Si JR at ang mga Kaibigan

184 27 2
                                    

"Ikaw JR! Ano ba ang pinakamahalagang bagay sayo? Ano ang pinaka pinahahalagahan mo? Tanong ka nang tanong." Sabi ni Gordon.

"Oo nga naman, puro ka nalang tanong." Sabi ni Carlo.

"Mas maayos nang nagtatanong kay sa nagmamarunong." Sabi ni Onairos.

"Isa din akong normal na binata.Nak gagawa rin ako ng mga mabubuti at masasama. Madami akong tanong sa buhay na dapat masagot, at dapat makita ng aking mga mata at madinig ng aking tainga ang lahat ng dapat kong malaman bago pa man dumating ang aking kamatayan. Dahil alam ko na dadating ang araw na gagamitin ako ng Diyos bilang istrumento. Ako ay nasa gitnang klaseng pamilya. Ang sagot ko po dun sa tanong ni ginoong Gordon, ang pinaka mahalaga po sakin ay ang Diyos. Pero kasunod na nun ang aking mga kapamilya at kaibigan. May mga kaibigan ako na hindi lang basta kaibigan,kundi kapatid na ang turingan namin.Yung totoo mahal na mahal ko sila. Tinatawag kaming "Tropang kuwento" dahil puro kami kuwentuhan na parang hindi nauubusan at walang katapusang kuwento. Ako ay laging tinatawag ng kalikasan pero lagi silang nandiyan para tulungan ako at mailabas ko ito sa tamang lugar; binabantayan pa nila ko. Masaya ang pagkakaibigan namin at laging damayan at asaran, kaya minsan hindi maiiwasan ang pikunan. Ang pagkakaibigan namin ay parang matibay na tahanan,umulan man at bumagyo'y nakatayo pa rin. Pinatibay ng pundasiyon ng panahon at pina-tatag ng pinagdaan sa bawat pagsubok ng tadhana.

Ang buhay ng pagkakaibigan namin ay tulad nang pangyayari kapag nasa isang jeep kami. Pinaka masaya ang biyahe, dahil sabay-sabay nakikita ng aming mga mata ang bawat pagsubok na dumating sa amin at nalagpasan ito.Magkakasama naming nakita ang maraming bagay, mabuti man o masama, kasiyahan o kalungkutan. At katulad din sa isang jeep, dadating ang oras na kailangan nang bumaba ng isa sa amin para magpaalam at pumunta sa kanyang patutunguan. May ilang maiiwan kasama mo, ngunit hindi magtatagal ay baba rin sila. Hanggang dumating naman ang oras na kailangan mo nang bumaba at mag paalam upang pumunta sa iyong piniling landas. Mag-isa nalang kayo, at hiwahiwalay na kayo ngunit sa puso't isip niyo ay mananatiling magkakasama kayo. Ngayon ay wala na akong balita sa kanila. Sana nasa magandang kalagayan kayo mga kaibigan ko.Wag sana kayong matakot sa mga dadating na paghihirap at titiisin natin na malapit na nating sapitin. Kung sana dati ay nakinig kayo para naging handa na ang katawan, isipan niyo." Maikling kuwento ni JR.

"Bakit anong nangyari?" Tanong ni Gordon.

"Isang araw nung ako'y na sa ika-apat na baitang sa highschool, niyaya ako ng isa kong kaibigan na sumama sa isang doktrina na gaganapin sa kanilang iglesia. Ang pangalan niya ay Mike. Alam ko din naman na ang maganda yung iglesiang pupuntahan ko at na didinig ko na din yun nung ako'y bata pa (Hindi yun yung iglesia ni Christo). Niyaya ko rin naman ang halos lahat ng kaibigan ko at iba pang kaklase, at sumama naman sila. Nakadating kami ng maayos sa sambahan. Noong nandun na kami, may napapansin akong kakaiba sa kasama ko, parang hindi sila sang ayon sa sinasabi nung nag sasalita at nakikita ko rin ang iba na nag uusap na parang tinatamad na. Hindi nagtagal may nagsabi na na kailangan niya nang umuwi dahil gabi na,at may nagsabi din na tatlo na kailangan na din nilang umuwi, at may sumunod na apat, at may sumunod ulit na apat kong kaklse. Hanggang tumagal na apat nalang kaming naiwan. Kaming apat lang sa mga magkakaibigan at magkaklase ang mga naiwan at tinapos ang araw ng pagdoktrina.
Hindi lang isang araw ang pagdoktrinang sa iglesiang pinuntahan namin kundi umaabot ng isang linggo mahigit. Kinabukasan, sinabi sa akin ng mga kaklase ko at kaibigan ko na hindi na raw sila makakapunta sa susunod na doktrina dahil hindi na raw sila pinayagan. Ganun din naman ang sinabi nang isa kong kaibagan pero sinabi ko na sayang, at pinilit ko siya kaya pagkadating ng uwian namin, pumunta na kaming apat sa iglesia.

STATIM FINIS (Pagwawakas ng Lahat ng Bagay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon