Lory Pov!"It's me your Ninong nick. Ilang linggo lang tayong hindi nagkita nakalimutan mo na ako. Ikaw talagang bata ka."
Pumikit ako at hinimas ang mga mata ko para tiyakin na mali ang akala ko.
"Ninong nick? Ninong nick, Ninong nick. Oo ikaw nga." isa siya sa mga matalik na kaibigan ni daddy at ninong ko rin. Malapit ako dito dahil madalas itong pumupunta sa bahay. Mabuti naman at siya ang nasa harapan ko at hindi ang daddy ni Xander. Kanina kasi mukha niya ang una kong nakita kaya ganoon na lang ang pagkabigla ko.
"Yes it's me. Bakit akala mo ba hindi ako?"
"Opo gumwapo po kasi kayo lalo."
"Nambola ka na naman. Sino nga pala ang kaaway mo? Bakit parang galit na galit ka?"
Napangiti na lang ako ng pilit.
"Bakit nga po pala kayo nandito?"
"May ihinatid lang akong document. Daddy mo nga sana ang magdadala dito pero may hearing siya na dapat puntahan eh kailangan na daw yun kaya ako na lang ang nagdala dito. Siyanga pala bababa ka na ba? Sabay ka na sakin."
"Hin..hindi na po tito may inaantay pa po kasi ako."
"Ganon ba? Oh sige mauna na ako. Sasabihin ko sa dad mo na nakita kita dito."
"Sige po ninong. Ingat po." niyakap ko ito.
"Ikaw din."
"Opo."
Pumasok na ito sa loob ng elevator.
"Lory."
"Sir James."
"Kumusta ka na? Ano ba ang nangyari sayo kanina. Narinig ko na hinimatay ka daw."
"Mamaya ko na ikekwento sayo sir. Pwede bang kumain muna tayo? Nagugutom na ako." bigla naman na tumunog ang tiyan ko.
"Oo nga. Narinig ko nga na gutom ka na. Halika na."
Humarap ako sa nakasarang elevator at bumuntong hininga. Wala namang masama na sumakay ako dito. Susubukan ko lang ulit.
"Sigurado ka ba na gusto mong sumakay dyan?"
"Oo. Kasama naman kita at kung sakali na himatayin na naman ako tawagan mo lang si Xander."
kumunot ang noo niya sa bilin ko."Bakit si sir Xander?"
"May kinontrata na kasi yun na mga medics dahil baka himatayin na naman daw ako!" pinindot ko na ang button na pinindot kanina ni ninong at bumukas na ito. Buti naman walang sakay. Pumasok na ako at sumunod naman siya.
"So alam niya na?"
Hindi na ako nakasagot dahil binalot na naman ng takot ang puso ko. Napakaipit na lang ako ng mahigpit sa braso ni James ng magsimula na itong gumalaw pababa at magsimula na ring manginig ang kamay ko kaya napapikit na lang ako.
"Stay calm Lory. Take a long sigh."
Kagaya ng sabi niya huminga ako ng malalim at kahit papaano nabawasan na naman ng konti ang takot ko pero hindi ang panginginig ng mga kamay ko.
"We're here. It's over now."
Dahan.dahan kong minulat ang mga mata. Nakabukas na ang elevator pero wala kami sa ground floor.
"Nasaan na tayo?"
"Sa 2nd floor. Ayos ka lang ba? Ang putla mo."
Tumango lang ako. Inalalayan niya ako palabas at lahat ng nakakakita at nadadaanan namin parang nakadikit na ang mga mata nila samin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...