Kulay tsokolate
SUMAKIT ang ulo ni Junex nang marinig ang cellphone na tumutunog. Kanina pa ito pauli-ulit na pinapatay. Hindi naman niya tuluyang mapatay ang telepono dahil sa hindi lang naman kung sino sinong pontio pilato ang tumatawag sa kaniya. Sinilip niya kung sino ito. Mas lalo yatang kumirot ang ulo niya nang makita kung sino ang tumatawag.
Criselda calling...
It's her ex-girlffriend, Criselda. Na hindi pa rin yata maka-move on sa nangyaring break up sakanila. Matagal sila ni Criselda. Kung susumahin ay ito na ang pinakamatagal sa lahat ng naging ex niya. Nagkataon lang na nakita niyang may iba pa itong kinakama maliban sa kaniya.
He's not hurt. Tutal parang natuwa pa siya dahil hindi maganda ang ugali ng dalaga. Maarte ito at walang alam na gawaing bahay. Hindi niya lang alam kung paano sasabihin sa babae dahil sa pagiging iyakin nito. And that's the last thing he'll do for a girl.
Tumunog na naman ang cellphone niya ngunit sa halip na hindi pansinin ay napag-isipan niyang sagutin ito. "Look, Criselda. We're done. Don't you get it? You cheated and that's just so fuck as your man. So, stop this nonsense!" Uminit ang ulo niya nang maalala ang kahalayan ginawa ng ex-girlfriend niya.
"What. A. Load. Of. Bullcrap, man! Criselda cheated on you?" Slow-mo ang bawat pagbigkas ng gago. Manghang manghang sabi ng nasa kabilang linya saka tumawa ng sobrang lakas. Sinilip niya kaagad ang screen ng cellphone at saka napasapak na lang sa noo niya
Fvck! Si Edjan pala!
"You heard it right. So shut the fvck up!" Gigil niyang sabi saka pinatay ang tawag. Bwisit talaga ang gungong na yon!
Kung hindi niya lamang kasama sa team ang lalaki ay hindi niya pagtyatyagaan bilang miyembro at patatalsikin niya kaagad ito. Masaklap pa. Naging kaibigan niya pa ito!
Tumawag muli ito at sinagot naman niya dahil umasa siyang may matinong ibabalita. "Tamang tama pala! Nagyaya si Drexel sa isang bar. Siguro wala ka ng excuse para hindi sumama diba? Brokenhearted ka pa naman!" Ani muli nito saka tumawa ng nakakainsulto.
Gago talaga to!
Paniguradong hindi ititikom nito ang bibig at malalaman ng buong Team niya."Once we go back at the training headquarter, remind me to put a bullet on your head, Beta!" Pananakot naman niya.
"Alpha naman! Hindi na mabiro. 7 pm at the High End. Pumunta ka. Kundi." Ani nito saka tumawa na naman. "Joke, boss. Punta ka ah."
Napangisi na lang siya dahil takot pa rin ito. Siya ang Alpha ng team. Hindi niya alam kung bakit pero dahil na rin siguro sa credentials at skills niya sa pakikipaglaban. He's good. Really. Kaya lagi siyang naaassign sa mga pagsugod sa mga Mafia Headquarters o mga Drug Lords. Kadalasan ay mga malalaking sindikato.
Naalala na naman niya ang mga masamang taong may balak sa kaniya. Specifically, sa bagay na hawak ni Junex. Mga magnanakaw na hindi mga malilit ang puntirya. Those ancient things that really have the price. Lalo na sa bidding na may mga museo na gustong kumuha nito, nakaw man o hindi.
Kinuha ni Junex ang blueprint na nasa harap niya. Alam niyang maraming nagpaplanong masama para sa artifact ng Abuela niya. Kaya nagpaggawa siya ng pekeng blueprint ng bahay at pekeng taguan ng artifact. Kung susumahin ay wala rin naman siyang dapat pagtiwalaan sa mga kasama niya. Tanging siya lamang at ang sarili niya.
Tinitigan niya rin ang kahon kung saan niya tinago ang artifact at simpleng hinimas 'yon. Hinimas rin nya ang katabing kahon nito na naglalaman ng replica ng artifact. Napangisi siya.
Kung matalino ang magnanakaw sa mga pulis.
Pwes, ibahin nila si Junex dahil alam niya na mas hamak naman ang talino niya sa mga gunggong na mga magnanakaw na 'yan!
PUMUNTA siya sa nasabing bar ngunit hindi sa oras na napag-usapan. Siguro ay magpapakita lamang siya dahil pagod siya sa training kanina sa mga lawyer na pinapractice nila para sa isabak sa isang raid.
Hindi naman na kasi maaring normal na mga agent o pulis ang ilagay dahil paniguradong mabubuking sila lalo na't walang alam sa legal matters. Isang babae at isang lalaki ang titraining niya at kinakabahan siya para sa naturang babae. Napakadelikado kasi ng misyon nila at siguro'y walang magawa ang babaeng abogado dahil kita ang takot nito sa boss nila.
Napailing na lamang si Junex nang sa VIP section talaga nagpareserve ang mga kasama niya.
"Tagal mo naman, boss!" Ani nito sa pinalo ang balikat niya na parang close sila. Nanliit naman kaagad ang mga mata niya kay Edjan kaya agad humalakhak ang gunggong! "Peace, Alpha!"
Tinignan niya isa-isa ang team. Apat sila sa grupo na kahit loko loko ang mga 'to ay seryoso kapag laban na. Tumango lang sa kaniya si Meek Kael Primero na ang Charlie ng grupo. Ito ay nasa intelligence wing ng headquarters at nagsasama sama lamang sila kapag may misyon.
Si Dan Drexel Aquino na kasama sa bombing Team ang Delta nila. Si Edjan Paul Villanueva ay ang Beta na kasama rin niya sa mismong headquarters para mag-train rin ng mga pumapasok sa gobyerno.
"Ilabas na ang mga alak!" Agad na sabi nila Drexel at Edjan at agad naglagay ang waiter sa lamesa. Jack Daniels agad ang binuksan ng mga loko at nilagyan ang apat na shot glass.
"Isa. Dalawa. Tatlo. Tungga!" Ininom ng sabay sabay nila Junex ang alak. Ngumisi lang siya at saka si Meek. Sila Drexel at Edjan naman ay mga tumatawa.
Inabot kaagad ni Edjan ang shot glass ni Junex. "Dapat si Alpha ang nangunguna satin! Broken to eh!" Ani nito kaya agad niyang binatukan sa ulo. Hinablot na lamang niya ang mismong note saka ininom yon hanggang mag kalahati. Na-inggit naman ang dalawa saka uminom rin. Samantalagang si Meek ay napailing na lamang sa isang tabi at pasimpleng inubos ang isang beer.
TAOB kaagad ang mga kasama niya. Kahit si Meek na beer lang ang ininom ay taob din dahil mahina ito. Pagod na pagod si Junex dahil bugbog ang katawan niya sa training kaya paniguradong bagsak siya sa kwarto niya o kahit saan na bahagi ng bahay niya.
Nagmulat siyang mata na kahit hilo ay alam niya ang ginagawa. Inuntog niya na lamang ang kaniyang ulo sa sofa pero langya sa salamin dumiretso ang ulo niya!
Nagising ng bahagya ang diwa ni Junex sa ginawa kaya inulit pa niya yon. Nagpaulit ulit yong pag untog niya sa salamin nang makita niyang nakatingin si Meek sa kaniya.
Agad tumaas ang kilay ni Junex dahil mukhang hindi naman siya ang tinititigan ng kaibigan. Napansing niyang may nginuso ito sa bandang likod na pinaguuntugan niya. Sinilip niya ito dahil na-curious siya kung anong mayroon.
At ang naabutan niya ay isang pares ng matang may kulay tsokolate. Bilog na bilo at maamo.
Nakatingin ito sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. At kitang kita niya rin ang lihim na paglunok nito.
Unti unting tumaas ang sulok ng labi ni Junex Kyren nang makitang umawang ang magaganda at mapulang labi ng babae.
Hindi naman niya napigilang kagatin ang sariling labi nang mapatingin siya sa mga maninipis na kurbang iyon.
Oh man. What a beautiful sight! Kung ganito ba naman ang aabutan niya sa kada lingon niya ay bakit hindi?
Napangisi na lamang siya dahil halatang tinititigan siya ng babae.
Huli ka!
°•○☆○•°
Another chapter done,
another one to write.
BINABASA MO ANG
Draw Me Close [DMC]
ActionAlpha Team's Series 1 Highest Rank: # 36 in General Fiction Highest Rank: #109 in Action Kung hindi ba naman sa lolo ni Ezekiela Nica Mercado ay hindi na mabibigyan pa ng pansin at 'di na malalaman pa ang tungkol sa artifact na nasa pamamahay ng mga...