alam mo kaysa sa kliyente mo na wala ng laban ang kaso. What are these all about? Sabi mo nga mayaman ang kliyente. At halata namang malaki din ang bayad mo. Niloloko mo ba sila na may laban sila?" Aabi ni En habang nanliliit ang mga mata sa abogado.
"Atty. Wala ka ng pakielam sa kung anong dahilan ko--"
"You, bullcrap! How could you say you're a lawyer? This is not a business na kikita ka. This is about the pride and dignity of a lawyer!" Galit niyang sabi saka inayos ang damit niya para ipaalam na aalis na siya. "I'll talk to your client kung hindi ka makausap ng matino. I think they needed a new attorney."
Mukhang nataranta naman ang attorney na ito saka tumingin sa kaniya. "Okay. Okay. I get it. Ako na ang kakausap sa kanila."
"Make sure, Attorney. Dahil alam mo ang consequences ng ginagawa mo. You, big fat liar." Pabulong na sabi ni Ezekiela saka tumalikod na para umalis. Sinundan naman siya kaagad ng secretaty niya na tahimik lamang.
°•○☆○•°
Another chapter done,
another one to write.
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
AksiAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...